Nagbibihis na ako ngayon upang makakaalis na kami ni Hill papunta sa dalampasigan. Ayon sa kaniya ay kailangan ko raw magsuot ng damit na sigurado akong komportable ako, kung hindi ay maaring ito ang magiging dahilan kung bakit kailangan pa na ganito. Nakahanda na sa aking higaan ang mga damit na aking susuotin. Habang nakatingin ako rito ay hindi ako sigurado kung susuotin ko ba ang damit na ito o hindi. Hindi naman masiyadong maikli ang short pero hindi ako komportable sa ganitong klaseng susuotin. Huminga ako ng malalim at kinuha na lang ito, pagkatapos ay naglakad na ako patungo sa banyo at nagsimula na hubarin ang kasuotan ko.
Hindi nagtagal ay na tapos na rin ako. Lumabas na ako sa banyo at nakita si Hill na nakatayo sa harap ng aking higaan. Nang marinig nito ang pagbukas ng pinto ay agad itong napalingon sa akin sabay yuko.
"Handa na po ba kayo?" Tanong nito. Hindi ako umimik at naglakad patungo sa harap ng salamin. Tinignan ko ang aking kabuuan at halos mapangiwi sa shorts na suot ko.
Sa tingin ko ay three to four inches above the knee ito pero sobrang baba pa rin para sa akin. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan dahil wala naman akong choice. Humarap ako kay Hill atsaka tumango.
"Handa na pero,"saad ko at lumapit sa kaniya, "Kailangan ba talaga na itong kasuotan na ito ang susuotin ko. Huwag mo sanang mamasamain pero hindi kasi ako komportable sa ganitong klaseng kasuotan. Alam mo naman si ina, ayaw niyang may nakakakita ng hita ko."
"Sakatunayan niyan ay ang mahal na reyna po ang pumili ng kasuotan na iyan. Dinala ko lang po ito rito dahil ayon po ang utos niya,"sabi ni Hill.
What?
Si mommy? Si mommy na over conservative pagdating sa mga kasuotan ay ang nagpili ng damit na ito? Anong nangyayari? Sigurado ba talaga si Hill na si Mommy iyon? Hindi ako sigurado kung maniniwala ako pero kung talagang si Mommy nga ang may gawa nito, wala na akong magagagawa. Kailangan kong sundin ang gusto niya. Kailangan kong sundin ang gusto nito na ito ang susuotin ko.
Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago naglakad sa may kabinet at kinuha ang aking sumbrero. Agad ko itong sinuot at na una nang naglakad patungo sa may pinto. Sa isang iglap ay bigla na lang sumulpot si Hill sa harapan ko at binuksan ito. Hinayaan ko na lamang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Malapit na ako sa may hagdan nang bigla akong napatigil at umikot.
Tanging si Hill lamang ang aking nakikita na nakasunod sa akin at wala ng iba. Nakahinga ako ng maluwag dahil dito. Akala ko ay kailangan ko pang makipag-away kay Mommy at Daddy ulit dahil may mga nakasunod na naman sa amin. Nangako na sila na si Hill na ang bahala sa akin tapos hindi nila tutuparin. Talagang magtatampo ako sa kanila ng sobra, masiyadong agaw pansin ang mga ganoong klaseng sitwasyon.
"May problema po ba, Mahal na Prinsesa?" Tanong ni Hill. Ibinaling ko sa kaniya ang aking paningin at agad na umiling.
"Wala naman, may tinitignan lamang ako,"tugon ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Hindi na umimik si Hill kaya hinayaan ko na lang. Nagpatuloy na kami hanggang sa tuluyan na akong makababa. Walang katao-tao rito kaya labis ko itong ipinagtataka. Inilibot ko ang aking paningin at talagang walang katao-tao sa buong lugar.
"Nasaan sila ina at ama?" Tanong ko rito.
"Maaring nasa silid po sila at nagpapahinga, Mahal na Prinsesa,"sabi ni Hill.
"Ganoon ba?" Saad ko.
"Opo, sabi rin po nila ay huwag daw po tayo masiyadong magpapatanghali sapagkat may sasabihin sila sa inyo na importante,"sambit nito.
Tanging tango lamang ang ginawa kong tugon rito.
Ano na naman kaya iyong sasabihin nila mommy at daddy? Huwag nilang sabihin na may panibagong misyon na naman si Daddy at kailangan na niyang umalis ng maaga? Akala ko pa naman ay magtatagal siya sa mundo na ito nang matagal. Ngunit, kung sabagay ay trabaho niya nama ito. Hindi ko naman siya mapipigilan. Gustuhin ko rin naman ay ayaw kong maging dahilan kung bakit mapapagalitan si Daddy ng kaniyang amo. Hindi ako selfish.
Sa wakas ay nakarating na rin kami sa labasan. Halos malula ako sa laki ng pinto na nasa harapan ko. Sobrang ganda pa nga nito dahil gawa siya sa glass na may kakaibang disenyo. Hindi ko alam kung bakit pero manghang-mangha ako sa pag-ukit nito.
Unti-unti itong bumukas na labis kong ikinagulat. May mahika ba itong pinto nila? Tinignan ko ang bawat gilid ng pinto at nakita ang ilang sensor. Kaya naman pala kusang bumukas itong pinto, akala ko pa naman ay gumamit sila ng mahika.
Si Bradeth pa? Kakaibang may-ari, hindi man lang natatakot na makita siya ng kaniyang mga customer na bigla-bigla na lang sumusulpot sa kung saan.
"Hill,"tawag ko rito.
Lumapit naman ito sa akin ngunit pinapanatili pa rin nito ang distansiya na pagitan sa amin, "Bakit po, Mahal na Prinsesa?" Tanong nito.
"Kahapon ko pa napapansin na walang katao-tao rito bukod sa atin at sa mga empleyado rito. Alam mo ba kung bakit?" Tanong ko at tuluyan ng lumabas.
Bumungad sa akin ang sobrang preskong hangin. Hinaplos nito ang mukha ko na nagbibigay kalma sa pagod na pagod kong katawan. Nilipad din ng hangin ang aking mahaba at itim na itim na buhok.
"Nirentahan po ng iyong mga magulang ang buong resort sa mga araw na nandito kayo, Mahal na Prinsesa. Ayaw po ng hari na magkaroon ng ibang tao rito habang nandito ka, ayaw niyang may mangyari sa iyong masama dahil may outsider na nakapasok,"tugon nito.
Yeah.
That sounds like my father, too overprotective. Minsan ay napapatanong na lang ako kung tama pa ba itong ginagawa niya o hindi.
Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap ng isang napakalaking pool.
Sobrang ganda nito at kung titignan mo ito sa kalayuan at parang magkarugtong lamang ang dagat at swimming pool. Ang ganda. Sisiguraduhin ko na maliligo ako rito mamayang gabi, masiyado pang umaga para mag-swimming.
"Mahal na Prinsesa,"tawag ni Hill.
Napalingon naman ako sa kaniya at ngumiti, "Bakit?"
Hindi ko na pansin na kanina pa pala ako nakatingin sa pool. Medyo na palayo na ako kay Hill na ngayon ay nakatayo na sa gilid ng isang maliit na gate.
Anong mayroon sa gate na iyan?
"Dito po ang daan patungo sa lugar ng mga mangingisda,"paliwanag nito.
Lumalaki ang aking mga mata na tumakbo patungo sa kaniya. Agad niya itong binuksan kaya lumabas na rin ako agad. Muntik pa akong malaglag dahil hindi ko inaasahan na isa pala itong hagdan pababa.
Ang galing!
Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad habang nakasunod si Hill sa aking likuran. Lumipas ang ilang sandali ay nakalabas na rin kami. Hindi ko maiwasan ang mas lalong mamangha at mapangiti nang makita ang dagat ng malapitan. Ito iyong view sa aking silid. Sobrang ganda!
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad na tumakbo patungo sa may tabing dagat. Ang puti ng buhangin at sobrang ganda. Walang kahit ni isang basura akong nakikita na labis kong ipinagsasalamat. Sobrang linaw din ng tubig na kahit nandito lamang ako sa may buhangin ay kitang-kita ko kung ano ang nasa ilalim. Kitang-kita ko ang kagandahan ng mga sida na patuloy sa paglangoy sa ilalim ng dagat.