Attira: 08

2403 Words
Nagising ako ng maaga dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla na lang ako nakaramdam ng lamig sa aking silid. Hindi ko naman binuksan kagabi ang aircon kung kaya ay impossible na maging ganito kalamig ang paligid. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nakitang may fog na ang windows ko rito, pati na rin ang aking salamin. Labis man ang pagtataka ay unti-unti akong bumangon at nilingon ang lalagyan ng remote ng aircon. Off naman ah? Bakit kaya ang lamig ng silid ko? Tumayo na ako at lumapit dito. Nang pindutin ko ang power button ay bigla na lang tumunog ang aking aircon at kasabay nito ang pagbukas ng ilaw na nagsasabing nakapatay ito. "What?" Naguguluhan kong tanong sa aking sarili. Paanong naging malamig itong buong silid ko samantalang hindi naman pala nakabukas ang aking aircon? Napaka-impossible naman na--teka, oo nga pala. Darating nga pala si Daddy ngayong araw at panigurado ay nandito na ito sa loob ng bahay. Bakit ba lagi na lang dis oras ng gabi ito umuuwi ng bahay? Pwede naman kasing ipagpabukas na lang o mamaya. Ibinalik ko na lang sa lalayan ang aking dala-dalang  remote atsaka naglakad na patungo sa aking higaan. Kinuha ko na lamang ang aking kumo at ibinalot ito sa aking katawan. Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata at nang malapit na sana akong makatulog ay siya naman ang pagsalita ni Mommy sa isip ko. "Alam kong gising ka na riyan, bumangon ka na at sumabay sa amin ng iyong ama,"utos nito. Talagang isang pagkakamali ang pagbangon ko kanina. Bakit ko ba kasi nakalimutan na pupunta nga pala si Daddy dito sa bahay ngayong araw. Kung sana ay naalala ko ito agad nang magising ako ay sana hindi na ako bumagon at hindi sana nalaman ni mommy na gising ako.  "I want to sleep,"antok na antok kong sabi. "Bumaba ka na rito, ngayon na,"banta nito, "Huwag mong hintayin na kami ng iyong ama ang pupunta riyan." Padabog akong tumayo mula sa aking kama habang nakasimangot ang aking mukha. Tinignan ko ang orasan na nandito sa aking silid at halos mapahilamos ng mukha nang makitang alas tres pa pala ng umaga. Isinuot ko na lamang ang aking slippers at naglakad na patungo sa pinto ng aking silid. Ngunit bago iyon ay kumuha muna ako ng robe at sinuot ito. Nang satisfied na ako sa suot ko ay tuluyan na akong lumabas sa aking silid habang tinatali ang aking buhok. Sobrang liwanag ng paligid, akala mo talaga ay hindi pa maaga. Sobrang sakit nito sa mata pero pinipilit ko pa rin maglakad ng maayos. May ilang mga maids kaming naglalakad dito sa hallway habang nililinis ang aming mga kagamitan. Karamihan sa maids na nakikita ko ay hindi pamilyar sa akin, siguro ay ito iyong mga maids ni papa sa underworld. "Magandang umaga, mahal na prinsesa,"bati ng mga maids na nakakasalubong ko sabay yuko. Tumango lamang ako sa kanila at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makababa na ako. Tahimik ko lang binabaybay ang daan patungo sa aming kusina nang marinig ko ang malakas na halakhak ng aking ama. Alam kong siya iyon dahil walang ibang tao o demonyo rito sa aming bahay ang may lakas na tumawa ng ganiyan kalakas. Laging sinasabi ni Mommy sa akin na dapat ko raw bantayan ang kinikilos ko dahil isa akong babae. Huwag daw akong tumulad sa aking ama. Ewan ko ba kung dapat ba akong matuwa o hindi. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa may pinto at mula rito ay kitang-kita ko si Daddy.  Azazel Domain, ang aking  strikto pero mapagmahal na ama. "Good Morning, Mommy, Daddy,"bati ko sa mga ito. Sabay-sabay na napalingon naman ang dalawa sa akin na may ngiti sa kanilang mga labi. Ang aking ama ay halos mapunit na ang mga labi nito nang makita ako. Mabilis itong tumayo mula sa kaniyang upuan habang nakalahad ang mga kamay nito. "Good Morning, My Little Princess,"bati nito at unti-unting naglakad papalapit sa akin.  Nagsimula na rin akong humakbang patungo sa kaniya at dinamba ang aking ama ng yakap. Kahit naman na ayaw na ayaw ko itong makita dahil lagi na lang kaming nag-eensayo ay hindi ko rin maipagtatanggi na, itong ama ko ay lagi kong hinahanaphanap. Walang araw na hindi ko siya miss. "Daddy, baby na naman ang tingin mo sa akin,"pagtatampo kong saad dito. "Why? Are you not my baby?" Ani nito at hinagkan ang aking pisngi, "Hali ka na at umupo. Kakain na tayo ng umagahan." "Opo,"saad ko at kumalas na sa yakap namin. Nakangiting iginaya naman ako nito sa aking upuan na nasa kaliwang bahagi lamang ng aking ama. "Mabuti naman at bumangon ka na,"saad ni mommy at uminom ng kaniyang tsaa. Ang ganda yata ni Mommy ngayon ah? Pinaghandaan talaga nito ang pagdating ni Daddy, ano? "Ayaw ko po mamatay ng maaga eh,"paliwanag ko at tumawa ng mahina. Napatingin naman ang aking ina habang nakataas ang kaniyang isang kilay na naging dahilan ng aking pagtawa. "What are you trying to say?" Tanong nito. "Ang lamig po ng silid ko. Hindi ko alam kung ano na naman ang ginawa ni Daddy,"saad ko rito at tinignan si Daddy na nakangiti lamang sa akin. "Nang bisitahin kita sa iyong silid ay nakapatay ang aircon mo. Baka kamo mainitan ka kaya  nilamigan ko ang buong silid mo,"paliwanag ni Daddy. Kaya pala. Hindi ko man lang na pansin na pumasok si Daddy sa silid ko. Ano kaya ginagawa niya roon? Baka tinignan niya iyong mga libro na ibinigay niya sa akin kung na buklat ko na ba o na basa. Baka pagalitan pa ako nito ngayong araw dahil hindi ko pa rin tapos ang dalawang libro. "Bakit po, Daddy?" Tanong ko sa kaniya. "What do you mean?" Tanong nito. "Ano po ginagawa niyo sa silid ko?" Tanong ko. "Alam mo naman ang daddy mo. Sa oras na umuuwi 'yan dito ay ikaw ang unang pinupuntahan niyan. Ikaw ang laging miss niyan eh,"paliwanag ni Mommy. Natawa naman ako sa boses ni Mommy habang sinasabi niya iyon. Hindi ko alam kung nagpapaliwanag ba ito o nagseselos. Napalingon naman si Daddy sa kaniya sabay hawak sa kamay nito. "Mahal, huwag ka ng magselos sa anak mo,"ani nito, "Mahal ko kayong dalawa at miss ko kayong dalawa. Nais ko lang talaga muna makita ang anak natin, lagi naman kasi tayong nagtatawag samantalang si Attira ay hindi ko man lang nakakausap." Napalingon si Mommy kay daddy habang nakataas ang isang kilay nito. Alam kong bangayan na naman ito sa pagitan nilang dalawa. Lagi kasing inaasar ni Daddy si Mommy sa oras na masiyadong itinuon ni Daddy ang atensiyon niya sa akin. Hindi ko rin naman siya masisisi kasi alam ko naman kung gaano ka miss ni mommy si Daddy. Mahal na mahal kasi nila ang isa't-isa. Hindi ko nga inaasahan na possible pala ang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang demonyo. Ayon kasi sa mga mortal ay walang puso raw ang mga tulad ko. Hindi marunong magmahal o makunsensiya o kung ano-ano pa pero, hindi naman kasi nila kami kilala.  Lahat naman tao ay masama, iyon nga lang ay hindi natin alam kung saan o anong klase ang kasamaan nila. But I believe, lahat ng taong masama ay may rason kung bakit nangyari sa kanila iyon.  Hindi ko rin naman sinasabi na lahat na lang ng demonyo ay hindi masama. Alam kong karamihan din sa amin ay iyong mga tinutukoy na ng mga tao. "Ikaw talaga. Hindi mo na naman kailangan pa itago iyon sa akin mahal,"sabi ni Papa habang nakatingin sa aking ina na namumula na ang pisngi, "Kung miss na miss mo ako at gusto mong dagdagan si Attira ay pwede naman nating pag-usapan iyon." "Manahimik ka riyan Azazel,"inis na saad nito, "Kung gusto mong manatili rito sa lupa ng matagal, umayos ka." "Oo na!" Ani nito, "Oo nga pala, may dala akong pasalubong para sa inyong dalawa pero mamaya na iyon, kumain na muna tayo." Ngumiti lamang ako sa kaniya at ibinaling na ang aking atensiyon sa mga pagkain na nasa harapan ko. Napakarami talagang pagkain kapag nandito si Daddy. Daig pa iyong mga birthday party ng mga mortal dito. Tapos karamihan pa sa mga pagkain na nandito sa mesa ay iyong mga pagkain na hindi namin mahahanap dito sa mundo ng mga mortal.  Minsan ay hinahanap-hanap ko ang lasa ng mga ito pero iyon nga lang ay hindi ko ito basta-basta na lang natitikman. Kailangan ko pang hintayin na pumunta rito si Daddy sa bahay para lang makatikim ng ganitong klaseng pagkain. Ngayon na nandito na naman ang mga ito sa harapan ko ay susulutin ko talaga ang lahat. Una kong kinuha ang mga paborito kong pagkain. Kung nandito pa siguro ang mga kaibigan ko ay panigurado, mandidiri ang mga iyon. May ilang pagkain kasi rito na parang uod kung titignan pero ang totoo ay maihahalintulad ko ito sa pork dito sa mundo nila. May ilang pagkain din na parang gumagalaw pero ang totoo ay luto na ito. May mga sauce rin rito na parang dugo o kulay berde na sigurado ay pandidirian nila. Napapaisip pa nga lang ako na papakainin ko sila ng ganito. Natatawa na ako. Alam ko na kasi kung ano ang magiging reaksiyon ng mga iyon. Nagsimula na akong kumain habang nakikipagkwentuhan sa aking mga magulang. Tinatanong ako ni Daddy tungkol sa mga lessons ko sa mundo ng mga mortal, at ang sinabi ko lang ay talagang paulit-ulit lamang ang lahat. Sabi ko nga sa kanila ay kahit mahirap ang lessons namin, at least hindi siya paulit-ulit simula noong elementary hanggang ngayon. "Kamusta naman ang librong ibinigay ko sa iyo?" Tanong ni Papa habang hinihiwa ang kaniyang pagkain bago ito tinusok ng tinidor. "Ayos lang naman po. Iyon lang ay hindi ko pa po tapos basahin ang dalawa pa,"paliwanag ko sa kaniya, "Medyo nahihirapan po kasi ako sa huling librong binasa ko." "Anong libro ba iyon?" Sunod na tanong nito bago isinubo ang pagkain habang nakatingin sa akin. Hindi ko naman mapaliwanag ang mapalunok dahil sa mga tingin nito. Sabi ko na nga ba at tatanungin talaga ako nito patungkol mga libro na iniwan niya. Mabuti na lang at hinanda ko ang aking sarili bago ako bumaba. Hindi na ito bago sa akin, at na sanay na rin ako na lagi ako nitong pinapagalitan. "How to trap a demon in a transfiguration vessel puzzle,"tugon ko sabay lunok ng aking laway. Mabilis ko naman kinuha ang aking baso na may laman na orange juice at ininom ito. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatingin sa aking ina upang humingi sana ng tulong pero nakayuko lamang ito sa kaniyang pagkain. Akala ko ba ay hindi kami magle-lesson ni Daddy? Heto na naman itong si Mommy, nagsinungaling na naman sa akin. "Oh. No wonder,"saad nito, "Kahit ako ay nahirapan din sa librong iyan kaya ayos lang. Take your time but, anyway, hindi naman ito ang tamang oras para pagusapan natin ang tungkol sa lessons mo." Agad na lumaki ang aking mga mata dahil sa sinabi ni Daddy. Seryoso ba itong naririnig ko mula sa kaniyang bibig? Talagang hindi kami magle-lesson ngayon? So, totoo nga ang sinabi ni Mommy? "Talaga po?" Gulat na tanong ko pero ramdam ko sa aking mukha ang ngiting hindi ko maalis-alis. "Hindi pa ba sinabi ng iyong ina?" Tanong ni Daddy, "Kaya ako umuwi rito ay para makasama ko kayong dalawa. Huwag na muna natin isipin ang lessons mo. Matalino ka naman na bata at isa pa, madali ka lang din natututo kaya magpahinga ka na muna." Hindi ko na pigilan ang sarili ko na mapatayo at tumakbo papalapit kay daddy. Yinakap ko ito nang sobrang higpit. "Salamat po, Daddy!" Sigaw ko. Agad ko rin naramdaman ang yakap nito sabay haplos sa aking likod. "You have been such a good girl, ever since,"saad nito, "Kaya you deserve to take a rest. Okay?" "Yes po!" Sigaw ko. Kumalas na ako sa yakap namin dalawa at  bumalik na ako sa upuan. Nagpatuloy na kami sa pagkain lahat habang nagkwe-kwentuhan. Sabi ni Mommy ay magpapahinga raw muna si Daddy, pagkatapos ay mamayang tanghali, aalis na raw kami upang mag-bonding. Hindi ko nga alam kung saan kami papunta pero sa tingin ko ay magbe-beach kami. Matagal na kasi namin itong pinaplano pero kahit kailan ay hindi pa namin nagagawa dahil laging busy si Daddy. Lumipas ang ilang oras na pananatili sa hapagkainan ay na tapos na rin kaming tatlo. Na unang tumayo si Daddy at inilahad ang kamay sa harap ni Mommy. Nakangiting tinanggap naman ito ng aking ina. Kahit ilang beses ko ng nakikita ang ganitong sitwasyon ay hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha sa sweetness nilang dalawa. Gustong-gusto ko talaga ang pagiging malambing nila sa isa't-isa.  "Will you be fine?" Tanong ni Daddy nang tuluyan ng makatayo si Mommy sa akin. "Yes, Dad. Matutulog din po ako,"tugon ko sa kaniya, "Pero maya-maya na siguro. Manonood na muna ako ng movie." "Okay, then,"ani nito at lumapit sa akin. Muli nitong hinalikan ang aking noo at ngumiti, "Sleep well, My Little Princess. See you later." "See you later, Mom, Dad,"tugon ko at ngumiti sa kanila. Na una na akong umalis sa kusina at umakyat na patungo sa aking silid. Sa wakas ay nakahinga na rin ako ng maluwag dahil ayos lang kay Daddy na hindi ko pa tapos basahin ang mga librong ibinigay niya sa akin. Akala ko ay mapapagalitan na naman niya ako kapag nagkataon. Hindi ko inaasahan na pati pala ito ay nahirapan din sa librong iyon. Hindi naman kasi talaga siya madali eh. Sobrang daming dapat pag-aralan, especially ang pattern ng puzzle at enchantment nito. May mga bagay din na hindi ko naiintindihan kasi hindi ko napi-picture out kasi hindi ko pa ito nakikita. Sa tingin ko ay makikita lamang ang mga bagay na iyon sa underworld. Kailan pa kaya ako makakapunta roon? Gusto ko ng bisitahin at tignan ang kung anong klaseng mundo mayroon ang lugar na iyon. Kung anong pinagkaiba nito sa mundo namin dito sa ibabaw ng lupa. Nakangiting bumalik ko sa aking kwarto. Hindi na masiyadong malamig dito sa silid kaya binuksan ko na lang ang aking aircon at humiga na sa kama. Kakatapos ko lang kumain pero agad akong dumeritso rito sa kama. Kita mo nga naman ang katamaran at kababoyan ko. Ay. Bahala na nga. Basta ang importante ay masaya ako at busog na busog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD