Attira: 11

1007 Words
Hindi ko inaasahan ang kagandahan ng beach na ito. Nasa entrance pa lang kami pero nararamdaman ko na kung anong klaseng resort itong na pasukan namin. Malalaman mo talagang inalagaan ang buong resort sa entrance pa lang. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi habang inililibot ko ang aking paningin. Doon ko lang din na pansin ang malaking fountain sa gitna na sa tingin ko ay sobrang mamahalin. Nakapalibot naman dito ang mga iba't-ibang klase na mga bulaklak. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang maraming puno na kung saan kami dumaan kanina. Siguro ay bihira lamang ang taong pumupunta rito. Sobrang nakatago talaga ito sa mga tao. Hindi rin ito basta-basta napapasok dahil napakaraming guard na naglalakad dito sa buong resort. Sa hindi kalayuan naman ay nakita ko ang isang cage na may tigre yata iyon. "Anak?" Napalingon ako kay Mommy nang tawagin niya ako sabay haplos sa aking braso. "Bakit po?" Tanong ko sa kaniya at tuluyan na naglakad sa tabi nila. "Ayos ka lang ba?" Tanong nito sa akin bago hinaplos ang aking buhok, "Mukhang kanina pa namin napapasin na hindi ka mapakali." Ganoon ba naging reaksiyon ko? Sa katunayan nga niyan ay excited ako sa beach na ito pagkatapos ay malalaman ko lang na ganoon pala ang reaksiyon ko. Isang marahas na hangin ang aking ibinuga bago ngumiti sa kanila sabay tango. "Siyempre naman po,"tugon ko, "Bakit naman po hindi?" "Akala kasi ng mama mo ay hindi mo na gustuhan itong beach na pinuntahan namin. Nag-alala lang iyan,"tugon ni Daddy sabay tingin sa pinto na nasa harapan namin. Tamang-tama lang din na unti-unti itong bumukas. Bumungad naman sa amin ang ilang mga staff na nakahilera sa gilid ng pinto habang nakayuko. At anong klaseng special treatment ito? Hindi ako sanay sa mga ganitong klaseng paraan ng pagbati ah. "Good Morning, Mr. and Mrs. Domain,"sabay-sabay na bati ng mga ito. Hindi naman umimik sina Mommy at Daddy. Tinignan ko ang mga ito at halos hindi makapaniwala sa aking nakikita. Para silang mga reyna at hari kung umayos ng tayo. Nakahawak ang aking ina sa braso ng aking ama, na kanina lang ay nandito pa naman siya sa aking tabi. Akala ko ba ay bawal gamitin ang kapangyarihan sa labas ng pamamahay namin? Bakit si Mommy? Naku, mamaya, pagsasabihan ko nga iyan. Akala yata niya palulusutin ko siya. Na una na ang mga ito maglakad samantalang ako naman ay nakasunod lamang sa kanila. Umayos na lang din ako ng tayo habang nakasunod sa mga ito. Hindi pa rin tumatayo ang mga staff sa resort na ito kaya hinayaan ko na lang. Naka-suot sila ng kulay pulang pang-itaas at itim na pang-ibaba. Ang mga babae ay naka-pencil skirt, habang naka-pants naman ang mga lalaki. Ang kanilang mga damit ay parang iyong mga suot lagi ng mga flight attendants. Ang ganda nga tignan eh, mas lalong nakakapag-dagdag sa kagandahan ng kanilang resort. Masasabi ko talagang sobrang elegante nito. Paano kaya nalaman nila mommy at daddy ang resort na ito? Eh, hindi naman sila gumagala, hindi rin sila gumagamit ng gadgets para maghanap ng resorts online. "Brother!" Sigaw ng isang lalaki mula sa ikalawang palapag ng entrance na ito. Nakabuka ang mga braso nito na para bang inaaya si Daddy na yumakap. Labis naman ang aking pagkagulat nang bigla na lang itong nawala roon. Saan na iyon? "Mabuti naman at na isipan mo na bisitahin ako rito. Akala ko pa naman ay hindi mo na ako sisiputin pa,"sabi nito at tumingin kay Mommy, "Maganda ka pa rin hanggang ngayon, Mahal na Reyna." "Huwag mo akong binibiro, Bradeth,"saad ni Mommy at umiling. "Bakit naman ako magbibiro sa inyo? Anyway, mabuti naman at napadalaw kayo. Anong masamang hangin ang na higop niyong dalawa?" Tanong nito. Hindi ba ako nito napapansin? Kung sabagay ay nandito nga naman ako sa likuran nila Mommy at Daddy, dagdag pa nila na sobrang taas ng mga ito na halos hanggang balikat lamang yata ako. Gusto ko nga sana tanungin sina Mommy kung saan ko ito nakuha kasi ako lang yata ang may cute na height rito pero, sabi naman nila ay sa oras na umabot ako ng trenta, magiging kasing taas ko na rin sila. Maniwala man. "Nais ng aming anak ang magbakasyon sa isang beach, at wala akong ibang maisip na lugar na sigurado kami sa kaligtasan niya. Kaya napagdesisyunan namin ng aking mahal na dito na lang sa resort mo,"paliwanag ng aking ama, "Mabuti na lang at nandito ka." Kitang-kita ko ang pagtaas ng kilay ng lalaki mula sa space na nasa pagitan nila mommy at daddy. Hindi yata inaasahan ng lalaking ito na isasama ako nila mommy, o hindi kaya ay hindi yata nito alam na may anak na si Mommy.  "May anak na kayo?" Gulat na tanong nito. Nagkatinginan si Mommy at Daddy at sabay na napa-iling, "You know what? Ayan ang napapala mo dahil hindi ka na bumibisita sa amin noon. Parati ka na lang kasi nandito sa mortal,"tugon ni Mommy, "Pero sasagutin ko na ang tanong mo, oo at may anak na kaming dalawa. Anak.." Lumingon si Mommy at Daddy sa akin sabay ngiti. Kumalas si Mommy sa pagkakahawak kay Daddy atsaka lumapit sa akin. "This is our daughter, Attira,"pagpapakilala ni Mommy. Gulat na napatingin naman sa akin si Bradeth kaya ngumiti lamang ako, "Sigurado ba kayong anak niyo ito?" Gulat at seryosong tanong nito. Napakunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi, "Ang gandang bata." "Alam namin, mana kasi sa ina,"ani ni Mommy, "Pero, hindi mo ba kami yayayain na pumasok muna at dalhin sa aming mga silid? Siguro naman ay na isip mo na mahaba-haba rin ang byahe namin?" Napakamot naman sa ulo itong si Bradeth at agad na tumango. Itinaas nito ang kaniyang kanang kamay at labis naman ang aking pagtataka sa ginawa nito. Para saan iyon? Isang malakas na hangin ang umihip na naging dahilan ng pagpikit ng aking mga mata, at nang unti-unti ko itong iminulat ay may higaan na sa harapan ko at nasa loob na ako ng malaking silid na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD