Hindi na tuloy ako makakapaghintay na maligo at kunin ang aking goggles para mag-dive na sa ilalim. Gusto kong tignan ang mga isda at ilang coral reefs dito. Hinubad ko na ang aking suot-suot na tsinelas at binabad ang aking paa sa tubig. Sobrang lamig ng tubig. Napapikit ang aking mga mata dahil dito. Ninanamnam ko ang tubig na bumalot sa aking buong paa.
Gusto ko na maligo. Gustong-gusto ko na mag-dive sa ilalim ng tubig at tignan ang kagandahan dito.
"Dito! Dito!"
Ano iyon?
Agad kong iminulat ang aking mga mata at hinanap ang pinagmulan ng ingay na iyon. Tamang-tama naman na dumako ang aking paningin sa kakarating lamang na bangka na ngayon ay buhat-buhat na ng ilang mga lalaki patungo sa may buhangin. May ilang mga batang nagsisitakbuhan papalapit doon na masayang-masaya na dumangaw sa loob ng bangka.
Mga mangingisda!
Agad akong umahon at sinuot ang aking tsinelas. Pagkatapos ay tumakbo patungo sa kanilang pwesto.
"Mahal na Prinsesa, mag-ingat po kayo!" Sigaw ni Hill ngunit masiyado akong excited na lumapit sa mga ito kaya nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa makarating na ako sa bangka. Nakadungaw ang lahat sa kung anong mga dala nito kaya naki-siksik din ako.
"May dayuhan,"rinig kong sabi ng isang lalaking mangingisda. Napatingin naman sa akin ilang mga tao at ngumiti.
"Magandang umaga sa iyo,"bati ng mga ito. Ngumiti naman ako sa kanila sabay tango.
"Teka, naiintindihan ba tayo ng bagong dating?" tanong ng isang babae.
"Mukhang amerikana ang babae. Malabong maintindihan tayo niyan,"tugon naman ng isa pa.
"Siguro ay hindi. Ano nga ulit ang inglis ng magandang umaga?"
Ang cute naman ng mga taong ito. Natawa ako ng mahina at ngumiti sa kanilang lahat.
"Magandang umaga rin po sa inyo,"tugon ko rito.
"Mabuti naman at pinoy ito,"ani ng mga ito.
Kitang-kita ko ang na para bang nabunutan ang mga ito ng tinik. Natawa na lamang ako sa kanila at muling tinignan ang mga isda.
Hala! Sobrang laki ng mga ito!
"Ngayon ka pa lang ba nakakita ng ganitong kalaking isda?" Tanong ng isang mangingisda. Agad naman akong tumango ng parang bata.
Pasensiya na kung masiyado akong ignorante. Wala kaming alagang isda sa bahay at kung mayroon man kaming isda sa fridge ay hindi na ito buo.
"Opo. Paano niyo po iyan nakuha?" Tanong ko sa mga ito.
Ngumiti naman ang lalaki at nagsimula ng magpaliwanag. Mangha na nakikinig lamang ako sa kaniya habang ang ibang tao naman ay tuwang-tuwa na nakatingin sa amin.
"Ngayon pa lang ako nakakita ng babae na ganiyan ka-puti,"rinig kong sabi ng isang babae.
"Mayaman sigurado iyang batang iyan pero, kahit ganoon ay hindi siya maarte kagaya sa ibang bumisita rito."
"Sinabi mo pa. Iyong huling babae na pumunta rito na rinig ko ay anak daw ng may-ari ng isang malaking kompanya, ay bigla na lang nagwala dahil mabaho raw tayo,"saad naman ng isang babae.
Grabe naman iyon. Sino kaya iyong babaeng iyon ng makurot ko.
"Mabuti na lang siya at talagang nakihalubilo pa sa atin."
"Hindi lang iyan, talagang interesado pa siya sa pangingisda."
"Mahal na Prinsesa," Na gulat naman ako nang bigla na lang may kumalabit sa aking balikat at nang lingunin ko ito ay si Hill pala.
"Hill! Tignan mo oh! Ang laki ng mga isda!" sigaw ko ng parang bata.
"Gusto mo ba hawakan?" Tanong ni Manong.
"Maari po ba?" Excited kong tanong habang nakangiti ng sobrang lapad.
"Aba siyempre naman!"
Agad nitong kinuha ang isang isda at ibinigay sa akin. Tinaggap ko naman ito ngunit, muntikan ko itong malaglag dahil hindi ko inaasahan ang bigat nito.
"Ingat, Mahal na Prinsesa,"paalala ni Hill.
"It is fine, it is fine, kaya ko naman,"pigil ko ng tutulungan niya sana ako. Tumango lamang ito sa akin atsaka yumuko sabay atras.
"Mahal na Prinsesa?"
"Mukhang bigatin nga ito."
Manghang-mangha akong nakatingin sa isda hanggang sa dumating na ang ilan pa. Ibinalik ko na kay manong ang isda, "Salamat po,"saad ko.
Ngumiti lamang si Manong at sinenyasan ang isang babae. Kinuha na ng mga ito ang isda na nasa bangka at inilagay sa kanilang mga balde. Tuwang-tuwa naman akong nakatingin sa kanila.
Masayang nakikipagkwentuhan ako sa mga ito habang naglalakad kami papunta sa ilalim ng malaking puno. Mas marami ang tao rito kung ihahalintulad kanina. Hindi ko na napansin ang oras at tanghali na pala. Bigla na lang lumapit si Hill sa kalagitnaan ng pagkwe-kwentuhan namin ng mga magtitinda ng isda.
"Mahal na Prinsesa, kailangan na po natin bumalik,"saad nito, "Malapit na po ang tanghalian."
"Sige, Hill,"tugon ko at humarap sa kanila, "Salamat po sa oras niyo. Masaya po ako at nakilala ko kayong lahat dito."
"Masaya rin kami, Attira. Napakabait mong bata, nakakatuwa kang kausap,"sabi ni Aling Marites.
"Balik ka rito ah?" Ani naman ni Aling Dalia.
"Opo!" Tugon ko.
Tuluyan na akong nagpaalam sa kanila at naglakad na pabalik sa aming resort.
Masiyado akong natuwa sa aming kwentuhan kaya hindi ko napansin na ilang oras na pala ang lumipas. May sasabihin pa nga pala sila Ina at Ama sa akin. Wala akong alam kung tungkol saan ito pero panigurado ay tungkol na naman ito sa trabaho ni papa. Maaga na naman siguro itong uuwi.
Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago humakbang paakyat ng hagdan. Ayaw kong isipin na aalis na naman si papa.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa tuluyang makapasok ng gusali. Tahimik pa rin ang bawat hallway pero hindi ko na lamang ito pinansin. Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa harap ng restaurant. Walang katao-tao rito hindi kagaya kanina.
Agad na binuksan ni Hill ang pinto patungo sa kung saan kami kanina. Nasa loob na silang tatlo na abala sa pag-uusap. Hindi ko marinig kung tungkol saan pero hinayaan ko na lang.
"Mom, Dad,"tawag ko sa kanila.
"Anak!" Tawag ni Mommy.
Ako lang ba o kitang-kita ko ang saya sa mga mata ni Mommy. Sobrang saya nito na sobrang nakakapanibago.
"Kamusta ang mga mangingisda?" tanong nito.
"Ayos lang naman po. Ang sarap po nila kausap at nakakatuwa silang makasama,"kwento ko at umupo sa tabi nito, "Oo nga po pala, sabi ni hill ay may sasabihin daw po kayo. Tungkol po ito saan? Aalis na po ba si Dad?"
Nilingon ko si Dad at nakangiting nakatingin lamang ito sa akin.
"Bakit?" Tanong ko.
"Hindi ba at ilang taon ka na nangungulit sa akin na pumunta sa underworld?" Tanong ni Mommy.
"Uh, yes po pero, sabi niyo ay hindi ako pumunta roon, hindi ba?" Nagtatakang tanong ko, "Kasi ayaw ni Dad na bumalik tayo sa lugar na iyon. Hindi ko man alam kung bakit o ano ang dahilan pero naiintindihan ko naman. Bakit po? May problema ba? Hindi ko na naman po iyon inulit ah?"
"Hindi na nga,"ani ni Mommy, "Kagabi, ay nag-usap kami ng iyong ama. Sinabihan ko siya tungkol sa bagay na iyon."
"Tapos po?"
"Tapos.." Mas lalong lumawak ang ngiti ni Mommy na mas lalo ko tuloy pinagtataka. Ano bang meron? Bakit ba kasi kailangan pa pabitin itong ina ko kung pwede naman niya diretsuhin. Kung galit ba si Daddy dahil sa kakulitan ko.
"Ako na ang magsasabi sa anak natin dahil masiyado ka yatang nilamon ng excitement at hindi mo na masabi,"ani ni Daddy. Ibinaling ko naman ang aking paningin sa kaniya at nagtatakang tinignan ito, "Napag-usapan namin na na sa oras na bumalik ako sa underworld.."
Sabi ko na nga ba at babalik na si Daddy sa underworld eh. Ano pa ba ang pinagbago? Sa tingin ko nga ay apat na araw lamang ang pinakamatagal niyang pananatili rito. Ngayon ay maiiwan na kami ni Mommy dito sa beach hanggang sa matapos ang pag-upa nila sa buong resort. Hindi na nakakagulat.
"Ay sasama na kayong dalawa ng Mommy mo. Doon na rin magpapatuloy ang iyong pag-aaral para lagi ko na kayong makakasama,"dugtong ni Daddy.
Sabi ko na nga ba eh. Sasama na kami ni Mommy para--teka. Tama ba ang pagrinig ko? Tama ba iyon?
Gulat na napatingin ako kay Daddy at Mommy. Hindi makapaniwala sa narinig ko ngayon lang. Teka. Teka.
"Sasama na kami ni Mommy sa Underworld?" Sigaw ko at na patayo pa nga mula sa aking upuan.
"Yes, Anak. Sasama na kayo."