bc

Nenita The Gifted (Filipino)

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
inspirational
mystery
female lead
mage
realistic earth
supernatural
special ability
virgin
hostages
like
intro-logo
Blurb

We don't have a lot of information regarding the events that occurred during the period of the Spaniards and the Americans in the Philippines that we thought we already knew because we have read it in books or been taught by our teachers.What we do not know is that there are things that have not been written in history because of its peculiarity that many may not believe. Young Nenita is one of them, and she is said to have an unique ability that was forcibly hidden and buried in history. Let's take a glance of her story.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Taong 1889, sa Barrio ng Lansay na matatagpuan sa kapuluan ng Pilipnas. Isang umagang puno ng pag-asa. Isang umagang puno ng katahimikan. Tuwang-tuwang pinapanood ng batang si Nenita ang mga batang naglalaro sa labas ng kanilang tahanan mula sa bintana na tinukudan ng kawayan. Papadyak-padyak pa ang paa nito sa sahig na gawa sa kawayan dahil gustong-gusto niya nang makipag laro sa mga bata. Ngunit hindi niya magawa dahil kabilin-bilinan ng kanilang ina na hindi siya maaaring makapag laro hanggat hindi pa ito kumakain ng almusal. Habang si Nenita ay nakadungaw mula sa bintana, ang kaniyang nakatatandang kapatid naman na si Felipe ay abala sa pag tulong sa kaniyang ina sa kusina. Maya-maya pa ay natapos na itong mag luto. Inilatag ni Felipe ang tatlong pirasong plato na gawa sa aluminyo. Ito ay para sa kaniya, sa kaniyang ina at kay Nenita. Ang ina naman nila na si Germana ay nag sandok ng kanin mula sa palayok at inihain iyon sa kanilang lamesa na gawa rin sa kawayan. Nag hain ito ng limang piniritong itlog, hiniwa-hiwang kamatis, suka bilang sawasawan at sampung pirasong tuyo na paborito ni Nenita. "Tawagin mo na ang kapatid mo," utos ni Germana sa kaniyang panganay na anak. Sinunod naman agad iyon ni Felipe at agad na pinuntahan ang batang kapatid sa kanilang kuwarto kung saan naabutan niya pa rin itong nakadungaw sa bintana. Napangiti si Felipe nang makita niya ang kapatid na tuwang-tuwa sa mga batang naglalaro sa labas, "halika na, kakain na tayo." Sabi ni Felipe. Lumangitngit ang kawayang sahig dahil sa patakbong paglapit ni Nenita sa kaniyang nakatatandang kapatid. Tuwang-tuwa ito at sabik na sabik dahil makakapag ulam na naman siya ng paborito niyang tuyo. Umupo ang dalawang magkapatid sa lamesa. Akma na sanang dadamputin ni Felipe ang nakahaing itlog nang biglang tapikin ni Germana ang kaniyang kamay, "mag dasal muna tayo." Sabi nito. Natulala naman si Felipe at napalingon sa kaniyang tabi nang marinig niyang humahagikhik sa tuwa ang kaniyang kapatid. Matapos makapag dasal na pinanungahan ni Germana, ay nag umpisa ng kumain ang pamilya. Si Germana ay halos mabulunan sa pag tawa habang pinagmamasdan ang kaniyang bunso na punong-puno ng pagkain ang bibig. Ito ang simpleng buhay na pinangarap noon ni Germana kasama ang kaniyang kabiyak na si Daryo. Kuntento na siya sa ganitong buhay. Kahit na napapaligiran ang kanilang bayan ng mga kastila ay ayos lang dahil nasanay na sila sa ganitong buhay indio. Habang kumakain ay naisipan ni Felipe na magdagdag ng kanin. Aabutin niya na sana ang isang plato ng kanin sa lamesa ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang itong umangat. Napatulala si Felipe at namangha sa lumulutang na plato hanggang sa siya ay magulantang dahil sa bulyaw ng kanilang ina, "Nita!" sabi ni Germana. Bumagsak ang plato sa lamesa, at ang kakaunting kanin na natapon ay kumalat sa paligid nito. Nilingon naman ni Felipe ang kaniyang kapatid at nakita itong nakangiti na tila ba tuwang-tuwa pa sa nangyari. Walang magawa si Germana kung 'di ang mapakamot ulo na lamang dahil sa ginawa ng kaniyang bunso. Matagal na nilang alam ang bagay na ito kay Nenita at matagal na rin nila itong tinatago. Dalawang taong gulang si Nenita nang una nilang malaman ang abilidad nito nang minsang pagalawin ni Nenita ang kanilang lampara. Ngayon ay limang taong gulang na ito at habang tumatanda ay mas lalo rin nitong nape-perpekto ang pagpapagalaw ng mga bagay. Matagal na nilang tinatago ang sikretong ito mula sa mga tao. Ayaw nilang malaman ng mga tao ang kakaibang kakayahan ni Nenita, dahil minsan na itong mapagkamalang sugo ng demonyo dahil kaya nitong mag pagalaw ng mga bagay. Ito ang naging dahilan kung bakit sila ay umalis sa dati nilang tinitirahan. Simula noon ay pilit nilang tinatago ang sikreto ng kanilang pamilya upang maprotektahan si Nenita sa mga taong mapang husga at mapang alipusta. Hindi pa sila natatapos kumain nang dumating ang asawa ni Germana na si Daryo. Ang kamiseta nito ay basang basa dahil sa pawis. Lumiwanag ang mukha ni Daryo nang makita ang kaniyang mga anak na masayang kumakain kasama ang kaniyang butihing may bahay, "mabuti naman at nakaabot ka sa almusal." Bungad na sabi ni Germana. Napatalon naman sa tuwa ang batang si Nenita nang makita ang kaniyang ama. Para kay Nenita, ang kaniyang ama ang nag-iisang bayani ng kaniyang buhay, dahil ginagawa nito ang lahat para lamang mapopretktahan lamang ang kaniyang pamilya. "Tatay!" masayang bulalas ni Nenita, sabay yakap sa mga paa ng kaniyang ama. Hindi naman ininda ni Daryo ang pagod. Hinawakan niya sa magkabilang kilikili ang kaniyang bunso at binuhat 'yon at inilagay sa kaniyang braso, "tapos ka na ba kumain?" Nakangiting tanong ni Daryo kay Nenita. Umiling si Nenita, "hindi pa po." Nakangiti naman nitong sagot. Si Nenita ay may pagka pilyang bata. Halos lahat ng mga nakatira sa kanilang nayon ay kilala siyang bilang isang batang makulit at masayahin. Ayaw nito ng mga taong malungkot kaya ang kaniyang ginagawa ay pinapasaya niya ito gamit ang kaniyang pagsayaw. Kilala rin si Nenita bilang isang batang napakahilig sa hayop. Halos lahat ng hayop na kaniyang makikita ay kinakausap niya. Kinuskos ni Daryo ang buhok ng kaniyang bunso gamit ang kaniyang kamay, "sige na, tapusin mo na ang kinakain mo." Ani Daryo sa kaniyang anak, habang ito ay dahan-dahan niyang ibinababa. Naghugas ng kamay si Daryo, at pagkatapos ay umupo sa hapag kainan kaharap ang kaniyang asawa. Nilingon niya ang kaniyang panganay na anak at nakita niya itong nakangiti sa kaniya kaya ginantihan niya rin ito ng isang matamis na ngiti. Nilingon niya ang kaniyang asawang si Germana at napansin niya itong naka simangot habang kumakain, "oh, bakit naman naka simangot ang aking asawa?" Pabirong tanong ni Daryo, kaya naman ang kaniyang mga anak ay nagsi pagngisi. Ngunit ang kaniyang asawa ay hindi nag-iba ng reakayon na tila may iniisip. Dito naramdaman ni Daryo na may dinadamdam ang kaniyang asawa. Kilala niya ito kaya alam niya kung mayroon itong problema o wala. Matapos makakain ng buong pamilya. Si Nenita ay sabik na lumabas ng kanilang bahay na gawa sa kawayan upang makipag laro sa mga batang nasa labas na kanina pa nag hihintay sa kaniya. Si Felipe naman ay sinamahan ang kaniyang kaibigan na si Simon na manguha ng bayabas sa 'di kalayuang bukid. Si Germana naman ay nag huhugas ng mga pinggan na kanilang ginamit, gamit ang batya na gawa sa lata. Napansin ni Daryo na malungkot pa rin ito kaya naman naisipan niya itong lambingin. Ginapos niya ang kaniyang mga kamay sa katawan ng kaniyang asawa habang ito ay nakatalikod at nakaharap sa lababong gawa rin sa kawayan. Ang kaniyang labi ay inilapat niya sa batok ni Germana na siyang pinaka paborito niyang parte ng katawan ng kaniyang asawa. Ramdam naman ni Germana ang init ng hininga ng kaniyang asawa mula sa kaniyang batok at ang padampi-damping labi nito na nagpakulay rosas sa kaniyang mga pisngi. Gusto niyang itulak ang kaniyang asawa ngunit hindi niya magawa dahil tila nagugustuhan niya ang ginagawa nito sa kaniya. Dinikit ni Daryo ang kaniyang mga labi sa kanang tainga ng kaniyang asawa at saka bumulong, "umalis na ang mga bata." Sabi nito, na may malambing at mainit na boses. Lalong namula si Geramana dahil sa sensasyon na kaniyang nararamdaman sa kaniyang asawa. Habang pinapakiramdaman ang init ng hininga ni Daryo ay hindi niya namalayan na kanina niya pa kinukuskos ang nag-iisang plato. Kaya naman bahagya niyang tinulak ang kaniyang asawa gamit ang kaniyang puwitan, "tumigil ka nga Daryo!" Mahina nitong sabi. Ngunit hindi nagpatinag si Daryo, lalo niyang hinigpitan ang kaniyang pagkakayakap kay Germana at ang kaniyang labi ay iginala niya pang lalo sa leeg at batok ni Germana. Ito ang pinaka paboritong amoy ni Daryo sa kaniyang asawa, ang amoy ng mabangong rosas. "Daryo ano ba? Tumigil ka na riyan," muling sabi ni Germana. Napaatras naman si Daryo habang nagkakamot ng ulo. Pakiramdam niya ay nabigo siya sa kaniyang napipintong plano. Narinig niya rin na tila nag dadabog na ang kaniyang asawa dahil sa mga plato na pabagsak nitong hinuhugasan. Kaya naman hindi niya maiwasang mag tanong, "may problema ba mahal?" Ani Daryo, ngunit wala siyang narinig na salita mula sa kaniyang asawa. "Masakit ba ang ulo mo?" tanong ni Daryo sa pag-aakalang may dinadamdam sa ulo ang kaniyang asawa. Huminto sa pag huhugas ng plato si Germana at humarap kay Daryo, "kailan ka ba mababayaran ni Dante?" biglang tanong nito. Napatulala naman bigla si Daryo sa tanong ng kaniyang asawa at mahahalatang hindi alam kung ano ang isasagot. Hindi niya masabing ang kaniyang kaibigang si Dante ay wala na. Pinatay ito ng mga kastila sa hindi malamang dahilan. Si Dante ay matagal ng mayroong pagkaka utang sa kaniya na nagkakahalagang dalawang daang piso. Hindi niya mabanggit sa kaniyang asawa na wala na si Dante at ang utang nito sa kanila ay hindi na rin mababayaran. Balak kasi itong gamitin ni Germana na pang matrikula para sa pag-aaral ni Felipe sa paaralan ng mga kastila sa kanilang lugar. "Ano?" muling tanong ni Germana nang hindi makasagot si Daryo. Niyuko ni Daryo ang kaniyang ulo at iniwasan ang matalim na tingin ng asawa, "wala na siyang utang." Nasabi na lamang nito. Wala na siyang magawa kung 'di sabihin na sa kaniyang asawa ang totoo. "Anong wala na?" tanong naman ni Germana, "nag bayad na siya?" "Wala na siyang utang kasi patay na siya Germana," mabilis na sagot ni Daryo. Napasingap si Germana at napasandal sa lababom Ang kaniyang kamay ay napahawak sa kaniyang bibig dahil sa pagkabigla sa balitang dala ni Daryo. Hindi siya makapaniwala. Si Dante ay ang matalik na kaibigan ng kaniyang asawa simula pagkabata at itinuturing nitong kapatid. "Pa'no?" nabibiglang tanong ni Germana. "Pinatay siya ng mga kastila," nag-aalangang sagot naman ni Daryo. Ayaw niya sana itong sabihin ngunit wala na siyang nagawa. Ngayong nalaman na ni Germana ang tungkol kay Dante, ay may posibilidad na patigilin na siya nito sa pag tatrabaho. Dahil si Daryo ay nag tatrabaho sa isang sakahan na pagmamay-ari na ngayon ng mga kastila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

CEO'S Naughty Daughter

read
70.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

Cheers to Revenge

read
13.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook