“Bulog, dalhin mo ang malaking litrato rito sa kuwarto ko.”
Sina Simeon
“ANO ang balita sa pagpunta mo sa mansyon?” bungad sa akin ni nanay. Nilamon na ng gabi ang liwanag. Kasalukuyan kaming nakaharap sa iisang hapag at pinagsasaluhan ang hapunan sa madilim na gabing ito. Ang ulam ay binubuo ng tortang talong at nilagang talbos.
Kasama pa ang inuming sabaw ng buko na inani pa mismo sa tanim namin. Dahil sa gusto ng dalawa kong kapatid, nagbukas kami ng meatloaf- ito ay kasama sa dilata na ayuda ng taong kinamumuhian ko, si Kapitan.
“Diko, isama mo naman ako sa susunod. Sa tingin ko, marami ngang magagandang gamit na masyon!” masiglang wika naman ni Espirita. Ngumiti ako sa kaniya at sinagot ang kaninang tanong ni nanay.
“Ayos naman po, nay. Hindi ko pa po nakausap si Donya. Busy po siya at maraming ginagawa sa kuwarto niya. Bukas po ay magsisimula na rin akong gumawa.”
“Ano po ang mansyon?” inosenteng pagsingit ni Vhina sa pag-uusap.
“Ah-anak, ang mansyon ay iyong malaking bahay sa labasan natin. Natatandaan mo ba ang mga sasakyan no’ng fiesta?” Tumango si Vhina. Ngumiti naman kami sa kaniya ni Espirita. “Doon magtatrabaho ang diko Sina niyo simula bukas. Kaya tuwing uuwi siya, pagod na pagod iyan. Huwag na kayong masyadong makulit, madaragdagan lang ang trabaho ng diko niyo,” saad ni nanay sa mga kapatid ko.
“Talaga po!? Wow, ang galing naman ni Diko… may work na siya!” Mahina naman kaming natawa dahil sa sinabi ni Vhina. “Ako po, gusto ko na rin lumaki agad para makatulong na kay nanay!”
Pinagpatuloy namin ang pag-uusap ng mga kung ano-anong bagay. Nariyan na ang asaran upang makalikha ng mga tawanan na siyang nagbigay sigla at kulay sa aming hapunan.
Matapos ang pagkain namin, ako na ang nagboluntaryo na maglipit ng mga pinggan at hugasan ang mga ito sa labas. Hindi naman na tumanggi si Nanay sa gusto ko. Napansin ko rin kasi na pagod siya dahil sa tindi ng trabaho sa bukid. Si Espirita naman, nagtungo sa palikuran kasama niya si Vhina para linisan ang bata ng katawan bago sila tumuloy sa higaan at matulog.
HABANG abala ang katawang lupa ko sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin sa poso sa labas ng bahay ay bilang lumapit sa akin si tita Azusulayta. Tinigil ko muna ang ginagawa ko at humarap sa kaniya.
“Magandang gabi po, tita,” bati ko rito. Maganda ang mood ko ngayon. Hiling ko lang ay huwag niyang wakasan ito.
“Nabalitaan kong pumasok ka raw ng katulong sa mansyon,” wika nito sa akin habang blanko ang ekspresyon. Maharil, nabalitaan niya ang impormasyong ito sa mga tiyahin ko na nagkalat sa tabi-tabi
“Opo, tita,” ang sagot ko. “Bakit nga po pala?”
“Hindi ka dapat tumuloy, Sina!” Bigla akong kinalibutan dahil sa paghawak niya sa braso ko. “Isang pagkakamali ang ginawa mo.”
“Ay, tita. Iyong kamay niya po. Medyo mahapdi po kasi.” Tinanggal naman niya ang kamay niya. Nabasa na tuloy ang palad niya.
“Mag-iingat ka,” wirdong wika ni tita.
Hayst… ito na naman tayo, paulit-ulit nalang. Hindi nga ako nagkamali na may say na naman siya sa desisyon ko sa buhay.
“Hehe… hindi naman po ako mapapano sa mansyon, tita. Huwag po kayong mag-isip ng kung ano-ano,” ang tanging dahilan ko.
Mas mainam siguro kung iisipin ko nalang na concern lang siya sa akin kaya niya ako pinapaalalahanan. Paalala na mukhang hindi ko magagamit dahil wala naman akong nararamdaman na kakaiba sa mansyon. Excited na nga akong mag-work bukas ih.
“Wala kang alam!” Nanlilisik ang mga matang sabi nito sa akin. Bahagyang tumaas ang level ng boses niya.
“Ano po ba ang kailangan kong malaman?” ang usisa ko.
Naintriga ako sa sinabi niya at naalala ko rin ang kinuwento niya sa amin ni Kalay tungkol sa madilim daw na nakaraan ni donya Catripia. Ngayon na nandito na siya ay nais kong itanong ito sa kaniya.
“Wala ka nang dapat malaman, Sina!” Huminto siya saglit at sumilay ang mapagpanggap na ngiti sa kaniyang labi. “May hihilingin lang sana ako sa iyo.”
“Ano po iyon?”
Hindi ko na talaga makapa ang ugali ng tiyahin kong ito. Baka kailangan na rin niyang magpa-consult sa isang psychologist in case may naiisip na siyang mga bagay na beyond sa katotohanan.
“Sa unang suweldo mo, pautangin mo ako no? Bibili lang ako ng bagong daster. Wala na kasing bagong maisuot. Alam mo naman, nakasasawa na ang damit na paulit-ulit nalang nasuot! Huwag mo na iyang sabihin pa sa nanay mo. Babayaran ko rin kapag nagkapera na ako,” mahabang wika ng magaling kong tiyahin.
Saglit akong natahimik at nawalan ng sasabihin. Akala ko, kung ano ang sasabihin niya. Jusko, lokang-loka na talaga ko sa kaniya.
“Baka naman ayaw mo pa? Ang tagal mong sumagot! Sige, huwag na, naging masaya naman akong alagaan ka noong bata ka habang ang mahusay mong ina ay may ibang kinakasama! Aba ang laki ng paghihirap ko sa iyo, Sina. Kahit isang kusing ngayon na may trabaho ka na, nagdadalawang isip ka pang pautangin ako! Hindi ako nanghihingi, Sina at nangungutang lang! Magkaiba iyon,” dagdag pa ni tita.
Kay galing-galing niya naman talaga no? Siya nalang ang manghihiram, siya pa ang mukhang manlalamon ng buhay.
“Hindi naman po sa ganoon, tita. Kapag po may sumobra ay magbibigay po ako. Hindi ko pa po kasi alam kung magkano ang pasahod sa akin ni donya. Wala pong nabanggit si manong Bulog sa akin,” ang hayag ko.
Madilim ang paligid. Tahimik at ang tanging sinag lamang na nagmumula sa ilaw ng kubo ang nagbibigay ng tanglaw sa posong kinatatayuan namin ngayon.
Buo sa isip ko na siya ang nag-alaga sa akin noong bata ako, pero wala siyang magandang ala-alang iniwan sa memorya ko. Kung paluin, pagalitan at utusan niya ako ay sobra pa sa wagas. Buhat ng mga hindi magandang ala-ala, ang katotohanan na inalagaan niya ako ay nakatala na sa kasaysayan ng buhay ko. Kaya bibigyan ko nalang siya, nag-iisa lang kasi si tita sa buhay.
“Nag-iisip ka ba Sina? Akala ko ba ay nag-aaral ka? Bakit naman tinanggap mo ang trabaho na hindi mo pa pala alam ang kung magkano suweldo! Paano kung hindi ka bayaran no’n? Magkanaw ka nalang ng mga mamahaling gamit kapag hindi ka binayaran nang makabawi-bawi ka manlang,”
Nagulat ako sa sinabi ni tita. Hindi ko naman kayang gawin iyon, kahit na anong mangyari.
“Ate? Anong tinuturo mo kay Sina?” Biglang pagsulpot ni nanay.
“Wala. Tinuturuan ko lang ang anak mong mga aral ng mabuti nang hindi siya maging dehado sa buhay,” sagot nito kay nanay. “Oh siya, aalis na nga ako. Basta Sina, ang sinabi ko sa iyo. Huwag mong kalilimutan.” Umalis na siya matapos akong ang paalalahanan.
“Ano na naman bang sinabi sa iyo ni ate?” tanong ni nanay sa akin.
“Eh nay, ano pa nga ba? Adi iyong pag-aalaga niya sa akin noong bata ako. Paulit-ulit nalang nay, sanay na sanay na ako kay tita,” banggit ko.
“Wala na ba siyang ibang sinabi sa iyo?” ang seryosong tanong ni nanay. Pansin ko ang pagiging mausisa niya.
“Wala naman nay, iyong narinig niyo lang na kapag hindi ako binigyan ng sahod ni donya ay magnakaw raw ako ng mga gamit sa mansyon,” sagot ko.
“Mabuti naman. Akala ko ay mayroon na.” Parang nadulas si nanay sa sinabi niya.
“Ano pong mayroon, nay?” ang tanong ko. Halatang nagulat siya ngunit mabilis niyang winaksi ang naturang eskspresyon at ngumiti sa akin.
“Mayroon? Oo, mayroon ka nang trabaho, magkakasahod ka na. Huwag mong gagawin ang sinabi ni ate na magnanakaw. Alam ko naman na alam mong mali iyon. Kilala kita Sina, hindi ka nakikinig sa kaniya.” Tama si nanay, hindi ko talaga gagawin ang ganoong bagay.
“Oh siya, bilisan mo na riyan nang makapagpahinga ka na. Ramdam ko ang pagod sa mga mata mo. Ako na ka ko ang gagawa niyan ngunit mapilit ka.” Sobrang maalaga talaga ni nanay. Hindi man kami sagana sa materyal na bagay. Luhod na luhod naman kami sa pag-aalaga niya.
“Magpahinga na rin po kayo,” ang sagot ko.
NAKAPATONG ang pagod kong katawan sa matigas na higaan. Banig na mayroong sapin na kumot para kahit papaano ay ma-sugarcoat na malambot ang higaan ko.
Alas onse na nang gabi pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi naman malamok sa kuwarto ko, mayroon akong katol na siyang pumapatay sa mga insektong nais hithitin ang dugo ko.
Ako lang mag-isa sa kuwarto, magkakatabi sa kabilang silid sina nanay at ang dalawa kong kapatid. Gawa lamang sa light materials ang bahay namin. Ang diding ay binubuo ng lawanit at mga pinutol na kawayan, ang pundasyon naman ng apat na sulok ay iyong mga puno ng bayabas.
Tutal patay na ang puno, upang mapakinabangan ay ginawa itong haligi ng tahanan.
Nang mapatingin ako sa gilid ng asul na kurtina ay nakita ko ang napakalabong larawan ng aking ama. Ito nalang ang nag-iisang larawan niya na mayroon ako. Noong nagkalit ang nasirang asawa ni nanay, ang tatay nina Vhina at Sina, tinapon niya ang mga pictures ni tatay. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni tito, nagseselos pa ata sa patay na. Mabuti nalang talaga at may naitabi pa si nanay na isang picture at binigay niya ito sa akin.
Sanggol pa lang ako nang mawala si tatay kaya hindi ko na nagisnan pa ang ugali niya, kung paano siya makitungo sa ibang tao at kung paano sana mas sasaya pa ang buhay namin kung kasama namin siya. Ayon sa mga kuwento-kuwento, mabait na tao raw ang tatay ko. Kaya hanggang ngayon, kagaya ng sinabi ni Kapitan Ignacio, walang nakaaalam kung sino ang tumapos sa buhay niya.
‘Sana nandito ka pa, ‘tay’ bigkas ko sa isipan habang nakatingin sa litrato ng aking ama. Paminsan ay hindi ko maiwasan na hindi malumbay, lalo na’t naiisip ko kung ano ang pakiramdam kung nandito pa nga si tatay.
Growing up, naiinggit din ako sa ibang bata na mayroong tatay, kumpleto ang pamilya, lalo na sa mga kasabayan ko sa eskwelahan. Katulad nalang ng iba, mayaman na at may tatay pa. Lalayo pa ba ako, si Xian, siya ang magandang halimbawa ng tinutukoy ko.
May tatay siya, may pera rin. Ang kaso teka lang, parang ang lungkot ng buhay niya, mga katulong ang araw-araw na nakakasama niya sa bahay. Kanina nang pumasok ako sa bahay nila, sobrang tahimik Wala na rin kasi ang nanay ni Xian, si Kapitan naman, abala sa kung ano-anong bagay na ginagawa niya.
“SINA? anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong sa akin ni Xian nang buksan niya ang pinto ng kuwarto niya. Nabungaran ko na naman ang guwapo niyang mukha. Nalungkot ako, ramdam ko na kulang na kasiyahan sa mga mata niya. Hindi maikakala na may trangkaso nga siya.
“Ah-eh, Xian. Ibibigay ko lang sana ang pinagawa mo.” Inabot ko sa kaniya ang papers niya at kinuha naman niya ito. Nagulat ako nang matanaw ko ang shorts niya dahil parang may tinatago siyang patola sa loob no’n. Mahilig ba siya sa gulay? Ayan ang pumasok sa isip ko. Pero ano naman ang gagawin ng gulay sa loob ng boxer shorts?
“Ehem…” napatikhim siya nang mapansin ang pagsulyap ko rito. Hindi niya manlang tinakpan!
Nasa gilid ko si kuya Amar, hindi naman siya nakikinig sa pinag-uusapan namin.
“Hard iyarn?” Mabilis kong tinakpan ang bibig dahil nahihiya ako sa sinabi ko.
Hala, nahahawa na ata ako kay Kalay?
“Oo, Sina kanina pa nga e, wanna touch it?” nakangising tanong niya. Tumingin siya sa mga mata ko at para akong nahipnotismo sa mga tingin niya. Napatitig nalang ako nang nagkagat labi siya.
“Maiwan ko muna kayo,” wika ni kuya Amar. Bumalik ako sa realidad at nakita ko ang nakangising mukha ni Xian. Ginagamit na niya sa akin ang kalokohan niya.
“Huwag na kuya Amar,” pagpigil ko sa katiwalang lalaki. “A-alis na rin po ako. May pupuntahan pa rin po kasi.”
Hindi ko kinaya ang pagiging flirty ni Xian. Iyon maharil ang epekto ng trangkaso niya.