Attira: 19

1013 Words
"Anak?" Tanong ng aking ina. Ngumiti lamang ako sa kaniya at agad na umayos ng tayo. Alam ko naman na bakasyon namin ngayon pero akala ko ay hindi sila agad makakabalik. "Uh, ano po kasi,"nauutal kong tugon habang iniiwas ang aking paningin. "Uh? Alin?" naguguluhan nitong tanong. "Gusto ko lang po sana tapusin ang libro na ibinigay ng aking ama sa akin. Wala kasi akong magawa rito sa beach at isa pa, akala ko ay matatagalan pa kayo bago makakabalik dito sa resort. Kung kaya ay naisipan ko na magbasa na lang muna habang naghihintay. Mainit din kasi sa labas,"paliwanag ko at tinignan na ang mga ito. Nakataas pa rin ang isang kilay ng aking ina, samantalang natatawa naman sa likod nito si Daddy. Hindi ako sigurado kung may nakakatawa ba sa sinabi ko o wala, pero kahit ganoon ay masaya pa rin ako na makitang nakangiti ang mga magulang ko. Ngumiti lamang ako kay Ina at niyakap ito. "Saan po ba kayo galing?" Tanong ko sa kaniya. Baka hindi ako nito paniwalaan dahil sa mga nangyayari pero, bahala na nga. Siguro ay wala naman mawawala, hindi ba? Naramdaman ko na lang ang pagtaas at pagbaba ng mga balikat nito na sa tingin ko ay bumuga ito ng hangin. Give up na ba si Ina? Mabuti naman kung ganoon. "Huwag mo na hanapin ang libro ng batang ito, Hill. Maiwan mo muna kami,"utos ni Ina. Pagkatapos ay nakita ko na lang si Hill na naglakad papalabas ng aking silid. Naramdaman ko naman ang unti-unting paghamplos ng aking ina sa aking likuran. Napangiti ako dahil dito, alam ko kasing hindi na siya galit sa akin at wala na siyang balak na pagalitan ako. Alam kong nakatakas na naman ako sa possibleng rap battle ni Mommy. Ilang sandali pa ay kumalas na kami sa aming yakapan at ngumiti sa isa't-isa. "Gusto mo na ba mag-swimming?" Excited na tanong nito, "I heard from Bradeth, maganda raw ang kanilang pool dito." Hindi ko agad pinatagal at mabilis kong tinugon ang kaniyang sinabi ng isang tango. Alam ko at saksi ako sa kagandahan ng pool nila rito. Hindi ko talaga maipagkakaila na labis nilang inalagaan ang lugar na iyon. Sabi ko nga ay gusto ko ng mag-swimming doon pero, hindi ko aakalain na sasama si ina sa akin. Ang sarap lang sa pakiramdam na ganito pala ang pagkiramdam ng outing. "How about Dad?" Tanong ko at nilingon si Daddy, "Hindi ba at ayaw mo sa mga lugar na may sobrang liwanag?" Sumimangot naman ang aking ama at agad na lumapit sa akin. Inakbayan ako nito pagkatapos ay kinurot ang aking pisngi. "Aray,"daing ko. "Oo, ayaw na ayaw ko talaga sa mga ganoong klaseng lugar pero, alam mo naman kapag tungkol na sa inyong ina ang usapan, hindi ba?" Tanong ng aking ama, "Kaya kong kalimutan na ayaw ko sa mga bagay na iyon kapag tungkol na sa iyo. Lalong-lalo na kapag tungkol sa iyong ina." Ngiting tinignan ko si Ina na ngayon ay namumulang iniiwas ang kaniyang paningin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na matawa sa kaniyang reaksiyon. Tanging si papa lang talaga ang naglalabas ng ganiyang ekspresyon kay mommy. "Kilig 'yan, Mom?" Asar na tanong ko. Inirapan lamang ako nito at agad na tumalikod. "Sumunod ka na lang, Azazel. Magbibihis na ako para sa swimming namin ng ating anak,"mahinang sabi nito at naglakad na palabas ng silid ko. "Kita mo 'yon? Ako lang nakakagawa sa ina mo no'n,"natatawa nitong saad, "Anywa, magbihis ka na at sisimulan na natin ang ating swimming. Huwag ka masiyadong magsuot ng damit na halos kita na ang lahat. Maliwanag? Uso pa naman daw iyan ngayon sa mga katulad ninyo." Napakamot na lamang ako sa ulo bago ito tinugunan ng tango. Pagkatapos ay tuluyan na rin itong sumunod sa aking ina at pumasok naman si Hill. Ayon kay Daddy, ayaw daw niya magsuot ako ng mga damit na kita na iyong kaluluwa ko pero, pinayagan niya si mommy na ipasuot sa akin ang ganoong klaseng damit noong gumala ako. Kahit kailan talaga ay hindi ko mabasa ang takbo ng isipan ng dalawa. Minsan ay naiintindihan ko pa at, minsan, hindi na. Napailing na lamang ako at naglakad na patungo sa aking higaan. "Ihahanda ko na po ang iyong susuotin,"sambit ni Hill. Tumango na lamang ako at humiga na. Ano kaya ang mangyayari sa bonding namin nila Mommy at Daddy? Ito iyong unang beses na mangyayari ito sa amin. Kahit kailan ay hindi ko pa na subukan na magbonding kami ng ganito. Halos lagi na lang lessons at defense ang tinuturo nila. Kung hindi ganoon ay paano gamitin ang mga kapangyarihan ko at iba pa. Hindi pa talaga umabot sa punto na kung saan ay focus lang kami sa oras ng pamilya. Hindi ako sanay pero, masaya naman ako at nasusubukan ko ang ganitong bagay. Ang bagay na kung saan ay hindi ko inaasahan na masusubukan. Akala ko nga rin ay hindi ako makakapunta sa underworld. Ngayon na pumayag sila ina ama, parang hindi na rin tuloy akong mapakali. Huminga ako ng malalim at umayos na ng upo. Tamang-tama rin na lumabas si Hill mula sa walk in closet at may dala-dalang swimwear na hindi masiyadong expose ang katawan ko. Kilala na talaga ako ng babaeng 'to. Teka. Ano kaya ang mangyayari sa kanila kapag bumalik na kami sa underworld? Aalis na ba sila sa aming tabi o mananatili pa rin? "Hill,"tawag ko sa kaniya. Lumapit naman ito sa akin habang dala-dala pa rin ang aking damit at yumuko. "bakit po mahal na prinsesa?" Tanong nito. "Nais ko lang sana malaman, hindi ba at babalik na kami sa underworld? Ano ang mangyayari sa inyo? Hindi na ba kayo mananatili sa aming tabi?" Tanong ko sa kaniya at kinuha na ang gamit. "Magsasama pa rin po tayo, Mahal na Prinsesa. Kami pa rin ang inyong taga-silbi sapagkat ay kami ang mga personal na alalay ng Prinsesa ng un--Prinsensa ng inyong ama at ina,"paliwanag nito. Prinsesa ng ano iyon? Alam kong iba ang karugtong noon pero, ayaw nga lang sabihin ni Hill. Ano kaya iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD