"Naiintindihan ko naman na nag-aalala ka dahil darating na ang iyong ama. Alam ko kung anong klaseng ensayo ang binibigay niya sa iyo pero, gaya ng lagi kong sinasabi. Para naman ito sa iyong kapakanan. Makakabuti ito para sa iyo,"nakangiting paliwanag ni Mommy.
Si mommy ang tipong tao na lagi na lang nakasimangot at hindi masiyadong nagpapakita ng emosyon. Minsan ay natatakot nga pumunta ang mga kaibigan ko rito dahil kay Mommy. Oo nga at kung titignan masiyado silang malapit sa isa't-isa pero, ang totoo niyan ay sobrang layu ng mga ito kay ina. Paminsan-minsan lamang siya namamansin sa mga kaibigan ko. Minsan pa nga ay ayaw nitong lumabas sa kaniyang silid dahil ayaw niyang makihalubilo sa kanila.
"Alam ko naman po iyon dahil lagi niyo naman po itong pinapaliwanag,"tugon ko, "Pero sana naman ay ipaalam niyo sa akin muna. Hindi iyong magugulat na lang ako na darating pala rito si ama, hindi man lang ako nakapaghanda. Sana ay ang mga oras na ginamit ko para makig-bonding sa mga kaibigan ko ay ginamit ko iyon sa pag-aaral. Alam niyo naman po kapag pumalpak ako."
Napangiti si mommy sa aking sinabi sabay haplos sa aking mukha. Hindi ko maintindihan ang dahilan kung bakit ganito na lamang siyang kumilos pero hinayaan ko na lang.
"Alam ko,"ani nito, "Pero wala ka naman dapat ipag-alala sa mga panahon na ito. Ang iyong ama ay bibisita lamang para makig-bonding sa iyo-sa atin, ayon sa kaniya ay wala raw muna kayong ensayo o lessons. Kaya huwag ka ng mag-alala at magpahinga ka na."
Gulat na napatingin ako sa kaniya.
Anong nangyayari? Kahit kailan ay hindi ko pa nasusubukan na umuwi rito si papa tapos wala kaming ginawa. Hindi pa nangyari sa buong buhay ko na tanging bonding lamang ng pamilya ang ibinalik ni papa rito sa ibabaw ng lupa.
May nangyari kaya sa underworld? Siguro.
Hindi ko naman alam kung anong klaseng mundo ang pinagmulan ko o kung anong mayroon doon. Wala rin akong makuhang balita dahil kahit kailan ay hindi pa ako nakakapunta roon simula noong pinanganak ako. Gusto ko sana pero, ayaw pumayag nila mama at papa kahit bumisita lang kami doon.
"Mommy,"tawag ko sa kaniya.
"Bakit?" Tanong nito.
"Bakit laging si Daddy lang po ang umuuwi rito? Hindi po ba talaga pwede na tayo naman ang umalis dito sa bahay at pumunta sa underworld? Alam kong paulit-ulit na po ako pero, nakakalungkot lang kasi kahit kailan ay hindi ko pa talaga nararating ang mundong pinagmulan natin,"sabi ko sa kaniya.
Natahimik naman ang aking ina habang patuloy pa rin na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako komportable sa paraan ng pagtitig nito sa akin. Para bang may gusto itong sabihin sa akin pero ayaw lumabas sa bibig niya.
Nanatiling nakatitig ang aking ina sa akin hanggang sa lumipas ang ilang sandali at tumalikod ito. Galit na naman kaya siya? Galit na naman kaya siya dahil muli ko na naman binanggit ang underworld? Gusto ko lang naman magkaroon ng kasagutan kaso heto na naman kami. Paulit-ulit na lang din ang nakukuha kong sagot mula sa kaniya.
Kung hindi ako papagalitan ay tatahimik na lang siya bigla at aalis sa harapan ko.
"Mommy?" Tawag ko rito.
"Hindi ko masasagot ang tanong na iyan sa ngayon. Ang Daddy mo ang nag-desisyon kung bakit dito niya tayo iniwan pero, isa lang ang masasabi ko,"ani nito bago muling lumingon sa akin at ngumiti, "Kahit gustuhin ko man na dalhin ka roon o ibalik ka sa mundo natin ay hindi pwede. Sana ay maintindihan mo ito, para lang din naman ito sa kaligtasan mo."
Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay tuluyan na itong umakyat patungo sa kaniyang silid.
Hindi ko maintindihan. Bakit sa tuwing may itatanong ako o gagawin ko na gusto nila ay lagi na lang nilang sinasabi na para sa kapakanan ko ito? Matanda na naman ako ah? Hindi pa ba ito ang tamang oras para sabihin nila sa akin kung bakit nila ako dinala rito? Kung ano talaga ang sagot sa mga katanungan ko?
Nakakainis lang dahil lagi na lang nila akong tinuturing na parang bata. Kung sabihin na lang kaya nila na nanganganib ang buhay ko? Na hindi ako pwede bumalik sa underworld dahil may naghihintay na panganib sa akin doon?
Pero ano?
Dahil ba ito sa mga misyon ni papa? At lahat ng mga ginawa niya ay may mga demonyong gustong maghigante? Ang babaw naman kung ganoon, kaya ko na naman protektahan ang sarili ko laban sa mga halimaw doon.
Oo nga, isa akong demonyong mahina kung ihahalintulad sa ibang demonyo tulad nila mama at papa pero..hays. Nakakapagod naman.
Umakyat na lamang ako sa itaas hanggang sa makarating na ako sa harap ng aking silid at pumasok na roon. Nang makarating na ako sa loob ay agad akong dumeritso sa closet at nagbihis ng pantulog, pagkatapos ay humiga na sa kama sabay pikit ng aking mga mata.
"Darating si Daddy bukas,"bulong ko at unti-unting idinilat ang aking mga mata. Bumungad naman sa akin aking itim na kisame, "Ano kaya ang pinaplano nilang dalawa? Ang hirap pa rin pagtiwalaan ang sinabi ni mommy na wala kaming gagawin ni Daddy. Impossible talaga na hindi kami mag-eensayo bukas."
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago kinuha ang aking unan at yinakap ito. Amoy na amoy ko ang aking pabango.
Bahala na nga siguro kung ano ang mangyayari bukas. Kung mapapagalitan man ako ay pagalitan na lang. Lilipas lang din naman, iyon lang ay kung hinid magbibitaw si Ama ng mga masasamang salita.
Itinulak ko na lang ang palaisipan na iyon sa likod ng aking isipan at ipinikit na ang aking mga mata upang maghanda sa pagtulog.
Ano kayang hitsura ng mundo namin? Maganda kaya roon? Hindi boring? May lessons din ba kami? May mga magagandang tanawin?
Gusto kong pumunta at masaksihan ang buong lugar pero mukhang tatanda na lang yata ako pero hindi ko pa rin masisilayan ang pinagmulan ko.
Sana pagdating ng araw ay makakapunta rin ako, sana nga..