Attira: 21

1117 Words
Talagang ayaw kong maniwala sa sinabi ng aking ina pero, wala naman akong nakikitang dahilan para magsinungaling siya. Isa pa, kung talagang hindi ito makatotohanan, kanina ko pa sana napapansin ang hindi pagtingin ng aking ama sa aking mga mata. Ang alam ko lang ay talagang tatlong araw na akong tulog. Tahimik akong umupo ng maayos sa aking higaan. Nakahawak pa rin sa aking noo dahil sa labis na sakit na aking nararamdaman. Huminga ako nang malalim at tinignan silang dalawa. Nag-aalalang nakatingin ang mga ito sa akin na para bang tinitignan kung ayos lang ba ang pakiramdam ko o hindi. "Ayos lang ako, ina, ama,"saad ko, "Hindi niyo po kailangan mag-alala. Sa katunayan niyan ay magaan pa nga ang aking pakiramdam dahil parang nakabawi ako ng tulog. Alam niyo naman po kung ilang araw akong abala sa pag-aaral." Nagkatinginan silang dalawa at ngumiti sa akin. Pagkatapos ay mas lalong lumapit ang aking ina sa aking tabi at hinaplos ang aking pisngi. "Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung hindi ka pa na gising ngayon,"tugon nito sa akin, "Mabuti na lang at na isipan mong imulat ang iyong mga mata." "Alam mo naman ang iyong ina,"dugtong naman ni Ama at tumabi rin sa akin. Hinaplos nito ang aking kamay atsaka hinalikan, "Ayaw na ayaw niyang may masamang nangyayari sa iyo kahit minsan ay nakukulitan siya sa mukha mo." Pinisil nito ang aking ilong na naging dahilan ng aking pagsimangot. Inis na inis akong nakatingin dito atsaka tinapik ang kamay ni Ama. "Nakakainis ka nama po, ama,"ani ko, "Ang bait ko tapos sasabihan mo akong makulit? Nakakatampo na ah!" Tumawa lamang ang aking ama atsaka hinaplos ang aking buhok. Sa mga oras na ito, ramdam na ramdam ko talaga ang pagmamahal na nagmumula sa kanila. Sana ay ganito na lang kami palagi, kompleto, walang kulang. Walang iniisip pwera na lang sa pakikipaglambingan sa isa't-isa. Alam ko naman na mahal nila ako at binibigay nila sa akin ang lahat ng gusto ko, isa na roon ang pagmamahal na kailangan ko bilang anak nila. Si Daddy naman ay lagi nitong ang lahat upang makabawi sa oras na bumalik ito rito sa mundo ng mga mortal. Kahit palagi lamang kaming nag-aaral, ginagawa niya naman ito para maprotektahan ko ang aking sarili kapag wala sila sa aking tabi. Noong una, hindi ko sila maintindihan. Kung bakit ganito na lang sila ka protective at ka-strict pagdating sa lessons ko. Pero ngayon na naranasan ko na nga ang bagay na ito at na punta na ako sa sitwasyon na ito, parang labis akong nagsisi na panay ako reklamo at hindi tinuon ang aking buong atensiyon sa lessons at ilan pa na ibinigay ni Daddy sa akin. "Oo na anak ko,"ani ni Daddy, "Oo nga pala, hindi na tuloy ang outing natin at swimming sa pool nila Bradeth. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Oo nga pala. Kung hindi pa nangyari ang bagay na iyon sa akin ay nag-bonding na sana kami nila Mommy pero, wala muna akong plano manghinayang sa ganoong bagay. Nais kong malaman kung saan galing ang nilalang na nagsabi sa akin na may mga sekretong tinatago ang pamilya ko. Nais kong malaman kung ano iyon at bakit kailangan pa nila itong itago sa akin. Impossible naman kasi na magtatago na lang sila ng basta-basta dahil sa isang mababaw na dahilan, hindi ba? "Anak?" Mabilis akong napalingon sa mga ito na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa akin. Isang ngiti lamang ang aking ibinigay sa kanila. "Bakit po?" Tanong ko rito. "Kanina ka pa namin tinatanong. Ayos ka lang ba o gusto mo pa magpahinga?" Tanong ni Mommy. "Ayos lang po ako,"tugon ko, "Wala naman po seryoso nangyari sa akin. Isa pa po, hindi naman po ako nasaktan. Siguro ay na gulat lamang ang aking katawan at hindi alam kung ano ang gagawing reaksiyon." Sabay na napatango ang dalawa at ngumiti sa akin, "Mabut naman kung ganoon,"ani ni Mommy, "Ngunit, magpahinga ka na muna diyan. Bukas na bukas din ay magpapatuloy na tayo sa ating bonding dito sa resort dahil sa oras na uuwi tayo ay magiging abala na tayo sa pag-eempake."  Tumayo na si Mommy at sumunod na rin naman si Daddy. Lumapit ang aking ama sa kaniya at hinawakan ang bewyang nito, hindi naman mapigilan ni Mommy ang mamula at sabay iwas ng tingin. Napaghahalataan na kinikilig ito sa kinikilos ni Daddy eh. Ayaw na lang talaga sabihin ang totoo kay Daddy, kung sabagay lagi naman siya nitong inaasar kaya ganoon na lang siguro. "Oo nga pala, anak. Excited na ang mga tita at tito mo na makilala ka,"sambit ni Daddy at ngumiti sa akin. Napataas naman ang isang kilay ko at nagtatakang napatingin sa kaniya. Anong ibig sabihin ni Daddy sa tito at tita? May ganoon ba ako? "Wala po akong kilalang tito o tita sa buong buhay ko. Wala nga po akong napapansin na may pumupunta sa bahay para bisitahin tayo kaya inakala ko ay wala tayong kakilala rito, bukod sa mga kaibigan ko na palaging absent sa klase,"paliwanag ko, "Isa pa, kung mayroon nga naman. Ibig bang sabihin nito ay nakatira sa underworld at hindi rito sa mortal?" Nagkatinginan naman ang dalawang magulang ko at napahilamos sa kanilang mga mukha. "Hindi mo ba napakilala sa kaniya?" Tanong ni Mommy. "Hindi ba at ikaw ang dapat gumawa niyan? Ikaw iyong nandito kaya sana naman ay pinakilala mo ito sa anak natin,"tulak naman ni Daddy. Ay. Mukhang nakalimutan pa nga ng dalawang ito ang dapat nilang gawin at ipakilala ang mga tinatawag nilang tito at tita ko. Bumuntong hininga si Daddy at ngumiti sa akin, "Pagpasensiyahan mo na at masiyadong matanda na itong iyong ina at nakalimutan na ipakilala sa iyo,"ani ni Daddy. Halos mamilipit naman ito sa sakit nang bigla na lang siyang lumipad sa kabilang bahagi ng silid. Doon ko nakita ang nakataas na kamay ni Mommy habang ngising nakatingin sa kaniya. Sabing huwag sabihin na matanda na si Mommy eh. Alam naman niya kung ano ang nangyayari kapag ganoon. Minsan talagay ay hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Dad. "Ipapakilala ko rin sila sa iyo, anak. Sa ngayon ay magpahinga ka na muna riyan,"ani ni Mommy habang nakangiti sa akin. Pagkatapos ay ibinaling nito ang kaniyang atensiyon kay Daddy na kung saan ay abala ito sa pag-pagpag ng mga alikabok na naka-dikit sa kaniyang damit. Masama niya itong tinignan bago muling tinalikuran at tuluyan ng lumabas sa silid. "Mahal!" Tawag ni Daddy, "Alis na ako, anak. Mukhang maabutan pa yata kami ng kinabukasan bago magkakabati." Agad na tumakbo ito palabas ng silid at malakas na sinarado ang pinto. Napa-iling na lamang ako at muling humiga sa aking kama upang magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD