Attira: 10

2006 Words
"Ayaw kasi ng Daddy mo na pumunta sa mga ganiyang klaseng lugar kasi natatakot siyang umitim,"paliwanag ng aking Mommy. "Hindi kaya!" Sigaw ni Daddy at tumingin sa akin, "It is just not safe for us to go there." "But hindi ba you promised us?" Tanong ko sa kaniya. Kitang-kita ko namang pagtakip ni Mommy sa kaniyang bibig na para bang pinipigilan nito ang kaniyang pagtawa. Hindi ko alam kung bakit o ano ang dahilan kung bakit na lang ganito ang kinikilos ni Mommy. Talaga bang ayaw ni Daddy na pumunta sa beach? Kung ganoon nga, bakit naman niya sinabi sa amin na pupunta talaga kami? Minsan ay ako iyong na hihilo sa kanila eh. "Bakit po?" Tanong ko. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Daddy at kumalas sa pagkakahawak nila ni Mommy, pagkatapos ay unti-unti itong lumapit sa akin sabay hawak sa aking dalawang kamay. Nakatingin ang mga mata nito sa akin na para bang may gusto siyang sabihin. Ano na naman kaya itong naisipan ni Daddy? Minsan talaga ay hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Gusto ko man tanungin ito pero parang malabo yata na sagutin niya ako. Kakainis naman kasi, bakit ba hindi na lang nila ito ipaliwanag? Nakatitig pa rin ito sa mga mata ko pero hindi ako nagpatalo. Tinitigan ko rin ito pabalik hanggang siya na ang kusang susuko. Nanatili lamanga ng aming titigan ng halos ilang oras bago pa ito bumuntong hininga. "Fine,"saad nito at huminga ng malalim, "We are going to the beach." Hinila ako nito atsaka yinakap. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti ng sobra dahil sa ginawa niya. Sabi ko na nga ba at hindi ako matitiis ni Daddy. Alam kong lahat ng gusto ko ay ibibigay niya, basta hindi lang involve ang buhay ko ang lessons ko. Niyakap ko naman ito pabalik habang nakapikit. "Are you happy now, My Little Princess?" Tanong ni Daddy habang hinahaplos ang aking buhok. "Yes, Dad,"tugon ko. Ilang sandali pa ay kumalas na ito sa aming yakap sabay tingin kay Mommy. Nakatingin lamang ito sa amin pero halata pa rin ang pagpipigil nito sa kaniyang tawa. Ano kaya talag ang dahilan kung bakit ayaw ni Daddy pumunta sa beach? Ayaw na lang kasi nila sabihin sa akin nang magkakaalaman na. Maiintindihan ko naman kung sasabihin nila related ito sa fear ni Daddy, teka, may kinatatakutan ba si Daddy? Sa tingin ko kasi ay wala. "Masaya ka na, mahal?" Tanong ni Daddy habang nakataas ang kaniyang isang kilay. Hindi na napigilan ni Mommy ang kaniyang tawa at bumuhakhak na ng sobra. Ngayon ko lang nakita si Mommy na ganito ka carefree. Iyong parang wala siyang pake sa kung sino man ang makakakita sa kaniya, ang importante ay masaya siya. "Sige, tumawa ka pa,"inis na sabi ni Daddy sa kaniya. Kung si Daddy ang boss dito sa bahay pagdating sa mga maids at iba pa, si Mommy naman ang boss sa pang-aasar sa kaniya. Laging nawawala ang kalmado nitong ekspresyon kapag usapang Mommy na. "Tara na at maghanda. Tumigil ka na sa kakatawa mo riyan,"inis na tugon ni Daddy at hinawakan ang braso nito. Muling lumingon ang aking ama sa akin at ngumiti, "Maghanda ka na rin diyan. Aalis na tayo, 3 hours from now. Okay?" "Okay po,"tugon ko at ngumiti sa kanila. Tuluyan ng lumabas ang mga ito ngunit rinig na rinig ko pa rin ang pagtawa ni Mommy mula sa kwarto ko. Talagang iba ang saya nito kapag nandito si Daddy sa bahay, mahal na mahal yata talaga nila ang isa't-isa. Tumalikod na ako at humarap sa aking walk-in closet. Nakatingin lamang ako sa may pinto nang maalala ko na naman ang isang pahina ng libro na na basa ko. Malabo sa mga demonyo ang magkaroon ng anak. Isa ito sa tinaguriang swerte kapag ito man ay nangyari.  Hindi ko alam kung totoo ba iyon o hindi pero sa tingin ko ay oo. Ramdam na ramdam ko ang importansiya na binibigay ng aking mga magulang sa akin. Ramdam ko kung paano nila ako alagaan at mahalin. Ramdam ko na para bang iniingatan ako ng mga ito. Siguro nga ay impossible magkaroon ng anak ang mga demonyo na tulad namin, at kaya ganito na lang kung turingin ako ni Daddy ay dahil doon. Huminga ako ng malalim atsaka ito ibinuga. Tuluyan na akong pumasok sa aking walk-in closet at hinanda ang maleta na paglalagyan ko ng mga kagamitan ko. Pagkatapos ay kinuha ko na rin ang mga damit na susuotin ko at ilang mga bathing suit. Kinuha ko rin ang ilang sunblock at iba. Isang mahinang katok ang aking narinig mula sa pinto ng aking silid na naging dahilan ng aking pagtayo. "Pasok!"  Ano pa ba ang kulang kong dalhin? May iba pa ba akong nakalimutan? Hindi maari na bibili na lang ako roon, alam kong may pera kami pero hindi ibig sabihin ay iwawaldas ko na lang ito nang basta-basta. "Mahal na Prinsesa." Mabilis akong napalingon sa isang taong nakayuko sa may pinto ng aking silid. Hindi ko nama mapigilan ang mapangiti nang makita si Hill. "Hill,"tawag ko sa kaniya, "Mabuti naman at nandito ka. Kailangan ko ng tulong mo. Hindi ko na kasi alam kung may nakalimutan pa ba akong dalhin o wala na." Umayos na ng tayo si Hill at tumango sa akin. Pagkatapos ay naglakad na ito papalapit sa gawi ko at tinignan ang loob ng aking maleta. Bahagya akong nagulat nang bigla na lang itong lumapit sa isang kabinet at kumuha ng underwear, lotion, brushes, masks, at iba pa. Halos lumuwa ang aking mga mata dahil ang dami ko pa pa lang nakalimutan.  "Ako na po ang bahala rito, Mahal na Prinsesa,"ani nito at tumingin sa akin, "Magpahinga na lang po muna kayo sa inyong silid." Tumango na lamang ako at naglakad na patungo sa aking higaan. Agad akong umakyat sa aking kama hanggang sa unti-unting lumubog ang aking katawan sa higaan. Napakasarap sa pakiramdam na makakatulog ulit ako. Matagal pa naman kami aalis nila Mommy at Daddy kaya may oras pa ako. Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong makatulog. "Mahal na Prinsesa," Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit hindi ko pa masiyadong makita ang nasa paligid ko. Blur pa ang lahat kaya sinubukan ko itong pinikit muli. "Bakit?" Mahinang tanong ko sa kaniya. "Aalis na raw po kayo,"ani nito, "Nasa sasakyan na po ang inyong mga kagamitan at ganoon na rin ang iyong mga magulang. Kayo na lang po ang hinihintay nila." Mabilis pa sa alas kuwatro akong bumangon at napatingin sa oras. Halos dalampung minuto na pala akong late, hindi man lang ako ginising nila Mommy at Daddy. Mabilis na tumakbo ako patungo sa loob ng aking walk-in closet at sinuot ang damit na pinili ni Hill. Pagkatapos ay pinitik ko na lang ang aking daliri at sakto na nakapasok na ako sa sasakyan, ngunit, bakit wala rito sila Mommy? Napahilamos naman ako sa mukha nang ma realize ko na hindi ito ang sasakyan na gagamitin namin. Muli ko na naman pinitik ang mga daliri ko at ngayon ay nasa harapan ko na ang dalawa kong magulang. Nakangiti silang nakatingin sa akin. "Mabuti naman at gising ka na,"sabi ni Mommy, "Mukhang napasarap yata ang tulog mo ngayon, anak."  Bahagya akong napakamot sa aking ulo dahil sa sinabi nito. Unti-unting sumilay sa aking mga labi ang ngiti sabay taas ng peace sign. "Sorry, Mom, Dad. Ang aga ko kasi na gising kanina dahil tumawag iyong dalawa kong kaibigan. Hindi ko naman po inaasahan na mapapasarap ang tulog ko,"paliwanag ko sa kanila, "Pero, aalis na po ba tayo?" "Ayos lang naman, hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo,"sambit ni Dad, "Tara na?" Tumango lamang ang driver atsaka sinarado na ang harang. Malaki naman itong sinasakyan namin, sa katunayan niyan ay may higaan pa ito sa likuran. "Mom, Dad, pwede ba ako matulog doon?" Tanong ko. Ngumiti naman sila at sabay na tumango. "Sure. Gigisingin ka na lang namin kung nandoon na tayo, medyo malayo-layo pa naman ang biyahe kaya magpahinga ka na muna,"tugon ni Mommy. Tumango na lamang ako at naglakad na patungo doon. Pagkatapos ay kinuha ko ang unan na nakaligpit sa isang tabi at inilagay ito sa higaan. Nang tuluyan na akong makahiga ay ipinikit ko na ang aking mga mata. Malabo na makakatulog ako ulit pero susubukan ko lang na magpahinga. Lumipas ang ilang sandali ay hindi pa rin ako makatulog, kaya tatayo na sana ako nang bigla na lang nagsalita si Daddy. "Masiyado ng maraming kumakalaban sa kaharian ngayon,"saad nito, "Kaya karamihan sa kanila ay napatumba na namin at sinira ang kanilang mga tahanan." "Hanggang ngayon ba ay may kumakalaban pa rin sa atin?" Tanong ng aking ina. "Wala ng nagsubok pa pero, iyong mga demonyong kasali sa nangyari sa inyo noong mga panahon na iyon ay pinakulong ko na. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng mga demonyo at nagawa nila iyon,"tugon ng aking ama, "Sinubukan kong tanungin ang isa sa kanila ngunit ang tanging sagot lang ng mga ito ay hindi raw nila alam. Wala silang alam sa possibleng nangyari noong mga araw na iyon. Para raw may nagsasabi sa kanila na atakihin ang kaharian." Natahimik ng ilang sandali ang buong sasakyan. Tungkol saan ang pinag-uusapan nila Mommy at Daddy? Kaharian? Tungkol ba ito sa underworld o ano? Isa pa, gaano ba kataas ang posisyon ni Ama at ganito na lang ang kaniyang kakayahan laban sa mga nag-rebelde? Ang angas siguro ng datingan kapag ganoon. Gusto ko na tuloy pumunta sa underworld at alamin kung anong klaseng posisyon ang mayroon siya. "Possible kaya na bumalik ang tatlong iyon?" Gulat na tanong ni Mommy, "Ngunit, impossible, pagkatapos niyong talunin ang tatlong iyon ay malabong magkakaroon pa sila ng kapangyarihan." "Ayan din ang iniisip ko,"tugon naman ni Daddy, "Ngunit, huwag na muna natin isipin ang tungkol sa bagay na iyan. Mag-enjoy na muna tayo ngayon na kasama natin ang ating anak." Hindi umimik si Mommy sa sinabi ni Daddy. Ayaw ba nila na malaman ko ito? Ano ba ang nangyayari sa underworld? Bakit ba kasi hindi pa ako pwede pumunta roon. "Sa tingin ko ay hindi na ligtas para kay Attira ang lugar na ito. Kailangan na namin lumipat,"sabi ni Mommy. "Ayan nga ang sinasabi ko sa iyo kanina pa,"tugon naman ni Daddy," Huwag kang mag-alala. Lilipat na tayo pagkatapos ng mga araw na ito." Gulat na nakatingin lamang ako sa bubong ng aming sasakyan. Lilipat, kami? Ngunit, saan? Saan kami pupunta? At bakit kailangan pa akong kasama?  Ang dami kong tanong sa aking isipan. Ang dami kong gustong itanong sa kanila pero hindi ko man lang magawang bumangon at harapin sila. Alam ko na kasi ang magiging sagot ng mga ito, alam kong tatalikuran lamang nila ako at hahayaan. Kailan ko pa ba makakamit ang kasagutan? Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago bumangon. Humikab pa nga ako at nag-unat para kunwari ay kakagising ko lang. "Nandito na po ba tayo?" Tanong ko habang kusot-kusot ang aking mata. Lumingon naman sila Ina at Ama sa akin na may gulat na tingin. Ngunit, nang makitang parang kakagising ko lang ay nakahinga rin ang mga ito ng maluwag. Mukhang wala nga silang plano na sabihin sa akin ang totoo. "Wala pa anak,"tugon ni Daddy, "Ngunit malapit na tayo kaya tumayo ka riyan at maghanda na." Tumango lamang ako at tumayo na. Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at napatingin sa bintana. Sobrang dami ng puno nila rito. Tapos may ilan din na may hardin na punong-puno ng bulaklak. Sobrang ganda. "Ano pong lugar ito?" Tanong ko sa kanila. "Nasa loob na tayo ng resort pero mga dalampung minutong travel pa bago tayo makakarating sa mismong resort,"paliwanag ni Mommy, "Tiyak ako na magugustuhan mo ang lugar." Napangiti naman ako dahil sa tugon ni Mommy. Patuloy lamang ako na nakatingin sa mga bulaklak sa labas hanggang sa sumilip ang dagat sa mga punong nakaharang. Para akong bata na umayos ng upo at tuluyan na hinarap ang bintana. Ang ganda...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD