Umaga na nang magising ako. Bigla na lamang akong naalimpungatan nang tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Doon ko lang na pansin na nakalimutan ko pala isara ang kurtina sa may bintana. Inilibot ko naman ang aking paningin at labis ang aking pagtataka nang hindi ko makita si Hill.
Nasaan kaya 'yon? Sa mga oras na ito ay panigurado, nandito na siya sa tabi ko at binabati ako. Bakit parang nakakapanibago naman yata na wala siya? Tinawag ba siya ng aking ina o ano?
Hindi ko na lamang ito pinansin at tumayo na. Nag-unat muna ako bago ko napagdesisyunan na maglakad patungo sa isang tabi. Hinawi ko ang malaking kurtina at bumungad sa akin ang malaking pinto patungo sa veranda.
Agad ko itong pinihit at binuksan. Tinulak ko ang pinto hanggang sa sumalubong sa akin ang napaka-preskong hangin. Hindi ko maiwasan ang hindi mapapikit habang ninanamnam ang lamig nito.
Amoy na amoy ko rin ang bango ng dagat na nagmumula sa labas. Kahit naka-paa ay lumabas na ako sa veranda at tumama sa akin ang araw. Hindi naman ito sobrang init at sakto lang din kaya nagpatuloy na ako.
Nang makarating ako sa may dulo ng veranda ay agad kong tinignan ang kumikislap na dagat. Abala lamang akong nakatingin doon nang mahagip ng mga mata ko ang mga kumakaway na tao.
Sinubukan kong gamitin ang isang skills ko na kung saan kaya kong makita ang mga nasa malayo. Pinikit ko ng maigi ang aking mga mata at nang imulat ko na ito ay parang nasa harapan ko lang sila.
Ang mga nagtitinda ng isda at mga mangingisda!
Itinaas ko ang aking isang kamay at kumaway din sa kanila pabalik. Hindi ko alam kung nakikita nila ako pero nakangiti lamang ako havang ginagawa ko ito.
Ilang sandali pa ay sumenyas na sila na aalis na raw sila. Kaya ay itinaas ko muli ang kamay ko at nag-thumbs up. Sabay-sabay na tumalikod ang mga 'to habang masaya silang nakikipagkwentuhan. Namiss ko tuloy silang kausap. Gusto ko sana silang makausap ng masinsinan pero malabo na. Kailangan kong sumama sa mga magulang ko ngayong araw at bukas.
Oo nga pala. Tatlong araw na lang kami rito. Pagkatapos noon ay babalik na kami sa bahay upang maghanda sa pag-alis. After ng ilang araw ay lilipat na kami sa underworld na kung saan ay masisilayan ko na ang lugar kung saan ako ipinanganak.
Kailangan ko rin magpaalam sa mga kaibigan ko. Lalong-lalo na sa dalawang babae na iyon. Baka bigla na lamang silang magtampo dahil bigla na lang ako na wala. Sana nga lang ay hindi sila maging makulit at gustuhin na sumama. Baka mabuking pa ako ng wala sa oras.
Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago umayos ng tayo. Mananatili pa sana ako sa lugar na iyon ng marinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto.
Nagtatakang naglakad ako papasok sa silid at nakita si Hill na may dala-dalang pagkain. Inilapag niya ito sa may lamesa na malapit lamang sa aking kama.
"Hill?" Tawag ko sa kaniya, "Anong ginagawa mo?"
Bahagya itong na gulat ngunit agad din bumalik sa dati nitong ekspresyon. Unti-unti itong humarap sa akin habang may ngiti sa kaniyang mga labi. Tila ba napipilitan itong ipakita na masaya siya.
"Hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo,"saad ko at tuluyan na lumapit sa tabi niya.
Bigla naman nagbago ang kaniyang ekspresyon at bumalik sa pagiging walang ekspresyon. Napailing na lamang ako habang hinihila nito ang upuan ko.
Agad akong umupo habang nakatingin sa mga pagkain na nasa aking harapan.
"Ang dami yata nito?" Tanong ko sa kaniya, "Hindi ba kakain sina ina at ama? Bakit ako lang?"
Naglakad ito sa aking harapan at hinanda ang mga pagkain. Kinuha rin nito ang syrup at nilagay sa pancake ko. Nang matapos siya ay agad na umatras ito palayo sa mesa ko. Kumuha na ako ng tinidor at knife tsaka nagsimula na kumain.
"Ayon sa aking nalaman, umalis daw po ang iyong ina at ama kaninang umaga. May aasikasuhin daw muna ito, hindi ko lang po alam kung saan pero malapit lang naman daw po rito,"paliwanag niya, "Bilin din ng iyong mga magulang na huwag kayong aalis ng resort ng walang kasama. Maaring ako o si Bradeth man."
Ang strict talaga ng mga magulang ko. Kailangan bantay sarado pa rin pero kahit ganoon, bakit kaya kailangan ko pa makasama si Bradeth? Talaga ba na labis ang kanilang tiwala sa kaniya? Isa pa, ganoon na lang ba talaga ito kalakas?
I am not sure.
Sa tingin ko ay bukod kay Mommy, Daddy at ako. Wala ng makakatalo kay Hill.
Hindi man sa pagiging boastful but I am also powerful. Iyon nga lang ay hindi ko alam kung bakit ganito na lang ako kalakas. Kung bakit ganito na lang ako kadaling matuto. Well, given na rin siguro na makapangyarihan talaga ang mga magulang ko.
Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain hanggang sa ako ay matapos. Agad na niligpit ni Hill ang mga ginamit ko at kumuha ito ng tsaa.
Tahimik ko lang iniinom ito ng bigla na lang siyang naglakad patungo sa may bintana, sa tabi ng aking upuan. Mabilis niya itong hinawi at bumungad sa akin ang isang malaking bintana na kung saan ay kitang-kita ko ang kagandahan ng karagatan.
Hindi ko alam na may ganitong bintana pa pala rito sa silid. Mukhang kailangan ko pa nga mag-explore rito. Hindi magandang ideya na si Hill lang ang may alam, samantalang ako ay wala.
Nag-eenjoy akong nakatingin lamang sa labas habang umiinom ng tsaa sa loob ng isang oras.
Mas maganda siguro kung may libro pa ako. Basahin ko na lang kaya ang libro na ibinigay ni ama sa akin na hindi ko pa natatapos?
Tama.
Wala naman akong ibang ginagawa rito. Tumayo na ako at naglakad patungo sa may pinto ng pinaglalagyan ng maleta. Agad kong hinanap ang isang maliit na bag.
"Mahal na Prinsesa?" Rinig kong tanong ni Hill.
Oo nga pala. Si Hill nga pala ang naglipat ng mga gamit ko.
"Hill? Nakita mo ba ang libro ko?" Tanong ko sa kaniya.
"At para saan naman ang libro? Nagbabakasyon ka, anak."
Mabilis akong napalingon sa aking likuran at nakita ang aking ina at ama na nakangiting nakatingin sa akin.