“Good Morning, My love!” Sigaw ng aking ama nang tuluyan na nitong buksan ang pintuan ng aking silid. Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa pag-inom ng aking tsaa.
“You don’t need to shout!” Sigaw ni Mommy, “Umagang-umaga ay kay ingay mong lalaki ka. Ayusin mo nga iyang sarili mo.”
Tinignan naman ito ng masama ni Ama bago ito naglakad papalapit sa akin. Hindi ko na lamang sila pinansin at hinayaan na lamang sila sa kanilang gustong gawin. Ano pa ba ang dapat kong maging reaksiyon? Minsan ay napakaseryoso ng dalawang iyan, at minsan naman ay napaka-sungit. Hindi na ako magugulat kung pagdating ng panahon, kapag bibigyan na naman sila ng panibagong anak ay magmamana sa dalawang ‘to.
“Masaya ako na nakita ko na naman muli ang aking anak, masama ba iyon, mahal ko?” Tanong nito.
“Masama siya kung sobrang ingay mo naman. Pwede mo siyang batiin ng mahina,”ani ni Mommy.
“Ganito ba?” Tanong ni Ama at bumulong. Hindi ko ito masiyadong marinig dahil sobrang hina niya talaga. Kahit iyong seventh sense ko ay hindi ko magamit sa sobrang hina. Parang wala ngang boses iyong sinabi ni Daddy eh. Bumuntong hininga na lamang ako at tumayo na. Pagkatapos ay humarap sa kanila at ngumiti.
“Magandang umaga, Mom, Dad,”bati ko rito, “Huwag na po kayong mag-away. Sobrang aga pa po para diyan.”
Nagpalitan ng masasamang tingin ang dalawa bago inirapan ang isa’t-isa. Seryoso ba talaga sila na isa kaming kampon ng demonyo? Parang ang layo kasi talaga ng katangian namin sa mga katangian na nakasulat sa mga libro.
“Alam niyo naman po na hindi nakakabuti sa isang relasyon ang mag-away. Bakit kailangan niyo po sabihin ipakita sa akin na galit kayo sa isa’t-isa? May nangyari ba kagabi?” Tanong ko sa mga ito habang naglalakad papalapit sa kanila. Sabay na nag-iwas naman ng tingin ang mga ito, habang si Ina naman ay namumulang tumalikod sa akin.
Mukhang may nangyari nga kagabi na hindi ko alam kung ano. Well, hindi naman ibig sabihin no’n ay may karapatan akong malaman kung ano iyon. Hayaan ko na nga lang.
Patuloy lamang ako sa paglalakad papalapit sa kanila hanggang sa makarating ako sa kanilang harapan. Yinakap ko ang aking ama at hinalikan naman ako nito sa aking noo. Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi ng maramdaman ko ang pagdampi ng mainit nitong labi sa aking balat.
“Huwag mo na masiyadong isipin iyon, anak. Wala namang masamang nangyari sa amin ng iyong ina, may pinag-usapan lang kami kagabi,”paliwanag ng aking ama.
Nagtatakang kumalas naman ako nito sa aming yakap at tinignan siya habang nakataas ang aking isang kilay, “Maari ko po bang malaman kung ano iyon?” Tanong ko rito, “Alam ko po na wala pa ako sa tamang edad para malaman ang mga bagay na kung ano man na tinatago ninyo, pero, maari ko bang malaman kung ano ang pinag-usapan niyo?”
Ibinaling ng aking ama ang tingin niya kay Mommy at ngumiti. Nanatiling nakatalikod pa rin si Mommy, parang ayaw niya talagang makita namin ni Daddy ang namumula nitong pisngi. May bago pa ba? Kapag si Daddy na naman talaga ang pinag-uusapan ay lagi ganiyan si mommy.
“Tungkol lamang iyon sa nalalapit na araw na paglipat natin sa ating bagong tahanan. Nag-usap kasi kami ni Mommy mo ng kung saang lugar tayo magre-renta ng bagong bahay,”paliwanag nito.
“Bakit po?” Tanong ko, “Nasaan po ba ang dati nating bahay? Bakit hindi po tayo roon titira?”
Hindi ko kasi talaga maintindihan. Sabi kasi nila ay may bahay na kami sa mundong iyon. Bakit ngayon ay bigla na lang nilang na isipan na lumipat sa ibang matitirhan? May nangyari kaya sa uderworld habang wala kami?
“Sa katunayan niyan ay binenta ng iyong ama ang bahay na iyon,”paliwanag ni Ina at humarap na sa amin.
Hindi na pumupula ang mga pisngi nito at bumalik na rin ito sa pagiging confident. Unti-unti itong lumapit sa amin at yinakap ako, “Huwag kang mag-alala, may na hanap na rin naman kaming bagong bahay,”dugtong nito.
“Bakit po pala binenta ni Ama ang bahay?” Tanong ko.
Nagkatinginan naman silang dalawa at napa-iling, “Sabi ko naman sa iyo na napakarami ng tanong ng anak mo kapag nalaman niya ang tungkol sa bagay na iyon,”ani ni Ina.
“Hindi ko inaasahan na totoo pala talaga ang pagiging matanong niya,”tugon naman ni Ama.
“Manang-mana sa iyo,”sabi ni Ina.
Nanatili lamang akong tahimik habang nakatingin sa kanilang dalawa. Tamang palitan lamang ng usapan na para bang wala ako sa kanilang harapan.
“Hello?” Tawag pansin ko sa mga ito.
Napatingin naman silang dalawa sa akin at agad na ngumiti, “Huwag kang mag-alala, sasabihin naman namin sa iyo ang rason,”ani ni Ama, “Alam mo naman na sobrang mahal ng mga bahay rito sa ibabaw, hindi ba? Kung kaya ay kinailangan ko ibenta ang mga ari-arian natin sa underworld para mabigyan kayo ng magandang tahanan.”
What?
Ngunit, iba ang pera ng underworld sa pera ng mortal world. Paano nangyari na magagamit niya ang mga perang iyon para bumili ng bahay dito? Ang alam ko lang ay talagang kakaiba ang pera nila, sigurado ako sa bagay na iyon.
“Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip mo, pero yes, iba ang pera sa mundong ito at sa underworld. Sobrang magkaiba, at dahil nga sa ilang taon na rin na nakikisalamuha ang mga tao at demonyo ng patago. May mga lugar din sa lugar na ito na kung saan pwedeng-pwede mo i-convert ang pera mo sa pera ng mga tao,”paliwanag ni Ama, “Hindi ko lang sigurado kung ang lugar na kung saan ako huling nagpa-convert ng pera ay nandoon pa rin.”
Kaya pala. Akala ko ay ginagamit niya pa rin ito sa pagbili ng lupa. Sobrang weird siguro ng tingin ng mga taga-rito kay Ama kapag ginamit niya ang currency ng Underworld.
“But, anyway, too much na ‘yong information. Mag-enjoy na muna tayo dahil ito na iyong huling beses na makakapag-enjoy tayo sa mundo ng mga mortal,”ani ni Mommy, “Magbihis ka na anak. Tapos na kami ng Daddy mo. Hihintayin ka na lang namin sa baba, Okay?”
Hinalikan ako nito sa pisngi bago tuluyang nagpaalam at lumabas na sa aking silid.