Padabog na ibinaba ko ang aking cellphone dahil sa labis na inis na aking nararamdaman ngayon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa dalawang iyon. Kung pwede ko lang gamitin ang aking kapangyarihan sa kanila ay ginawa ko na kaso, ayaw naman ni mama na gawin ko iyon. Alam kong ako iyong mapapagalitan. Huminga ako ng malalim bago umupo mula sa pagkakahiga.
Masamang nakatingin lamang ako sa pinto at tinignan ito ng maigi. Hindi nagtagal ay bigla na lang nagbago ang aking paligid. Ang kaninag maingay na tunog na nagmumula sa aircon ay napalitan ng katahimikan, bigla na rin naging kulay asul ang mga ding-ding at kagamitan ko rito. Lumipas ang ilang sandali ay mistulang naging isang invisible ang lahat ng dingding at pinto rito. Kitang-kita ko ang lahat ng mga taong dumadaan sa harap ng aking kwarto.
Ang dalawang yaya na nag-aalaga sa akin, tapos ay bumaba ang aking paningin patungo sa sala ng aming tahanan. Doon ko nakita ang aking ina naka-upo lamang sa sofa habang binabasa ang isang magazine. Napatingin ito sa gawi ko at ngumiti.
"Your friends are coming,"sabi ni Mommy habang nakatakom ang kaniyang bibig. Kitang-kita ko ang mapang-asar nitong mga ngiti bago kinuha ang kaniyang tsaa at ininom.
"You never said that they will come here,"reklamo ko sa kaniya, "Plano ko pa naman sana ang magpahinga pero hindi ko na magagawa kasi hindi niyo naman sinabi sa akin."
"You will be fine,"ani nito at tumingin sa may pinto, "They are here, now, behave yourself."
Pinitik ng aking ina ang kaniyang daliri at kasabay nito ang pagdilat ng aking mga mata. Napahiga pa nga ako sa aking kama dahil sa malakas na pwersang tumulak sa akin.
Kahit kailan talaga itong ina ko!
Inis na tumayo na lamang ako mula sa aking higaan at tumakbo patungo sa walk-in closet ko. Hinubad ko na ang damit na pantulog ko sana at nag-suot ng maayos na pambahay na damit.
Panigurado ay nasa baba na ang mga iyon at papunta na rito. Hindi na ako magugulat kung maya-maya ay maririnig ko na lang ang mahihinang katok na magmumula sa aking pinto, at bubungad dito ang nakangiting mukha ng dalawang iyon. Hindi ko talaga naiintindihan kung anong nasa utak ng mga iyon. Hindi sila pumasok sa school kanina kasi nga raw ay sabay silang nagkasakit tapos ngayon, heto sila sa bahay ko at nambubulabog. Gusto pa yatang disturbuhin ang tahimik kong pamamahinga.
Sinuot ko na lang ang aking shorts at inayos ang pagkakatali ng aking buhok. Pagkatapos ay lumabas na ako mula sa aking closet at lumapit sa isang kabinet na nasa tabi lamang ng aking study table.
"Corium,"bulong ko sabay taas ng aking kamay. Bigla naman bumukas ang dingding sa likod ng kabinet atsaka ito unti-unting umatras papasok doon. Hindi ito pwedeng makita ng dalawa. Dito ko nilalagay ang mga kagamitan ko bilang isang demonyo. Dito ko nilalagay ang mga kailangan ko sa tuwing nagkakaroon kami ng lesson ng aking ina o kapag may dalang pasalubong ang aking ama.
Saktong-sakto lang na natapos ko na rin itago ang kabinet ay nakarinig ako ng mahihinang katok mula sa pinto. Huminga muna ako ng malalim bago ko inilibot ang aking paningin at tinignan kung may nakalimutan pa ba akong itago.
Mukhang wala na naman ata, siguro ay ayos na ito. Unti-unti akong naglakad papalapit sa harap ng aking pintuan bago ko ito dahan-dahan na binuksan.
"What?" Inis na tanong ko.
Bumungad sa akin ang aking yaya na si Prescilla. Yumuko ito nang makita ako kaagad, "Your friends are waiting,"saad nito.
"I will be right there. Tell them to wait for me,"sabi ko bago ko muling sinara ang pinto at tumalikod na.
Nakahinga ako nang maluwag ng hindi na sila pumunta pa rito. Baka kasi ay maging kagaya na naman noon na ginulo nila lahat ng gamit ko upang tignan lamang kung may tinatago ba ako. Mabuti na lang talaga at niligpit ko na ang lahat ng pruweba na isa akong hindi mortal.
Lumapit ako muli sa malaking salamin dito sa aking silid at tinignan ang aking suot. Ayos na ito, hindi nagtagal ay lumabas na ako mula sa aking silid. Agad akong dumeritso sa theatre room na kung saan ay paboritong-paborito ng dalawa.
Wala nga raw silang ganoon. Gusto nga sana nilang hingin iyon sa mga magulang nila dahil mayaman naman ang mga iyon pero hindi raw sila pinayagan. Paano ba naman, panigurado nga kasi na hindi nila ito titigilan hangga't hindi pa nila natatapos ang buong series. Isa pa, sigurado ako na araw-araw na silang absent kapag nagkataon. Walang takot kasi iyang mga iyan sa kanilang mga grades pero, hindi ko naman sila masasaway. Kahit ganiyan sila ay halos perfect naman lahat ng subjects namin kapag may pasulit kami sa paaralan. Noong una ay pinapagalitan pa sila ng guro namin, ngunit, dahil siguro ay ang tagal na namin magkakasama. Nasanay na ang mga ito.
"What are you doing here?" Inis na tanong ko. Sabay na napatingin ang mga ito sa akin habang sobrang lawak ang kanilang mga ngiti.
"Why? Don't you miss us?" Tanong ni Laurice.
"Talagang inasahan namin na miss na miss mo na kami dahil linggo na tayong hindi nagkita but, We think that it is quite the opposite,"ngiting saad naman ni Khrisna.
Napa-irap ako sa kawalan dahil sa sinabi nila. Minsan talaga ay napapanganga na lang ako dahil hindi ko alam kung saan nila nakuha ang confidence nila. Sobrang taas ba naman kasi.
"Shut up,"sabi ko at naglakad na papalapit sa mga ito. Doon ko lang din na pansin ang napakaraming pagkain na nasa aming harapan. Hindi ko na nga alam kung ano-ano itong nandito dahil sa sobrang dami, "Saan ba kayo pumunta at bakit ngayon pa lang kayo bumalik? Did you know that malapit na ang exam natin?"
"Exams and lessons are boring,"sambit ni Laurice at sumandal sa upuan, "But don't worry, we studied already."
"We went to my mom's house in province,"paliwanag ni Khrisna, "The beach there is so beautiful. I wish to stay there more but we thought that it might be a good idea if nandoon ka."
"So iniisip niyo pala pa rin ako,"sarkastiko kong tanong, "Anyway, pumasok na kayo."
"Should we?" Tanong ni Khrisna kay Laurice.
Napatingin naman si Laurice sa akin na para bang nagtatanong kung seryoso ako sa sinabi ko. At dahil nga sa ayaw ko naman na bumagsak ang mga ito, nagpapa-awa ako ng mukha sa kaniya para labanan niya ako.
"Fine,"ani nito, "Papasok na tayo."
Napangiti naman ako dahil sa sinabi nito. Mabilis ko silang dinamba ng yakap bago sila pumalag pa.
"Yeah, Sabi ko naman sa iyo na tama ako,"ani ni Khrisna.
"Tama?" Tanong ko at kumalas na sa yakap naming tatlo.
"You missed us,"ani nito.
"Whatever,"sabi ko at napairap na lang.
