Hindi na nakakagulat na nakayang gawin ito ni Bradeth pero, hindi ko rin inasahan na ganito ang kaniyang kapangyarihan. Kung may kakayahan siya na ilipat kami sa aming mga silid, ibig sabihin ay kaya rin nitong lumipat sa isang lugar patungo sa iba pa? Teka, na gawa na nga pala niya ito kanina lang. Iyong nasa itaas pa lang siya samantalang nasa baba naman kaming tatlo. Sana nga lang ay huwag niyang isipin na basta-basta na lang pumasok dito sa aking silid, kung hindi ay sisiguraduhin kong hindi na siya masisikatan ng araw.
Kinuha ko na lang ang aking bag na nasa tabi ng pintuan na hindi ko alam kung paano ito nakarating dito, at dinala sa may kabinet. Sinimulan ko ng tanggalin ang mga gamit sa maleta nang makarinig ako ng mahihinang katok na nagmumula sa aking pintuan. Napatingin naman ako rito habang nakakunot ang aking noo.
Sino kaya ito? Si mommy at daddy na naman ba? Ngunit, impossible. Alam kong sa mga oras na ito ay nais nilang dalawa ang magpahinga na muna. Huminga muna ako ng malalim bago tumayo. Dahan-dahan akong lumapit sa may pinto at ito ay binuksan ka agad.
"Yes?" Tanong ko.
"Tulungan ko na po kayo,"sabi ni Hill. Hindi ko inasahan na sasama pala ito sa amin. Hindi ko naman kasi siya kasabay na pumunta dito sa beach. Ngumiti lamang ako sa kaniya atsaka tumalikod na, hinayaan ko na lang itong pumasok dito sa loob ng aking silid.
Agad na naglakad si Hill patungo sa mga kagamitan ko at sinimulan ng isa-ayos. Habang abala ito ay inilibot ko naman ang aking paningin.
Sobrang ganda ng buong silid. Kulay puti ang pintura ng kabuuan nito, at hindi masiyadong maraming disenyo ang dingding. Medyo may kaliitan nga lang ito sa aking silid, wala itong walk-in closet pero may sariling cabinet at banyo sa loob. Magara rin ang mga kurtina nito na mas lalong nakakapagdagdag ganda sa buong lugar.
Unti-unti akong naglakad patungo sa isang malaking kurtina na nasa gilid lamang ng aking higaan. Agad ko itong hinawi at biglang napangiti nang makita ang napakagandang tanawin sa labas. May malaking veranda rin ito na kung saan ay may isang maliit na table na gawa sa glass at isang upuan. Sa gilid nito ay may munting mga halaman. Tinulak ko palabas ang pinto at bumungad sa akin ang napaka-preskong hangin.
Hindi ko naman napigilan ang sarili kong mapapikit habang ninanamnam ito. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa pinakadulo nito. Dito ay kitang-kita ko ang kagandahan ng buong resort at kagandahan ng dagat. Tumitikngad ang mga alon sa tuwing natatamaan ng sinag ng araw. Parang silver dust tuloy ang mga ito, hindi maalis sa aking labi ang ngiti na kanina pa naka-paskil sa aking bibig.
"Ang ganda,"bulong ko habang nakatingin pa rin dito.
Mangha-mangha akong nakatingin sa dagat nang may mahagip ang mga mata ko. Ilang mga tao na nasa dalampasigan na bitbit ang isang maliit na bangka. Galing ang mga ito sa dagat at ngayon ay nagsisilapitan na ang mga tao rito.
Anong meron? May nangyari ba habang nasa dagat sila? Delikado ba ang dagat nila rito? Bakit parang ang gulo naman yata nila. Kunot-noong nakatitig lamang ako sa kanila nang bigla na lang magsalita ang isang tao sa aking likuran.
"Ano ang ginagawa niyo, Mahal na Prinsesa?" Tanong ni Hill. Napalingon naman ako sa kaniya na ngayon ay nakatayo na sa gilid ng pinto habang nakayuko ang kaniyang ulo.
"Nagtataka lamang ako sa kung ano ang ginagawa ng mga tao,"tugon ko rito at muling ibinalik ang tingin sa gawi ng mga tao, "Para kasing nagkakagulo silang lahat sa hindi ko malaman na dahilan."
"Maaring mga mangingisda po ang mga dumating,"tugon ni Hill.
"Mangingisda?" Tanong ko sa kaniya.
May ilang mga bata na lumapit sa kanila at napatingin sa loob ng bangka. Ano ba kasing meron sa bangka na iyan at parang dapat pa nilang pagkaguluhan.
"Opo, Mahal na prinsesa,"saad nito, "Ang mga mangingisda ang nanghuhuli ng isda at dinadala ito sa dalampasigan para ibenta. Maaring kakauwi lamang nila mula sa dagat."
Malamang.
"Kaya pala. Ganito ba talaga sila palagi?" Tanong ko, "I mean, ito ba ang ginagawa ng mga taong ito sa oras na may dumating?"
"Opo,"tugon nito, "Sa tingin ko po ay ito ang kanilang paraan para tignan kung ano ang mga isdang na huli nila ngayon. Base sa aking nakikita ngayon ay mukhang masagana ang kanilang pangingisda."
Tinitigan ko naman ito ng maigi para masabi talagang masagana ang kanilang pangigisda pero hindi ko man lang makita. Paano kaya nalalaman ni hill na ganoon?
"Ngayon lang po ba kayo nakakita ng mga mangingisda?" Tanong nito.
Natahimik naman ako at agad na umiwas ng tingin. Malamang na ngayon lang, ngayon nga lang ako nakapunta sa ganitong klaseng lugar dahil laging pinagbabawalan ni Mommy. Hindi niya ako masisisi kung masiyado akong ignorante sa mga bagay, hindi naman kasi lahat ay alam ko.
Bumuntong hininga na lamang ako at naglakad na patungo sa loob ng kwarto ko.
"Gusto niyo po ba makita ito ng malapitan?"
Agad akong napatigil dahil sa sinabi ni Hill. Hindi ko mapigilan ang sarili kong lingunin ito habang nanlalaki ang aking mga mata. Hindi ko na isip na lalapitan ko ang mga tao, dahil kahit kailan ay hindi pa ako nakikipag-usap sa iba, bukod sa mga kaibigan at kaklase ko.
"Pwede ba? Baka magalit sila Mommy at Daddy,"tugon ko sa kaniya.
Nais kong tignan ang mga mangingisda ng malapitan. Nais kong makita kung ano ang kanilang pinagkakaguluhan at kung anong mga isda ang kanilang na huli. Kaso, hindi ako sigurado kung papayagan ako ng mga magulang ko. Kilala ko na ang mga iyon, alam kong pagbabawalan lamang ako nito na lumabas unless kung kasama ko sila.
"Hindi ko po alam ngunit, maari po kayong magpaalam. Kapag po sila ay pumayag, sasamahan naman p namin kayo,"tugon nito.
Napaisip naman ako dahil sa sinabi niya. Kung kasama ko naman sina Hill ay siguro naman papayagan na nila ako, pero ayon nga lang ay hindi ako sigurado. Teka, kakausapin ko na nga lang mamaya.
"Sige, kakausapin ko mamaya,"excited kong tugon at tuluyan ng tumakbo sa aking kama at humiga.