Attira: 17

1025 Words
Gulat na gulat lamang akong nakatingin sa aking mga magulang at hindi alam kung ano ang aking magiging reaksiyon. Ito pa lang ang unang beses na nalaman kong sasama na ako sa underworld. Ilang taon ko na ba pinilit si Ina na sumunod kami sa aking ama? Ngunit kahit ano ang gawin ko ay talagang pinagpipilitan nito na bawal kaming sumunod sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagpintig ng aking puso habang nakangiting nakatingin silang lahat sa akin. Kaya ba ang daming ibinigay ni Ama sa akin ay dahil dito? Kaya ba may mga bagay na ayon sa kaniya ay hindi ko pwedeng gamitin dito sa mundo ng mga tao para sa balitang ito? Sobrang saya ng nararamdaman ko. Gustong-gusto ko sumigaw at kurutin ang sarili ko. Sisiguraduhin ko lang na hindi ako nanaginip. "Seryoso kayo riyan?" Gulat na tanong ko sa kanila, "I mean, huwag niyo po sanang mamasamain pero totoo ba na aalis na tayo sa lugar na ito? Pupunta na tayo sa underworld?" Ngiting tumango ang aking ina habang nakatingin sa akin. Pagkatapos ay unti-unti itong humarap sa akin sabay hawak sa dalawa kong kamay, "Alam kong nakakagulat itong balita namin sa iyo dahil biglaan. Hindi ko nga alam kung bakit ito na lang ang naging desisyon ng iyong ama bigla,"paliwanag ng aking ina. Oo nga at sinabi ni Ina sa akin noon na kaya kami hindi nakakapunta sa mundo ng Underworld ay dahil ayaw ng aking ama. Para nga raw ito sa kaligtasan ko kaya pinagbabawal niya ang pagpunta roon pero, bakit bigla na lang kaya nagbago ang ihip ng hangin dito? May nangyari kaya na hindi namin alam? "Ganoon po ba, ngunit, maari ko bang malaman kung ano ang naging dahilan kung bakit bigla na lang nagbago ang inyong isipan?" Tanong ko sa kanila, "Hindi naman sa ayaw kong sumama sa inyo pero nakakagulat lang na, noon ay ayaw niyong payagan akong tumuntong sa lugar na iyon. Tapos, bigla na lang ay sasabihin niyo sa akin na aalis tayo?" Ngumiti ang aking ina atsaka ibinaling ang atensiyon sa ama ko na abala sa pagkain. Unti-unti naman nitong itinaas ang kaniyang paningin at ngumiti sa akin. "Nasa tamang edad ka na naman ay kaya mo ng protektahan ang sarili mo,"saad ng aking ama, "Hindi naman pwede na lagi ka na lang namin ilayo sa naka-tadhana sa iyo. Alam namin na kailangan ka rin namin ibalik sa underworld. Lahat ng demonyo ay may obligasyon, at iyon ay ang pagbalik sa underworld sa oras na umalis ka roon." "Hindi ko po maintindihan,"tugon ko rito habang nakakunot ang aking noo. Obligasyon? May ganoon bang obligasyon sa mundo namin? Kita na? Wala akong kaalam-alam sa mga rules and regulations doon. Paano na lang kaya kapag nakabalik na ako sa mundo namin. Nganga ako? Wala akong kaalam-alam sa possibleng mangyari. Napailing na lamang ako at umayos ng upo. Tinanggal ko ang pagkakahawak ng aking ina sa aking kamay at kinuha ang kutsara at tinidor. "Sa Underworld ay may isang kailangan sundin ang lahat ng mamamayan, iyon ay ang kapag umalis ka sa mundo natin ay babalik at babalik ka para ito ay bisitahin. Kung hindi ay maaring manghina ang demonyong iyon at mawawalan ng kapangyarihan habang buhay,"paliwanag ng aking ama, "Walang problema ang bagay ang bagay na iyon sa iyo pero, mas mainam na rin na makakapunta ka sa mundo natin para makita ang dapat mong makita." May ganoon pala. Kawawa siguro nang mga demonyong hindi man lang bumalik sa underworld dahil mayroon pa silang mga kasalanan doon. Kung sabagay, hindi naman siguro aalis ang mga demonyong iyon kung wala silang ginawang masama, hindi ba? Ayos din ang rules na 'to, alam nilang babalik din iyon at maaring mahuli na nila ito sa oras na tumapak siya sa underworld. Nakatingin lamang ako sa aking pagkain habang iniisip ang sinabi ng aking ama at ina. "Huwag kang mag-alala may oras pa naman tayo na magsama rito. Kung nais mong papuntahin ang iyong mga kaibigan rito para makapagpaalam ka ay ayos lang din naman,"dugtong ng aking ina. Ngumiti lamang ako sa kaniya sabay tango. Pagkatapos noon nagpatuloy na sila sa pagkain habang nagkwe-kwentuhan. Ako naman ay nakatingin lamang sa aking pagkain at iniisip kung ano ang aking gagawin. Oo nga at kailangan ko pa magpaalam sa aking mga kaibigan ngunit, hindi naman ibig sabihin noon ay kailangan ko silang papuntahin dito. Masiyado silang maingay at madaldal. Idagdag pa natin na isa sa kanila ay nagkakagusto sa aking ama at baka magalit pa si Ina roon. Tahimik ko lang minamasdan ang aking pagkain nang mapansin ko ang biglang pagtahimik ng buong lugar. Ibinaling ko ang aking paningin sa kanila at nakitang seryosong nakatingin ang mga ito. Tila nagtataka kung ano ang ginagawa ko at bakit hindi ko pa ginagalaw ang aking pagkain. "Ayos ka lang ba, anak? Bakit hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo?" Tanong ng aking ina.  Ngumiti lamang ako sa kaniya at nagsimula ng sumubo ng pagkain. Nginuya ko ito ng mabilis bago sila sinagot, "Ayos lang po ako, Mom. May iniisip lang, kain na po tayo,"aya ko sa mga ito at nagpatuloy na sa pagkain. Nagkatinginan naman ang aking mga magulang atsaka sabay na nag-kibit balikat. Patuloy lamang kami sa pagkain hanggang sa tuluyan na akong matapos. Bigla na lang din akong nakaramdam ng antok kung kaya ay nilingon ko si Hill at sinenyasan ito. Tumango lamang siya atsaka umalis na. Siguro ay ihahanda na nito ang aking hihigaan at kung ano pa ang kailangan ko bago matulog. "Mom, Dad,"tawag ko sa kanila. Sabay-sabay na napatingin si Mommy at Daddy, pati na rin si Bradeth sa akin. "Bakit, anak?" Tanong ng mga ito. "Nais ko po sana na mauna sa itaas. Gusto ko na po matulog dahil pagod na pagod po ako sa ginawa ko kanina,"paliwanag ko sa mga ito. "Sige, anak. Good Night,"sambit ni Mommy. "Good Night, My Princess,"dugtong naman ni Daddy. "Good Night, Princess,"saad naman ni Bradeth. "Good Night din po sa inyong lahat,"tugon ko at tumayo na. Yumuko muna ako saglit bago naglakad na patungo sa aking silid upang matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD