“Ayon sa aking nakalap na impormasyon, nais raw nitong lumayo sa pakikipaghalubilo sa iba pang mga demonyo. Isa siya sa mga demonyo na talagang bihira mo lang nakaka-usap pero, nais nitong laging may babae sa kaniyang tabi,”paliwanag ng aking ama.
“May babae sa kaniyang tabi?” Nagtataka kong tanong dito, “Ano po ang ibig niyong sabihin doon?”
“Gaya ng sinabi ko. Ayaw niya sa mga lalaking demonyo, gusto lamang niya ng mga babae na pwede niyang makasama. May mga tauhan naman itong lalaki pero iyon nga ay mas pinili niyang makasama ang kaniyang mga babae sa iisang silid,”ani ni Ama, “Hindi ko talaga alam kung ano ang nasa isipan ng halimaw na iyon. Minsan ay gusto ko na lang siyang patayin.”
Umiiling na nakatingin lamang si Ama sa kaniyang harapan. Masiyado ng madilim sa lugar na ito. Kung wala pa siguro kaming spells na ginamit ay maaring hindi na namin nakikita ang dinadaanan namin. Kakaiba talaga ang kapangyarihan ni Ama. Isa siguro ito sa tinaguriang genius sa underworld.
“Kung ganoon nga po, hindi po ba masamang ideya na sinama niyo ako sa ganitong klaseng lugar?” Tanong ko rito, “I mean, nais niya po ang mga babaeng sirena. At babae po ako, baka bigla na lang po ako nitong hilahin at gawing mistress.”
Natahimik naman ang aking ama sa aking sinabi, ngunit, halos mapalayo ako rito nang maramdaman ko ang unti-unting pag-init ng paligid. Doon ko lang na pansin ang itim na bagay na pumapalibot sa kaniya na para bang sinasabi nitong galit na galit na siya.
“Ah, sabi ko nga po ay biro lamang iyong sinabi ko,”tugon ko, “Siyempre, hindi naman siguro mag-iisip ng ganoon ang halimaw na iyon.”
Hindi pa rin umimik ang aking ama at nanatiling mainit pa rin ang tubig na nakapaligid sa kaniya. Tumahimik na lang din ako at nagpatuloy sa paglangoy.
Hindi nagtagal ay unti-unti ko ng nasisilayan ang ilaw na nagmumula sa ibaba. Doon ko nakita ang isang sobrang laking palasyo na kung saan ay pinapalibutan ng maraming ilaw at ilang isda. Karamihan sa mga isda na nandito ay ngayon ko lang nakita at nakakapanibago.
“Anak,”tawag ng aking ama.
“Bakit po?” Tanong ko sa kaniya.
“Nais kong gamitin mo ang iyong kapangyarihan ngayon din,”ani nito.
“Ano po ang ibig niyong sabihin?”
“Naalala mo pa ang tinuro ko sa iyo kung paano iparamdam sa mga halimaw na nakapalibot sa iyo na mas makapangyarihan ka sa kanila?” Tanong nito.
“Inferior?”
“Yes, that one, I want you to use that one, now,”utos nito.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit kailangan ko gamitin ang kapangyarihan na iyon ngayon pero siguro naman ay may rason ang aking ama. Nagkibit-balikat na lamang ako at sinunod na lang ang kaniyang sinabi.
Ipinikit ko ang aking mga mata at tinawag ang spirit na gumagabay sa akin simula pa noong bata ako. Pagkatapos ay hinayaan kong ilibot nito ang kaniyang enerhiya sa aking katawan. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay ramdam na ramdam ko ang pagbabago ng kulay nito.
Ano kaya talaga ang dahilan ni Ama kung bakit sa lahat ng kapangyarihan na pwede kong gamitin ay talagang ito pa? Ganoon din naman ang ginawa ng aking ama. Ngunit, ang pinagkaiba nga lang ay mas makapangyarihan ang kaniya. Ramdam na ramdam ko ang pang-iipit ng kaniyang kapangyarihan sa akin pero, kahit ganoon ay parang ayaw naman magpatalo ng kapangyarihan ko sa kaniya. Nagpatuloy lamang kami sa paglangoy hanggang sa napapatingin na ang mga isda sa amin.
Agad itong umiiwas at lumalangoy palayo sa hindi malaman na dahilan. Habang lumalangoy kami ay siya naman ang pagtunog ng isang malakas na trumpeta mula sa loob ng palasyo. Doon lumabas ang ilang daang sirena at kasunod nito ang isang malaking halimaw na ngayon ko lang nakita. Sobrang pangit nito at kulubot pa ang mukha. May suot-suot itong korona at dala-dalang tungkot na parang tinidor.
“Sino iyan!” Malakas na sigaw ng halimaw.
“Well, well, well, nakalimutan mo na ba ako, Vulcan?” Tanong ng aking ama at tumigil sa paglangoy. Tumayo ito ng nakataas ang noo kaya ginaya ko rin siya.
Agad kong pinalitan ng walang ekspresyon ang aking mukha habang nakatingin sa mga ito.
Mas lalong lumangoy ng malapitan ang tinatawag na Vulcan ng aking ama at tinignan kami.
“Azazel?” Tanong nito.
“Akala ko ay nakalimutan mo na ako, mabuti naman at naalala mo pa ang iyong kaibigan,”sambit ng aking ama.
“Ikaw nga iyan!” Sigaw nito at lalangoy na sana papalapit sa aking ama ng makita ako.
Agad itong napatigil at napangisi ng sobrang lawak, “Hindi ko naman inaasahan na magdadala ka ng isang regalo at talagang alam na alam mo ang aking tipo,”ani nito.
Hindi ko na gustuhan ang kaniyang sinabi, kung kaya ay mas lalo ko pang nilakasan ang enerhiya na pumapalibot sa akin na naging dahilan ng pag-atras nito ng ilang metro.
“Ayusin mo ang iyong pananalita, Vulcan,”sambit ko, “Hindi ko nagustuhan ang iyong tono.”
Hindi ko alam kung saan galing ang sinabi kong iyon pero, sa tingin ko ay sobrang proud ako sa sarili ko. Ito iyong unang beses na kung saan ay nagawa kong maging confident sa aking pananalita at parang, mas mataas pa ako sa taong kaharap ko.
“S-sino ka?” Tanong nito.
“My,my, hindi ko ba napakilala sa iyo ang aking anak?” Tanong ng aking ama.
Gulat na napatingin si Vulcan sa akin at agad na yumuko, “Nagbunga ang ginawa niyo?” Gulat na tanong nito.
“Siguro ay halata naman, gayong nandito na ang aking anak sa iyong harapan,”paliwanag ng aking ama, “Ngunit, hindi bang masamang bungad itong ginagawa mo? Sa tingin ko kasi ay hindi ito ang magandang lugar para makipag-usap sa iyong mga bisita.”
Gulat na napatingin si Vulcan at agad na tumalikod.
“Ayusin niyo ang Hall, ngayon na!” Sigaw nito. Mabilis na kumilos ang mga utusan nito.
Unti-unti na naman kaming lumapit ng aking ama sa kaniya at sumabay sa pagpasok.
“Hali kayo, Azazel. Hayaan niyong ipaghanda ko kayo ng makakain. Pagpasensiyahan niyo na ang ginawa ko,”saad nito, “Nasaan nga pala ang iyong asawa? Bakit kayo lamang dalawa ng iyong anak ang nandito?”
“May pinagkakaabalahan ang aking asawa kung kaya ay hindi siya makakapunta,”tugon naman ng aking ama.
Naalala ko tuloy bigla ang ibig sabihin ng aking ama sa pinagkakaabalahan. Abala ito sa pag-eenjoy mag-sun bathing.