Attira: 24

1009 Words
"Is it a good idea na sabihan sina Laurice na aalis ako?" Tanong ko rito, "It is not like I am planning not to tell them, but alam mo iyong feeling na kailangan ko itago sa kanila ang mga bagay na tungkol sa pamilya ko?" Hindi ko na kasi talaga alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang totoo. Na kung saan ay aalis talaga ako, hindi lamang patungo sa isang bansa, kung hindi ay talagang sa isang mundo na kahit kailan ay hindi na nila maaring puntahan. Alam kong naging malapit na sa akin ang dalawa. Kaya nga gusto ko maging open at honest sa kanila, kaso, hindi rin ako sigurado kung matatanggap nila ang pagkatao ko. Kung makakaya ba nilang tanggapin kung sino talaga ako at kung ano talaga ako. Habang iniisip ko pa nga ang magiging reaksiyon nila ay hindi ko na alam anong isasagot ko. Alam kong magagalit sila, sa ilang taon na namin na nagsama. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong plano na sabihin sa kanila ang totoo kong katauhan. Masiyado itong masakit sa ulo. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kaya gusto ko sana mapakinggan ang opinion ni Hill. Alam ko kasi na maasahan ko ito pagdating sa mga ganitong klaseng sitwasyon. Sa aming dalawa ay siya lamang ang may maraming alam pagdating dito. Hindi na rin ako magugulat kung mas pipiliin niyang itago ko ang tungkol sa bagay na ito. “Sa katunayan niyan mahal na prinsesa ay hindi rin po ako sigurado,”saad nito sabay yuko, “Ngunit, para sa akin ay mas mainam na sabihin niyo sa kanila na aalis kayo at malabong makakabalik pa. Alam ko at saksi ako kung gaano kalapit ang iyong mga kaibigan sa iyo kaya mas mainam na makapag-paalam kayo. Hindi naman kailangan na sabihin niyo sa kanila ang tungkol sa pagbalik natin sa underworld, ang kailangan niyo lang po sabihin ay aalis at pupunta sa isang bansa na wala kang alam kung saan.” Huminga ako ng malalim at naglakad na patungo sa mesa na nasa gilid ng silid. Agad akong umupo roon at bumuntong hininga, “Ibig mo bang sabihin ay sabihin ko sa kanila ang katotohanan? Except sa fact na aalis tayo patungo sa mundo natin?” Tanong ko. “Opo,”tugon nito, “Alam kong hindi ito magiging madali para sa mga kaibigan ninyo pero, alam ko rin na maiintindihan nila na may rason ang inyong pamilya kung bakit bigla na lang kayong aalis.” Natahimik naman ako dahil sa sinabi ni Hill. Sa katunayan niyan ay tama nga naman siya. Hindi mapipigilan ng dalawang iyon ang pag-alis namin sa mundong ito ngunit, bilang isang kaibigan, alam kong maiintindihan nila ito lalong-lalo na kapag ipapaliwanag ko ang lahat ng tama. Kinuha ko na lamang ang kutsara at tinidor at nagsimula nang kumain. “Base po sa aking narinig sa inyong pag-uusap, naiintindihan na naman po ni Miss Laurice ang tungkol sa bagay na iyon. Kaya panigurado ay hihilingin lamang nila sa iyo na sumama sa kanilang gala sa huling beses,”dugtong nito. Tama nga naman si Hill. Nabanggit nga naman ni Laurice ang tungkol sa bagay na iyon. Siguro ay nakikita na nito na aalis na talaga kami ng tuluyan. “Salamat, Hill,”saad ko. Ngumiti lamang si Hill bago tumango, pagkatapos ay naglakad ito sa isang tabi at iniwan akong kumakain mag-isa sa maliit na mesa na ito. Medyo gabi pa sa labas, kung kaya ay wala pa akong masiyadong nakikitang liwanag. Ngunit, habang abala ako sa pagkain, may narinig akong sigawan mula sa kalayuan. Agad akong napatayo at tinignan ang katulong na kasama ko rito sa loob ng aking silid. “Ano iyon?” Tanong ko sa kaniya. Agad akong tumayo at maglalakad na sana patungo sa pinto nang pigilan ako ni Hill, “Ako na po ang titingin, Mahal na Prinsesa. Sisiguraduhin ko munang ligtas para sa inyo ang lumabas sa silid na ito,”seryosong sambit nito. Tumango na lamang ako at bumalik sa pagkaka-upo. Alam kong iniisip lamang niya ang aking kapakanan, lalong-lalo na na may nangyari na sa akin. Ayon sa aking narinig ay labis daw ang pagsisisi ni Hill dahil wala siya sa aking tabi sa mga oras na iyon. Hindi naman niya kasalanan pero, ayaw kong maisip niya ang ganoong bagay. Kung kaya ay hahayaan ko na lang ito sa kung ano man ang gusto niyang gawin. Tahimik lamang akong naghihintay sa pagbabalik nito. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng mahinang paglapag sa terrace at nakita si Hill na kakarating lamang. Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya. "Kamusta?" Tanong ko. Yumuko muna ito bago sumagot. Ang kaninang nakalabas nitong pakpak ay bigla na lang nawala. Ibinalik din nito ang suot-suot niyang apron at iba pa. "Base po sa aking nakita, ang mga mangigisda sa na pinuntahan niyo noong mga dumaang araw ay gising na. Abala ang mga ito sa paghahanda para pumalaot ang kumuha ng kanilang ibebenta,"paliwanag nito, "Wala po kayong ikabahala, mahal na prinsesa. Nilibot ko na rin ang buong resort at wala naman akong nakitang kakaiba." Tumango lamang ako at ngumiti sa kaniya,. "Salamat, Hill,"tugon ko at tumalikod na. "Walang anuman po iyon, Mahal na Prinsesa,"ani nito. Hindi na lamang ako umimik at hinayaan siya sa kaniyang gusto. Tahimik na kinakain ko lang ang hinanda nitong pagkain habang nakamasid sa malayo. Lumipas ang ilang sandali ay unti-unti ng sumibol ang araw. Isang ngiti ang muling gumuhit sa aking labi habang nakatingin sa malayo. Isang napakagandang lugar. "Ihahanda ko na po ang inyong damit sa pagligo,"paalam nito. Tumango lamang ako at hinayaan siyang manghalungkat sa aking walk in closet. Ninanamnam ko lamang ang kagandahan ng karagatan ng unti-unti kong marinig ang mahihinang yapak na nagmula sa labas ng aking pinto. Kung hindi ako nagkakamali, sigurado akong ang mga magulang ko ito. Ngunit, bakit kailangan pa nilang pilitin na itago ang kanilang presensiya? Hindi ba nila alam ang koneksyon naming tatlo sa isa't-isa? Napailing na lamang ako at hinaayan ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD