Kasalukuyan pa rin akong nandito sa loob ng aking silid at hindi alam ang gagawin. Gusto ko na lumabas at magpaalam kila mommy pero ayaw ko naman na kakarating pa nga lang namin ay nagiging makulit na ako. Matanda na ako, oo pero hindi ibig sabihin no’n ay basta-basta na lang ako magdedesisyon sa buhay ko. Isa pa, sabi nga ni Mommy, kahit ano man ang mangyari, kapag nandito kami sa isang lugar na kung saan ay hindi kami pamilyar ay kailangan ko magpaalam sa kaniya. Ayaw lamang nila na mapahamak ako kaya ganoon.
“Hill,”tawag ko sa katulong ko. Lumapit naman ito sa tabi ng aking higaan habang nakayuko. Isang marahas na hangin ang lumabas mula sa aking bibig at tinignan ito, “Sa tingin mo ba ay papayagan ako ni Mommy at Daddy?”
Hindi makaimik si Hill sa tanong ko. Sa tingin ko ay nagdadalawang isip din siya na sagutin ang tanong ko. Alam kong kilala na niya ang mga magulang ko, higit pa sa akin. Kaya nagdadalawang isip siya kung ano dapat ang isasagot niya.
“Ano sa tingin mo?” Muling tanong ko.
“Hindi po ako sigurado,”tugon nito, “Pero wala naman po mali kung susubukan niyo, sa tingin ko nga ay papayagan pa kayo ng mga magulang niyo. Nandito naman po ako para samahan kayo.”
Kung sabagay ay tama nga naman siya. Isa sa mga inaasahan na mga katulong si Hill. May kakayahan din itong patumbahin ang isang demonyo na kinuha ni Papa na magturo sa akin ng mahika. Gulat na gulat nga ako noon, kasi inaakala ko talaga na sobrang lakas noon. Iyon pala ay isang ataki lang tumba na.
Hindi naman kasi sana mangyayari iyon kung hindi pa niya binangga si Hill. Ayon tuloy, hindi siya nagtagal ng isang linggo sa bahay at bumalik na siya sa underworld. Tawang-tawa pa nga ako noon dahil sobrang tapang nito, samantalang si Hill naman ay wala lang. Ang laging ekspresyon nito ay ganoon pa rin noong mga panahon na naglalaban sila.
“Kung sabagay ay tama ka nga naman. Sige, magpapaalam ako mamayang tanghalian,”tugon ko at umayos ng upo sabay harap sa kaniya, “I am really curious. Hindi ko kasi alam kung ano iyong nahuhuli nila sa dagat at kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon ng mga tao. Gusto ko subukan na makita ito ng malapitan.”
“Kung papayagan po kayo ay makikita niyo po ito, huwag po kayong mag-alala. Sa tingin ko naman ay papayagan kayo ng mahal na hari at mahal na reyna,”sabi ni Hill at umayos ng tayo, “Oras na po ng tanghalian. Bumaba na po tayo upang masabayan niyo po ang inyong mga magulang.”
Napatingin naman ako sa orasan at nakitang alas dose na nga ng gabi.
“Sige, bababa na tayo,” tugon ko at tumayo na. Nagsimula na akong maglakad patungo sa may pinto atsaka lumabas na ng silid. Nakasunod lamang si Hill sa akin.
Habang naglalakad kami pababa ay hindi ko maiwasan ang hindi mapansin ang ilang mga tao rito na nakatingin sa akin. Para bang ako iyong pinag-uusapan nila.
“Hill?” Tawag ko rito.
“Yes, My princess?” Tanong nito sabay lapit sa akin.
“Are they talking about me?” Tanong ko rito habang taas noo pa rin na nakatingin sa nilalakaran ko.
“Yes, My princess,”tugon nito, “Pinag-uusapan ka po nila kung sino ang iyong mga magulang at bakit napakarami po ang naka-sunod sa inyo.”
Mabilis akong napatingin sa aking likuran at halos lumuwa ang mga mata ko sa aking nakikita. Halos anim na lalaking naka-suot ng itim na tuxedo ang nakasunod sa amin. Hindi ko nga alam kung saan sila galing at kung paano sila na punta rito sa likuran ko. Anong klaseng entrance ‘to at bakit napakarami naman yata nila?
“What?” Gulat na tanong ko, “Kailan pa sila nakarating sa likuran natin? At bakit hindi ko man lang na pansin na nakasunod na pala sila?”
“Sila po ang personal guards ng Mahal na Hari,”tugon nito, “Inutusan po ang mga ito na bantayan kayo, lalong-lalo na at maaring mapahamak kayo habang wala sila sa inyong tabi.”
Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na mapahilamos sa mukha. Ayaw ko ng ganitong atensiyon pero binibigay ito ni Daddy sa akin. Nakakainis naman!
Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad habang sinusubukan na ipanatili ang confidence ko. Sabihan ko nga si Daddy tungkol dito. Masiyadong marami itong mga ibinigay niya sa akin na guards. Hindi ko kakayanin ang ganito karami.
Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad habang patuloy pa rin sa bulungan ang mga taong nandito. Hindi ko na lamang sila pinansin hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. Agad na pumusisyon ang mga guards sa kani-kanilang mga pwesto atsaka binuksan ang pintuan para sa aking pagpasok.
Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Tahimik kong binabaybay ang hallway hanggang sa may taong yumuko sa aking harapan.
“Dito po ang daan,”saad ng lalaki. Tumango lamang ako sa kaniya at sinundan ito. Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa harap ng isang malaking pinto. Nang buksan niya ito ay isang napakahabang mesa ang nakita ko sa gitna ng silid. Nag-uusap sina ina at bradeth, samantalang si Daddy naman ay kausap ang dalawang lalaking guards na nakasunod sa akin kanina.
“Mom, Dad,”tawag ko sa mga ito.
Sabay-sabay na napatingin silang lahat sa akin at ngumiti.
“Mabuti naman at nandito ka na, anak,”ani ni Mommy, “Kanina ka pa namin hinihintay dahil kakain na tayo.”
Ngumiti lamang ako sa kanila atsaka tumabi na sa kaniya. Hinalikan ko sa pisngi ang aking ina samantalang si Ama naman ay umupo na rin sa kaniyang pwesto.
“Hinintay ko pa po kasi mag-alas dose,”tugon ko, “Bakit ang dami naman po yatang pagkain ngayon?”
Napatingin si Mommy kay Bradeth sabay iling.