Lumipas na ang ilang araw ay kabuwanan na rin ni Morgana. Nasa kwarto lang ito at naghahanda para sa nalalapit niyang panganganak. Kumpara sa mga tao, malalaman at malalaman ng mga demonyo ang tiyak na oras kung kailan ito manganganak. Sa sitwasyon ni Morgana ngayon, ay alam nitong dalawang oras na lang at manganganak na rin siya. Aligaga at hindi ito mapakaling naka-masid sa labas ng kaniyang bintana. Sapagkat kinakabahan ito sa possibleng mangyari sa oras na siya ay manganganak na.
"Mahal na Reyna," tawag ng kaniyang katulong na nag-aalalang nakatingin dito, "Kailangan niyo po magpahinga."
Hindi ito pinansin ni Morgana, sa halip ay patuloy lang itong pabalik-balik na nagmamasid sa bintana. Sinisigurado nitong walang kahit na sinong tao ang makakapasok sa loob ng kastilyo.
"Tawagin mo si Danilo," utos ng reyna, "Sabihin mo na kailangan ko siya rito. Ngayon na!"
"Masusunod po," tugon ng babae at yumuko bago lumabas ng silid. Mabilis na sinarado ni Morgana ang pinto ng kaniyang kwarto atsaka ito bumalik sa kaniyang kama. Kagat-kagat nito ang kaniyang kuko habang nanginginig ang kaniyang mga paa. Mabilis din ang pintig ng kaniyang puso, na akala mo ay ano mang oras mula ngayon ay possible na itong himatayin.
Lumipas ang ilang sandali ay bigla na lang may kumatok sa pintuan. Ipinikit ni Morgana ang kaniyang mga mata at sinusi muna kung sino ang nasa labas ng pinto. Nakita nito ang presensiya ng kaniyang asawa at ganoon na rin ang presensiya ng kawal na pinapatawag niya. Mabilis na tumayo si Morgana at lumapit sa pinto. Itinaas niya ang kaniyang kamay na naging dahilan upang kusa itong bumukas.
"Bakit mo pinapatawag si Danilo, Morgana?" Nag-aalalang tanong ng kaniyang asawa na si Azazel, "May nangyari ba?"
Hindi masagot ni Morgana ang kaniyang asawa at agad na umiwas nang tingin. Hindi nito alam kung ano ang kaniyang sasabihin dahil ayaw niya naman isumbat sa harapan nito na kinakabahan siya. Ang reyna ng Underworld ay, kakabahan?
Lumapit si Azazel sa kaniyang asawa at unti-unti itong yinakap. Napa-pikit ang mga mata ni Morgana at ninanamnam ang sarap nang yakap ng hari. Unti-unti na siyang kumalma at naka-hinga nang maluwag.
"Nais ko lang na may makasama rito sa silid," paliwanag nito at kumalas sa yakap, "Wala ka rito kanina kaya na isipan ko na si Danilo na lang ang aking tatawagin."
Kunot-noong napatingin si Azazel sa kawal na ngayon ay nakayuko lamang sa kaniyang likuran. Hindi masisisi ni Azazel si Danilo gayong ito naman ang kapatid ng kaniyang asawa. Muling hinila papalapit ni Azazel si Morgana atsaka ito siniil ng halik. Lumipas ang ilang minuto ay sabay na lumayo ang dalawa sa isa't-isa habang hinahabol ang kanilang hininga.
"Nandito na ako, Mahal," sabi ng hari, "Ako ang bahala sa iyo."
Iginaya ni Azazel ang kaniyang asawa patungo sa kanilang higaan at hinaayan muna itong magpahinga. Sinenyasan ng hari ang kaniyang mga katulong at gayon na rin si Danilo na lumabas. Yinakap ni Morgana si Azazel habang nakapikit ang mga mata nito.
"Natatakot ako," sabi ni Morgana. Hinaplos lamang ni Azazel ang buhok ng kaniyang asawa atsaka siniil ng halik ang noo.
"Nandito na ako," tugon niya, "Naka-handa na rin ang mga pinuno at ilang mga kawal natin sa labas. Hindi mo na kailangan pa mag-alala, sabi ko naman sa iyo at ako ang bahala. Hindi ba?"
Hindi mapigilan ni Morgana ang tumango at mas hinigpitan ang yakap kay Azazel. Nanatili lamang ang dalawa sa ganoong posisyon sa loob ng halos dalawang oras, nang biglang makaramdam nang pagsakit ng tiyan si Morgana. Doon nila na pansin na sobrang basa na pala ng kanilang higaan.
"Nasaan na ang magpapa-anak sa aking asawa?!" Sigaw ni Azazel, mabilis na bumukas ang pinto at pumasok ang limang babae sa loob. Agad itong lumapit kay Morgana upang alalayan siya sa panganganak.
"Kailangan niyo po muna lumabas, Mahal na Hari," sabi ni Helltaker at yumuko sa harap nito. Pinagkakatiwalaan ni Azazel si Helltaker, kung kaya ay mabilis itong tumango at tinignan muna nito ang naghihirap niyang asawa bago lumabas ng silid. Bumalik na si Helltaker sa harap ng reyna at sinimulan na ang nararapat na gagawin.
"Kailangan niyo po huminga nang malalim bago kayo umere, Mahal na Reyna," sabi ni Helltaker sabay kuha nang maligamgam na tubig at ilang malinis na tela, " Naiintindihan niyo po ba ako?"
Nahihirapan man ay tumango lang si Morgana habang naka-pikit ang kaniyang mga mata.
"Sa pagbilang ko ng tatlo ay, umere na po kayo." Ani nito, "Isa."
"Dalawa, tatlo."
Kasabay ng pag-sambit ni Helltaker sa pangatlong bilang ay siya naman ang pag-ere nang mahal na reyna. Na ulit pa ito nang tatlong beses bago narinig ang malakas na iyak ng isang sanggol, at ang malakas na pagkulog sa labas ng kanilang palasyo, kasabay nito ang pagtaas ng apoy na pumapalibot sa kaharian. Hindi mapigilan ng hari ang magulat sa nangyayari sa kaniyang paligid, at agad din napangiti nang mapagtanto nitong lumabas na ang kaniyang anak.
Ibinigay ni Helltaker ang anak ni Morgana na naka-balot na ngayon sa isang mamahaling tela. Hindi mapigilan ni Morgana ang hindi mapangiti nang makita ang malusog nitong anak na babae.
"Napakagandang bata," bulong ni Morgana at hinaplos ang pisngi nang kaniyang anak.
Napangiti ang lahat nang tao na nasa loob ng silid habang nakatingin sa mag-ina. Hindi nila maipagkakaila ang kagandahan na taglay nang prinsesa. Mapupulang mga pisngi at labi. Sobrang puti at kinis din ng kaniyang balat. Masayang minamasdan lamang ni Morgana ang batang babae nang bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok ang asawa nitong si Azazel. Kitang-kita ang sabik sa mga mata nito habang inililibot ang kaniyang paningin.
"Bawal pa po kayong pumasok, mahal na hari," pagpipigil ni Helltaker. Ngunit, hindi nakinig si Azazel at nagpatuloy pa rin sa kaniyang ginawang pagpasok nang walang pahintulot.
"Hindi na kailangan itago ang parte na iyan," sabi ni Azazel kay Helltaker na abala sa pagtakip sa pribadong parte ni Morgana, "Nakita ko na 'yan at matagal na."
Mabilis na tumabi si Azazel kay Morgana atsaka hinalikan ang noo nito. Ibinaling naman nito ang kaniyang paningin sa batang karga-karga ni Morgana at mas lalong lumawak ang ngiti sa kaniyang mga labi.
"Ito na ba ang anak ko?" Tanong nito. Ibinigay naman ni Morgana ang kanilang anak at tumango.
"Ayan na nga siya, Azazel," nanghihinang tugon ni Morgana.
Hindi maalis ang mga ngiti ni Azazel sa kaniyang mga labi habang nakatingin sa kaniyang bagong silang na anak. Hindi matutumbasan ang saya na nararamdaman niya ngayong araw. Itinaas ng bata ang kaniyang maliliit na kamay na naging dahilan nang pagtawa ng Hari.
“Masaya ka yata na makita ako, anak ko.” Naka-ngiti nitong sambit sa kaniyang anak at hinayaan itong laruin ang kaniyang daliri.
Alintana sa kanilang kaalaman, mayroong higit isang daang demonyo na pala sa labas ng kanilang kaharian na naghahanda sa pag-atake sa palasyo ng pamilyang Moonlight.