Nang matapos na akong magbihis ay tinignan ko muna ang aking kasuotan bago tinawag si Hill.
“Bakit, Mahal na Prinsesa?” Tanong nito.
“Ayos na ba itong kasuotan ko?” Tanong ko sa kaniya habang hinahaplos ang suot kong short at makapal na damit na mas mahaba pa sa aking shorts.
Hindi ako sanay na masiyadong expose ang aking katawan sa mga mata ng ibang tao. Sinanay ako ng aking ina na kahit kailan ay hinding-hindi magpapakita ng kahit kaunting balat na maaring dahilan na masilipan ako. Habang tinitignan ko ang aking reflection ay hindi ko maiwasan na hilahin ang shorts pababa.
“Opo, Mahal na prinsesa. Hindi po ito masiyadong masikip sa inyo, hindi masiyadong kita ang inyong balat, at lalong-lalo na ay sakto lamang siya sa paningin ng iba,”tugon ni Hill.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa kaniyang sinabi. Mas mabuti na iyong ganoon, kaysa naman na magmukha akong tanga at p****k. Hindi talaga ako mahilig sa shorts pero, beach ‘to eh. Wala akong magagawa, hindi naman maari na makita nila akong nagswi-swimming sa pool na naka-jogging pants. Baka sabihan pa nila akong baliw, lalong-lalo na sa mga nagta-trabaho rito.
Inayos ko na aking damit at bumuntong hininga bago tumalikod at naglakad papalapit sa may pintoan. Nakasunod lamang sa akin si Hill habang naglalakad ako pababa. Hindi ako sigurado kung saan naghihintay ang aking ina at ama pero mas mainam na sigurong dumeritso na lang ako sa pool area. Baka pagdating ko sa sala ay wala ang mga iyon doon.
Tahimik lamang akong naglalakad patungo sa pool nang mapansin ko ang ilang trabahante rito na nag-uusap sa gilid habang nakatingin sa akin. Hindi ko masiyadong marinig kung tungkol saan ito pero, dahil nga sa pinanganak akong may kapangyarihan, pilit kong pinakinggan ang kanilang pag-uusap.
“Hindi ko alam kung anong klaseng pamilya itong mga nandito sa resort ngayon pero, sobrang yaman siguro nila, ano?” Tanong ng isang babae.
“Sinabi mo pa. Biruin mo, ang isa sa pinakamahal na resort sa buong rehiyon natin ay binayaran para sila lamang gumamit sa loob ng ilang araw na ba. Hindi na ako magugulat kung bilyones na ang pera nila sa banko,”tugon naman ng isa pa.
“Ang swerte ng kanilang anak. Sa pagkakaalam ko ay nag-iisa lamang daw iyon at sobrang mahal na mahal nila ang batang iyon,”saad naman ng babaeng pinupunasan ang vase.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad na para bang hindi ko naririnig ang kanilang pinag-uusapan. Bahala sila riyan.
“Oo, alam ko iyon. Ikaw ba naman na halos oras-oras na lang kung tignan nila ito. Narinig niyo ba iyong aksidente?”
“Anong aksidente?”
“Ilang araw raw na nawalan ng malay ang anak nila at, kung nakita niyo lang kung gaano magalit ang kaniyang mga magulang. Talagang magsisitaasan ang balahibo sa iyong buong katawan,”ani ng babae habang nakayakap sa kaniyang sarili.
Well, ano pa ba ang aasahan ko sa aking mga magulang? Natural na ganiyan talaga ang mararamdaman niyo kapag nagalit sila. Hindi lamang sila isang simpleng mga nilalang.
“Noong araw na nahimatay ang babae, halos walang tao sa resort na ito ang nakatulog. Ang kaniyang ina ay halos sirain ang lahat ng mga kagamitan sa kanilang silid. At alam niyo kung ano ang pinaka-weird na nangyari? Kahit ni isang bagay ay walang na sira. Sobran linis pa nga nito eh, kaya labis talaga ang pagtataka namin kung saan galing ang mga tunog na iyon.”
Napahilamos ako sa mukha dahil sa aking narinig. Hindi ba na isip ng aking ina ang pwedeng mangyari sa ginagawa niya? Minsan talaga ay gusto ko na lamang siyang kurutin sa singit eh. Makausap nga ito mamaya.
Alam ko naman na nagawa lamang niya iyon dahil sa galit. Alam ko rin na kagaya ni Hill ay sinsisi niya ang kaniyang sarili dahil hindi niya ako na protektahan. Ngunit, hindi naman kasi ibig sabihin noon ay kailangan niya ng sirain ang mga kagamitan sa resort na ito.
“Mahal na Prinsesa,”tawag ni Hill.
Agad kong ibinaling ang aking paningin sa kaniya at nakitang nasa harap na pala kami ng malaking pinto. Nakabukas na ito at kitang-kita ko na mula sa aking kinanatayuan ang kagandahan ng pool. Hindi ko pa nakikita sina ina kung kaya ay tuluyan na akong naglakad papalabas.
Sinalubong ako ng sobrang lamig na hangin na naging dahilan ng paglipad ng aking buhok. Napapikit ako at ninanamnam ang masarap na pakiramdam.
“Anak!”
Agad kong iminulat ang aking mga mata at nakita sina Ina at Ama na naka-higa sa sun lounger. Unti-unti kong itinaas ang aking kamay at kumaway sa kanila. Nag-respond naman ang aking ina at ama kung kaya ay maingat na naglakad na ako papalapit sa kanila.
Tahimik na naglalakad lamang ako papalapit sa mga ito habang nakasunod si Hill na ngayon ay may dala-dala ng mga gamit. Hindi ko na pansin ang mga bagay na iyon kanina. Ang bilis talaga kumilos ng babaeng ito. Kaya siguro siya ang ginawang personal yaya ko dahil alam nila Mommy at Daddy na napakabagal ko kumilos minsan.
“Handa ka na ba mag-swimming?” Tanong ni Mommy.
Halos malaglag ang aking panga sa sahig ng makita itong nakasuot ng two-piece na swimsuit. Samantalang si Daddy naman ay naka-topless lang at swimming shorts.
“What are you wearing?” Tanong ko.
Ibinaling ni Mommy ang tingin niya sa akin at tinanggal ang suot-suot niyang shades. Pagkatapos ay tinignan ako nito mula ulo hanggang paa, “Hindi ba at ako dapat ang magtatanong sa iyo niyan?” Tanong ni Momy, “What are you wearing?”
“Uh, clothes?” Tugon ko, “Why are wearing some clothes na sobrang expose na po ang katawan niyo? Didn’t you tell me not to wear that kind of piece of junks?”
“Love, this is a beach. We need to blend in. Isa pa, tayo lang naman ang tao rito at wala ng iba. Go on, change your clothes,”utos nito.
Napa-irap na lamang ako at umupo sa tabi nito.
No way! I am not going to change my clothes to that kind of I don’t know what. Halos kitang-kita na nga kaluluwa ko sa ganiyan.
“No way,”tugon ko, “I am wearing these proper clothes. Wala naman sigurong dress code, hindi ba mommy?”
Ibinaling ni Mommy ang tingin niya sa akin ang bumuntong hinga, “Wala naman but at least, you are wearing proper clothes,”saad nito.
“These are proper clothes,”may diin kong tugon.
“Huwag na kayong mag-away. That is fine, Attira. Actually, mas mainam nga ayan ang sinuot mo. We are going to dive later,”sabi ni Ama at tumingin sa akin.
Kung wala siguro ako sa tabi ng mga ito. Parang mag-boyfriend at girlfriend lamang sila na nagbabakasyon. Sobrang sexy at bata ba naman nilang tignan.
“Dive?” Tanong ko.
“Yeah, we are going to visit someone,”ani nito at kumindat.
And who could that be...