"Okay, class dismissed. Make sure to submit your assignments on or before 12 am tonight,"sabi ng aming guro bago nito sinara ang kaniyang dala-dalang libro.
Hindi ko talaga maintindihan ang paraan ng kanilang pagtuturo rito. Sa loob ng halos ilang taon ko rito ay ngayon pa lang ako nakakasalamuha ng guro na magpapa-assignment pero ipapasa namin the same day, not totally the same day kasi naman 12 am na iyon, which means, ibang date na iyon.
Alas tres na ng hapon kaya oras na para mag-empake at umuwi sa bahay. Gusto ko na humiga sa aking kama at matulog. Sapagkat, panigurado ay may lesson na naman kami ni mommy mamayang gabi. Ipinasok ko na sa aking bag ang mga gamit na ginamit ko habang nagle-lesson kami. Karamihan sa mga estudyante rito ay kaniya-kaniyang lapit sa kanilang mga kaibigan at nagyayayaan ng gala sa kung saan-saan.
Sa katunayan niyan ay wala talaga akong kasama rito o kaibigan man lang. Hindi ko alam kung bakit parang nilalayuan yata nila ako. Siguro ay dahil na rin sa hitsura ko. Ayon sa kanila sobrang ganda ko nga raw, ayon nga lang at suplada akong tignan at parang handa makipag-away ano man oras mula ngayon. Masisisi ba nila ako kung sadyang ganito lang talaga ako makatingin sa mga tao?
Huminga ako ng malalim bago ako tumayo, kinuha ko na ang aking bag at sinabit ito sa aking balikat. Pagkatapos ay tinulak ko na ang aking upuan bago nagsimulang maglakad papalabas ng classroom. Halos lahat ng tao rito sa silid aralan ay napapatingin sa akin. Noong una ay naninibago pa ako sa mga tingin nila ngunit nang lumipas ang ilang taon ko na pamamalagi rito ay nasasanay na ako. Hindi ko na lamang sila pinansin at tuluyan ng lumabas sa classroom ko.
Bumungad sa akin ang napaka-ingay na hallway. Sa sobrang ingay nito ay parang maihahalintulad ko na ito sa isang palengke. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapangiwi at mairita.
Ipinikit ko ang aking mga mata at kasabay nito ang pagpitik ko sa aking daliri. Sabay-sabay naman na napatigil ang lahat at naging estatwa. Isang ngiti ang gumuhit sa aking mga labi bago ako nagsimulang maglakad papaalis sa lugar na ito.
Ang sarap lang sa pakiramdam na magkaroon ng kapangyarihan. Ano pa ba ang aasahan sa isang katulad ko?
Isa akong anak ng mag-asawang galing sa impyerno, kung kaya ay may kakaiba kaming kakayahan na wala sa ibang mortal na tao. Ngunit, iyon nga lang ay hindi ito alam ng mga tao sa mundong ito. Hindi nila alam na may kaklase pala silang may kapangyarihan.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa harap ng aking sasakyan. Lumabas mula roon ang aking driver na naka-suot ng suit.
"Magandang Hapon, Miss,"bati nito sa akin sabay yuko. Tumango lamang ako sa kaniya at muling pinitik ang aking daliri.
Nang dahil doon ay bumalik sa dati ang lahat. Nagpatuloy sa pag-ikot ang oras at nagpatuloy na ang mga estudyante sa kanilang ginagawa. Lumapit sa aking ang driver at kinuha ang aking bag, hinayaan ko na lamang ito at pumasok na sa loob ng sasakyan.
Agad akong napa-sandal sa upuan sabay pikit ng aking mga mata.
Sa wakas ay makakapagpahinga na rin ako.
"Nasa bahay ba si Mommy?" Tanong ko sa aking driver.
"Yes, Miss,"tugon nito.
Hindi na lang ako umimik hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
"Attira Domain!"
Mabilis akong napabangon mula sa aking pagtulog at nakita ang aking ina na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Nagtatakang napatingin naman ako sa kaniya sabay libot ng aking mga mata sa paligid. Doon ko lang na pansin na nakarating na pala kami sa harap ng aming bahay. Hindi man lang ako ginising.
"Hi Mom,"bati ko rito sabay ngiti sa kaniya.
"Did not I warned you about your power?" Tanong nito sabay tingin sa akin ng masama, "Alam mong hindi mo pwede gamitin ang iyong kapangyarihan sa oras na nasa labas ka ng pamamahay na ito!"
Umayos ako ng upo atsaka unti-unting dumulas papalabas ng sasakyan. Hindi ko naman maiwasan ang mapakamot sa aking ulo dahil sa sinabi nito.
Paano kaya niya nalaman na ginamit ko na naman ang kapangyarihan ko? Wala naman nagbabantay sa akin sa aming paaralan. Hindi rin siguro nakita iyon ng driver ko, but how?
"What?" Gulat na tanong ko, "Hindi ko po alam kung ano ang ibig niyong sabihin."
Mabilis kong iniwas ang aking paningin at sinubukan na huwag salubungin ang galit na galit na mga titig ng aking ina.
"Maari kang magsinulang sa ibang tao pero huwag sa akin na ina mo,"saad nito, "Hindi mo man alam pero nalalaman ko kung ginagamit mo ba ang iyong kapangyarihan o hindi. Sinabi ko na naman sa iyo na bawal iyan, hindi ba?"
Here we go again.
"They are too noisy!" Tugon ko, "Mom! Alam niyo nama po na ayaw na ayaw ko sa lugar na sobrang ingay at gulo. I just want to get home fast! I want to rest so bad."
"Still!" Saad nito, "You must not use your power in public. Hindi natin alam, baka may mga taong galing sa mundo natin at dalhin ka pabalik doon."
Bumuntong hininga na lang ako nang makita kong bigla na lang na lungkot ang ekspresyon sa mukha ng aking ina. Naiintindihan ko naman ang nais niyang iparating. Lumapit ako rito at niyakap siya, hindi naman nagtagal at niyakap din ako nito pabalik. Hinaplos nito ang aking buhok at likod.
"Ayaw ko lang na may masamang mangyari sa iyo,"sabi ng aking ina.
"I understand, Mom. I am sorry po,"paghihingi ko ng paumanhin.
Sometimes, mom are so over protective but I understand. Nanatili lamang kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto bago ko pa na isipan na kumalas sa aming yakap. Oo nga pala, may gusto pa pala akong itanong sa kaniya.
"Mom, I have a question,"sambit ko.
Itinaas ni Mommy ang kaniyang kamay sabay haplos sa aking mukha. Kinuha nito ang ilang hibla ng aking buhok na nakaharang sa aking mukha at inilagay sa likod ng aking tenga.
"Ano iyon?" Tanong nito.
"Tuturuan niyo po ba ako mamaya?" Tanong ko sa kaniya, "I mean, hindi ba at tinapos na natin lahat ng lessons na kailangan ko makuha?"
"You mean enhancing your power?" Pasisigurado nito. Marahan akong tumango sa kaniya sabay ngiti.
"No,"tugon niya, "You have your whole week to take a rest. Wala muna tayong lessons this week."
Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapangiti at mapatalon sa tuwa. Muli ko siyang yinakap bago tumakbo papasok sa aking kwarto. Ngayon ay pwede ko ng gawin ang aking assignment at magpahinga buong gabi.
"But you must eat your dinner later!" Rinig kong sigaw nito.
"Yes, mom!" Sigaw ko.
Mabilis akong tumakbo papasok sa aming bahay. Sobrang lawak kasi ng sala na ito kahit kami lang naman dalawa ni Mommy at iilang maids ang nandito.
Hindi nagtagal ay sa wakas ay nakarating na rin ako sa harap ng aking silid. Agad kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Bumungad sa akin ang napakalamig na hangin na nagmumula sa loob ng aking kwarto.
Naku naman, nakalimutan ko na naman patayin ang aircon kaninang umaga.
Hinayaan ko na lang ito at lumapit sa lalagyan ng aking mga bag. May isang daan akong school bag dito na bili ni mommy. Ewan ko ba kung bakit halos linggo-linggo na lang yata niya ako binibigyan nito.
Kinuha ko na lang ang aking notebook at naglakad patungo sa aking study table. Binuksan ko na agad ang aking laptop at nagsimulang magtipa sa aking keyboard.
Hindi naman ito masiyadong mahirap kaya na tapos ko rin siya agad pagkatapos ng isang oras. Agad kong tinignan ang sinasabing email ni Sir at inu-upload ang file na ginawa ko. Naghintay pa ako ng ilang minuto at halos mapasigaw ako nang makita ang reply ni Sir.
"Received. Well done, Miss Domain."
Finally!
Mabilis akong tumakbo patungo sa aking walk-in closet at kumuha ng pantulog na damit. Pagkatapos kong makapili ay dumeritso na ako sa banyo upang maligo. Lumipas lamang ang ilang sandali ay na tapos na rin ako. Agad akong dumeritso sa aking higaan at tumalon patungo rito.
Sa lahat ng na gawa ko these past few weeks, siguro ay deserve ko na naman ang magpahinga. Iyon nga lang ay kung walang lapastangan ang magdi-disturbo sa akin ngayon.
Hindi ko pa nga napipikit ang aking mga mata ay siya naman ang pag-ring ng aking cellphone. Inis na napatingin ako rito at tinignan kung sino ang tumatawag sa akin.
"Bakit?" Tanong ko pagkatapos kong sagutin ang tawag.
"Ang sungit mo naman yata ngayon, Attira,"natatawang sambit ng aking kaibigan.
"Ano ba kasi ang kailangan mo? Matutulog ako eh,"inis na saad ko at kumuha ng unan.
"Anong matutulog? Hoy! Ang aga pa babae, naku naman huwag kang tamad diyan!" Sigaw naman ng isa pa nitong kasama.
Doon ko lang na pansin na nasa sasakyan pala ang mga ito. Saan na naman kaya sila papunta?
"Manahimik kayo, saan na naman ang gala niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Saan pa ba?" Ani nito, "Siyempre bubulabugin ka namin. Sabi naman ni Tita ay ayos lang daw na pumunta kami riyan."
Hindi ba at sabi ni Mommy na wala kaming lessons...teka...
Kaya pala wala kaming lessons kasi alam ni Mommy na pupunta ang dalawang 'to ngayon. Sa daming tao sa aming paaralan, ito lang dalawa ang naging tunay kong kaibigan. Hindi nila alam ang tungkol sa pagkatao ko at wala rin akong plano na sabihin sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na mahihirapan silang tanggapin kung ano talaga ako. Sabi naman ni mama ay sabihin ko na sa kanila pero, para sa akin ay masama itong ideya.
Alam ko na kasi kung paano tumakbo ang utak ng mga mortal.
"Bakit dito pa? Huwag na kayo tumuloy,"sabi ko sa kanila at inilagay sa phone stand ang aking cellphone.
"Wether you like it or you like it, you will like it,"ani ng kasama ng taong tumawag sa akin.
"Anong klaseng phrase 'yan?" Tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isa kong kilay.
"Magandang phrase--ay teka, nandito na pala kami. See you in a bit!" Sigaw nito bago pa pinatay ang tawag.
Napahilamos naman ako sa mukha dahil panigurado ay wala akong pahinga nito.