Nagpatuloy kami sa pagkwe-kwentuhan tungkol sa mga nangyari sa buhay namin. Na ikwento ko rin sa kanila ang nangyari sa school habang wala pa ang mga ito. Hindi ko alam kung interesado talaga ang mga ito na makinig o ano, ngunit, habang nagkwe-kwento naman kasi ako ay nakatuon lang ang kanilang atensiyon sa akin. Para bang seryoso silang nakikinig sa mga nangyari sa buhay ko at sa mga kaklase namin.
Ilang sandali pa ay na tapos na rin kaming tatlo sa pagkwe-kwentuhan, kung kaya ay napagdesisyunan na lang namin na manood ng magandang movie.
Hindi ko naman maiwasan ang mapatingin sa kanilang dalawa. Alam kong naging malapit na kaming tatlo sa isa't-isa, ngunit, iyon nga lang ay hindi ko kayang sabihin sa kanila ang totoo kong pagkatao o kung sino talaga ako. Ilang beses ko na rin naman sinubukan pero sadyang may pumipigil lang talaga sa akin na hindi tama itong ginagawa ko.
Na dapat ay itago ko na lang sa kanila ang totoo.
"That stupid girl, she should have killed that monster,"ani ni Laurice habang nakaturo sa babae na nasa screen.
Ito iyong babaeng kaibigan ng bida na may tinatagong sekreto. Ang kaibihan lang ay isa siyang witch at hindi ito alam ng bida. Nais sabihin ng kaniyang kaibigan sa kaniya ang totoo pero ayaw niyang magalit ito o pandirian.
"Hindi naman kasi madali ang sitwasyon ng babae,"ani ni Khrisna, "Huwag mo naman patayin agad. Ang sama mo talagang tao, kahit saan ka ilagay ay p*****n lang ang nasa utak mo."
"She should not have kept it as a secret,"ani nito, "Kas magkaibigan sila eh. Kaya dapat ay honest sila sa isa't-isa, hindi iyong tinatago niya ang totoo niyang pagkatao. Kung real naman ang bida sa babae, hindi naman niya iyan pandidirihan. Sigurado ay tatanggapin pa nga niya iyan. Hindi ba, Attira?"
Nagulat naman ako nang bigla na lang silang lumingon sa akin. Tumikhim muna ako bago umayos ng tayo at ibinalik ang aking atenisyon sa screen.
"Aba malay ko, nasa script naman iyan,"tugon ko sa kanila.
"Alam mo? Ang epal mo, sagutin mo na lang kung ano ang opinion mo tungkol dito,"inis na sabi ni Khrisna.
"Para sa akin? Siguro ay maiintindihan ko naman ang babae. Hindi naman kasi madali para sa kaniya na sabihin ang sekreto niya sa kaniyang kaibigan, siyempre, natatakot itong pandirihan o hindi tanggapin. Ayaw lang niya masira ang samahan nila,"sagot ko rito.
"Oh ano na? Magkaparehas kami ni Attira. Ikaw kasi eh, ang kitid ng utak mo,"sambit ni Khrisna. Inirapan lamang ito ni laurice at nagpatuloy na kami sa panonood.
Hindi ko naman maiwasan ang sarili ko na mapatingin kay Laurice. Mukhang sa dalawang ito ay mahihirapan akong ipaliwanag ito kay Laurice. Hindi ko na tuloy alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang too o dapat ko ba talagang sabihin sa kaniya ang buong pagkatao ko.
Siguro sa ngayon ay itago ko na lang mun ang tungkol sa akin. Sa ngayon ay itago ko na lang muna kung ano talaga ako. Sa ngayon ay akin-akin muna ito, siguro naman ay darating din ang panahon na kung saan ay masasabi ko rin sa kanila ang totoo, at sana, sana sa oras na iyon ay matanggap ako ni Laurice at Khrisna. Sana ay kaibigan pa rin ang turing nila sa akin kapag nagkataon. Sana ay hindi nila makakalimutan ang mga pinagsamahan dahil lamang sa ginawa ko. Sana ay kaya nila akong patawarin pagkatapos kong sabihin ang totoo.