Attira: 27

1512 Words
Tumayo na ang aking ama mula sa pagkakahiga at tinignan ako. Pagkatapos ay ibinaling nito ang kaniyang paningin sa aking ina na kung saan ay abala sa pagsu-sun bathing. Ngayon ko lang nakita an ganitong side ni Mommy. Kung sabagay ay kailan pa ba namin na subukan ang gumala sa ganitong klaseng lugar? “Hindi ka ba talaga sasama?” Tanong nito, “Alam mo naman na ilang taon mo na itong hindi napupuntahan. I am sure, hindi niya ito magugustuhan.” Muling ibinaba ni Ina ang kaniyang shades at tinignan si Ama na may halong pagtataka. Pagkatapos ay agad nitong isinuot ulit at umayos ng pagkakahiga. “I don’t want to be a mistress,”ani nito, “Why? Gusto mo ba mawalan ng asawa, mahal ko?” Inis na ibinaling ng aking ama ang kaniyang paningin dito at, ilang sandali lang ay bigla na lang siyang nakapatong sa akin ina habang hawak-hawak ang leeg nito. Hindi ba at dapat hindi nila ginagawa ang bagay na iyan sa harapan ko? Iniwas ko na lamang ang aking paningin at itinuon ito sa pool. Kung ihahalintulad ko ito sa pool noon, mas masasabi ko pa na sobrang linis nito ngayon. Parang inaanayayahan ako nitong lumangoy na at eenjoy ang tubig pero, ayon nga kay ama. May bibisitahin kami sa ilalim ng dagat. Hindi ko nga lang alam kung sino. Isa pa, anong klaseng halimaw o demonyo o tao ang gustong manirahan sa ilalim ng dagat? Napaka-weird lang talaga ng kaniyang desisyon. Ayon din sa aking ina ay magiging asawa siya nito? Anong klaseng halimaw ba iyon. At bakit parang galit na galit din si Ama nang marinig ang tungkol sa bagay na iyon. Ang dami ko talagang hindi alam patungkol sa katauhan namin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko para maka-catch up sa mga bagay na wala akong alam. “Ayusin mo lang na hindi makukuha ng halimaw na iyon ang anak natin,”ani ni Mommy, “Kapag iyan ay nangyari, sabihin mo sa kaniya na sisiguraduhin kong walang maiiwan na kahit isang babae sa kaniyang palasyo. Sisirain ko talaga ang buong karagatan.” Medyo nakaramdam ako ng takot sa banta ng aking ina. Hindi ko alam kung bakit pero parang ramdam ko na kayang-kaya niyang gawing impossible ang bagay na iyon. Well, hindi naman iyon nakakagulat kung mangyayari nga naman pero, kahit kailan ay hindi ko pa nasaksihan ang paggamit niya ng kaniyang maximum power. “Kaya ba talaga niyang galawin ang anak ko?” Tanong nito, “Ako ang kasama ng anak natin. Kaya kung ako sa iyo ay huwag ka ng mag-alala. Kaya ko siyang protektahan laban sa halimaw na iyon. Kung kaya mong sirain ang buong palasyo nila, kaya ko siyang tanggalan ng kapangyarihan.” Agad na tumalikod ang aking at naglakad na patungo sa dagat. Ang aking ina naman ay agad na umirap at nagpatuloy na sa kaniyang ginagawa. Kinuha ng aking ama ang isa nitong espada na hindi ko alam kung paano niya tinago. Pagkatapos ay may binubulong ito, at ilang sandali pa ay bigla na lang siyang itim na tela. Ano kaya iyon? “Mag-iingat ka roon, anak,”ani ni Mommy, “Wala ako roon para protektahan ka. Kahit si Hill ay hindi pwede na sumama sa inyo roon.” “Bakit po, mommy?” Tanong ko. “Isang napakalaking maling desisyon ang sumama ang isang babae sa teritoryo ng halimaw na iyon. Kinikilala si Vulcan bilang isang halimaw na ginagawang mistress ang nalulunod na mga babae, ginagawa niya itong mga sirena,”paliwanag ni Mommy, “Hindi naman talaga ako dapat mag-alala sapagkat kasama mo naman ang iyong ama. Alam kong hindi ka nito papabayaan at kapag may mangyari man sa iyo, siguradong, hindi magugustuhan ng mga demonyo ang gagawin niya.” Tumango na lamang ako at ngumiti sa kaniya. “Oh siya, sumunod ka na sa iyong ama. Baka magalit pa iyon,”ani nito. Tumalikod na ako at lumapit sa aking Ama. Mabilis naman itong napalingon sa akin at agad na ngumiti, pagkatapos ay agad itong bumulong ng mga salitang sa tingin ko ay spell para makahinga kami sa ilalim ng karagatan. Ayon pala iyong nangyari sa kaniya kanina. Hindi nagtagal ay may pumalibot sa aking katawan na itim na tela. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong nawala. Wala naman akong naramdaman na pagbabago sa aking katawan pero ewan ko lang kapag pumunta na kami sa karagatan. “Handa ka na ba?” Tanong nito sa akin. Tumango lamang ako at ngumiti sa kaniya. Na una nang naglakad ang aking ama at agad akong sumunod sa kaniya. Habang papalapit kami sa dagat ay ibinaling ko ang aking paningin sa dalampasigan an kung saan nakita ko ang mga mangingisda kaninang umaga. Walang katao-tao roon, at wala rin akong nakitang mga bangka. Siguro ay hindi pa dumating ang mga mangingisda. Anong oras kaya sila kadalasan bumabalik? Hindi ko rin kasi alam eh. Patuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa naapakan ko na ang malamig na tubig. Dapit tanghali na kaya sobrang sakit na sa balat ang init. Kahit ganoon ay hindi pa rin naman nagbabago ang kulay nito. “Sumunod ka na lang sa akin, anak,”ani ni Ama. “Opo,”tugon ko. Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa hindi ko na maabot ang sahig. Na unang nag-dive ang aking ama sa ilalim at agad ko itong sinundan. Labis naman ang aking pagkagulat nang habang lumangoy kami patungo sa ilalim ay unting-unti na nagbago ang paa ni Ama. Naging isang buntot ito ng sirena. Hindi ko rin na pigilan ang mapalingon sa aking paa nang maradaman ang init na nagmumula rito. Doon ko lang din na pansin ang isang napakagandang buntot. Kung may buntot ako, nakakahinga ba ako rito? Tumigil muna ako sa paglangoy at nagda-dalawang isip na bitiwan ang aking hininga. Malapit na kasi akong mawalan ng hangin at baka ikamatay ko pa ito. “Anak,”biglang tawag ng aking ama. Ibinaling ko ang aking paningin sa kaniya at labis na nagtataka nang makita itong parang wala lang nangyari. Iyong tipong nasa ibabaw lamang kami ng lupa. “Iniisip mo ba na hindi ka nakakahinga rito?” Tanong nito, “Ang spell na ibinigay ko kanina, naalala mo pa ba?” Oo nga pala! Bakit ko ba iyon nakalimutan? Agad akong bumuga ng hangin at sabay kamot ng aking ulo. “Nakalimutan ko po, ama,”tugon ko. Ngumiti lamang ito at hinaplos ang aking buhok, “Ayos lang iyon. Hali ka na. Sundan mo lang ako,”ani nito. Sumunod na lamang ako sa kaniya at nagpatuloy na kami sa paglangoy. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha sa sobrang ganda ng ilalim ng karagatan. Ang magagandang corals na hindi ko inaasahan ang sobrang laki. Ang mga isda na mapayapang lumalangoy dito, ang ilang malalaking pating na para bang takot na makita kami at iba pa. Parang gusto ko na lang tuloy dito manirahan at huwag ng umuwi pa. Ang ganda siguro maging isang sirena. Patuloy lamang kami sa paglangoy hanggang sa may ilang dolphins na tumabi sa akin. Pinilit nito na ilagay ang aking kamay sa kaniyang ulo kaya agad ko itong ginawa. Hinahaplos ko lamang ang kaniyang noo habang lumalangoy kami. “Are you having fun?” Tanong ni Daddy at sumabay sa akin. “Yes po,”tugon ko, “Hindi ko inaasahan na sobrang nakaka-aliw pala rito sa ilalim ng karagatan.” “Yeah,”ani nito, “Pero, this nothing compares to the ocean before. Sobrang ganda at sobrang malayo sa polusyon.” “Ano po ang ibig niyong sabihin?” Tanong ko. “Kita mo ba iyang mga corals na iyan? Karamihan sa kanila ay malapit ng namamatay. Ang mga corals at ilang mga lamang dagat na malapit lamang sa dalampasigan ng tao ay malapit ng mamatay,”ani nito, “Ipapakita ko sa iyo ang kaibahan ng sitwasyon dito sa lugar na pupuntahan natin. Panigurado ay magugustuha mo iyon.” Ngumiti lamang ako sa aking ama. Ilang balita na rin ang narinig ko tungkol sa sitwasyon ng karagatan. Hindi na naman ako magugulat dahil talagang unti-unti ng namamatay ang mga corals sa dagat. Ilang mga isda at naninirahan dito ay nagsu-suffer dahil sa kagagawan ng mga tao. Nakakaawa nga tignan ang mga ito. Huminga ako ng malalim at mas lalong binilisan ang paglangoy. Lumipas ang ilang oras na paglangoy ay nakarating na rin kami sa isang parang trench. Ayon sa aking ama ay kailangan daw namin lumangoy patungo sa ilalim pa bago makita ang kaharian ng demonyong bibisitahin namin. "Ama,"tawag ko sa kaniya, "Bakit po pala kailangan niyo bisitahin ang nilalang na iyon?" "May kailangan kasi akong sabihin sa kaniya,"tugon nito, "May isang malaking pagpupulong ang magaganap sa kaharian kung kaya ay nais kong sabihan ang isang iyon. Isa siya sa mga espesyal na demonyo sa underworld, iyon nga lang ay nakatira na siya ngayon dito sa ilalim ng karagatan." "May rason po ba siya kung bakit dito niya na isipan?" Tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD