Alas dos pa ng umaga nang magising ako kanina at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin gayong hindi pa naman gising ang aking mga magulang. Wala rin si Hill sa aking tabi dahil panigurado ay tulog pa ito at nagpapahinga. Hindi ko rin siya pwedeng disturbuhin dahil may respeto pa naman ako sa kaniya at isa rin siyang demonyo na katulad ko. Kailangan niya rin magpahinga at kailangan niya rin alagaan ang kaniyang sarili.
Hindi ako spoiled brat na anak at kahit kailan ay hindi ako sanay na kasama ko siya palagi. Sadyang nitong mga nakaraang araw, sa hindi malaman na dahilan. May napapansin daw si Mommy kaya kailangna ako bantayan ni Hill, oh well, kahapon nga ay nakalusot ito sa kaniya. Hindi na lamang ako umangal dahil ito naman iyong makakabuti sa akin. Ito naman iyong bagay na para sa akin.
Unti-unti akong tumayo mula sa pagkakahiga at tinignan ang orasan. Alas tres na ng umaga at alas dos pa noong iminulat ko ang aking mga mata. Halos isang oras din pala akong tumunganga rito sa higaan. Nag-unat muna ako bago ko tinaggal ang kumot sa aking katawan. Pinadulas ko ang aking katawan pababa sa kama at sinuot ang aking tsinelas. Pagkatapos ay unti-unti akong naglakad patungo sa harap ng napakalaking kurtina na ito at binuksan.
Ang Sinag ng malaking buwan ang bumungad sa akin at binati ako ng isang yakap. Kitang-kita ko mula rito ang ganda ng dagat kahit kagabi kung kaya ay tinulak ko ang pinto upang tuluyan na itong mabuksan. Isang malamig at malakas na hangin ang agad na sumalubong sa akin, sa sobrang lakas ay hindi ko napigilan ang sarili ko na mapayakap at mapapikit.
Ilang sandali pa ay nawala rin ito kaya tumayo na ako ng maayos. Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi habang nakatingin dito. Isang ngiti na sigurado akong makikita talaga na masaya ako.
Ang ganda ng buwan ay nagre-reflect sa malinaw at kalmadong tubig dagat. Ang tunog ng mga dahon na tumatama sa isa't-isa habang iniihip ng malamig na hangin at ang warm feeling na pakiramdam sa tuwing natatamaan ako ng sinag ng buwan.
"What a magical place,"bulong ko at naglakad patungo sa dulo ng terrace, "I have never seen such place as wonder and as beautiful as this."
Huminga ako ng malalim at muling ipinikit ang aking mga mata. Pinapakiramdam ang bawat pagtama ng hangin sa aking mukha.
Sa oras na babalik na kami sa underworld ay panigurado, hindi ko na ito mararanasan pa. Hindi ko na ito makikita pa. At lalong-lalo na ay wala na akong makikita na kasing ganda ng lugar na ito.
Hindi naman sa sinasabi ko na hindi maganda ang underworld, ayon lang talaga sa aking nababasa mula sa libro na dinadala ni Daddy rito ay talagang kakaiba ito sa mundo ng mga tao. Kung kaya ay as much as possible, susulitin ko ang bawat araw na nananatili pa ako sa mundong ito.
Magpapaalam pa nga pala ako sa mga kaibigan ko...
"Mahal na Prinsesa?"
Mabilis kong iminulat ang aking paningin at nilingon ang taong bigla na lang nagsalita. Nakita ko naman si Hill na nakatingin sa akin na may halong pagtataka sa mukha. Para bang hindi nito inaasahan na magising ako sa ganitong oras, iyong inaasahan niyang makikita pa akong tulog sa aking silid.
"Hill,"tawag ko rito, "Ano ang ginagawa mo rito? Masiyado pang maaga para silbihan mo ako."
Yumuko lamang ito atsaka itinaas ang kaniyang kamay, pagkatapos ay bigla na lang may lumabas na isang coat sa kamay nito at lumapit sa akin. Inilihad nito ang na kuha nitong jacket.
Ngiting tinanggap ko na lang ito at sinuot.
"Maaga po akong laging nagigising, Mahal na Prinsesa, at ang unang beses na gagawin ko ay ang bisitahin ka rito sa imong silid,"paliwanag nito, "Hindi ko po inaasahan na maaga kayong magigising kaya hindi ako nakapag-handa ng iyong tsaa ng maaga."
"Ayos lang iyon,"tugon ko at ngumiti sa kaniya bago muling tinalikuran at hinarap ang napakagandang dagat sa malayo, "Hindi ko rin naman inasahan na magigising ako ng maaga. Mabuti na lang at nandito ka, at least, bigla akong nakaramdam na safe ako at hindi ko na kailangan pa ng iba pang makakasama."
Iba talaga ang feeling kapag nandito sa Hill, iyon tipong sigurado ako na walang makakasakit sa akin at walang makakagalaw sa isang tulad ko. Hindi naman ako mahina pero kahit ganoon ay hindi ako pwede magpaka-komportable. Hindi ko pa kilala kung sinong demonyo ang kalaban ko at kung anong klaseng demonyo ang mga iyon. Maaring masama, at makapangyarihan. Maari ring may kakaibang kakayahan na pwedeng kontrolin ang mga tulad namin.
Ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang manipulation magics, iyon ang mga klaseng kapangyarihan na kayang kontrolin ang mga tulad namin. Iyong mapipilitan ka na gawin ang isang bagay kahit alam mong labag sa kalooban mo.
Huminga ako ng malalim at naglakad na pabalik sa loob ng aking silid. Hinubad ko na rin ang coat na ibinigay ni Hill at umupo sa aking higaan.
"Nais niyo na po bang kumain ng umagahan, Mahal na Prinsesa?" Tanong nito. Napaisip naman ako at hinawakan ang aking tiyan.
Sa loob ng tatlong araw ay ito pa ang pangunahing pagkain na makakakain ko. Medyo nakakaramdam na rin ako ng pagkagutom kaya mainam na sigurong kumain na ako habang maaga pa. Kung gugutumin man ako mamaya ay sasabay na lang ulit ako kay Mommy at Daddy.
"Sige, Hill. Pwede mo ba akong ipaghanda ng pagkain?" Nakangiting tanong ko. Tumango lamang ito bago yumuko at tumalikod na.
Kinuha ko na lang ang aking cellphone at binuksan ito. Magme-message na lang muna ako sa dalawang iyon habang hinihintay si Hill. Panigurado naman ay gising na sila sa mga oras na ito. Iyon nga lang ay hindi ko alam kung ano-ano na ang ginagawa nila at kung mababasa ba nila ang aking mensahe.
Pinindot ko na ang pangalan ni Laurice at nagsimulang mag-type at compose ng mensahe. Pagkatapos ay siya naman ang pagpindot ko ng send button.
Ilalapag ko na sana ang aking cellphone nang bigla na lang itong nag-ring at nakita ang pangalan ni Laurice. Mapapasabak na naman yata ako sa tawag nito.