bc

My Albino Girl

book_age16+
83
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
drama
bxg
female lead
medieval
another world
school
classmates
friends
victim
like
intro-logo
Blurb

When Amelia was young, she used to peek into the small window of her room. She was jealous of other kids playing in front of their house. Amelia's parents don't want her to go outside because of her condition. She was born with albinism disorder. As she grew older, she understood what her parents meant.  In their world, other people will not accept her just because of her distinct looks.

Until one faithful night, strangers invaded their home, and they wanted to kill Amelia. But her parents fought for her. But in exchange for the safety of Amelia was her parent's life. Because of what happened to her parents, her aunt adopted her, who lives in Norville.

In Norville, Amelia had friends, but she hid her true identity from them. Because she was afraid that they might not accept her because of her looks, she also met Regan there. Whenever Amelia is with Regan, she always feels comfortable and safe.

Will Amelia be able to ignore her feelings for Regan?

Will her friends and Regan accept her once they discover Amelia's true identity?

Will Amelia avoid the cult that kills albinos like her, or will Amelia be the key to the end of the wrongdoing of the Albions?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Kaninang umaga lamang ay maganda ang sikat ng araw. Maaliwalas ang kapaligiran hindi tulad ngayong gabi. Wala kang makikitang ni isang bituin lamang sa kalangitan. Malakas din ang ihip ng hangin na nagpapatangay sa sanga at dahon ng mga puno. Nakakabingi at nakakagulat ang walang tigil na kulog at kidlat. Kasabay ng pagngitngit ng kalangitan ay ang palahaw ng isang buntis na babae. Malapit na ito manganak sapagkat pumutok na ang kanyang panubigan. Nakaabang na din ang kumadrona na magpapaanak sa kanya. "Nanang Selba, narito na po ang mainit na tubig. Kamusta na po ang asawa ko?" natatarantang tanong ng lalake sa kumadrona nangangalang Nanang Selba. "Ang s-sakit....s-sakit na aah!" halos malagutan ng ugat ang babae sa kakasigaw dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman ngayon. Totoo nga na kapag nanganganak ang isang babae ay nasa hukay ang kanyang mga paa. Ito mismo ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. "Anak ko huwag mo naman sana pahirapan ang iyong ina," pakiusap ng lalake sa kanyang magiging anak na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalabas. "Aaah!" mas lalo ding nagtahulan ang mga aso yung iba pa nga ay umaalulong dahil naiingayan sila sa sigaw ng babae. Tila ba hindi rin mapakali ang mga aso sa gabing iyon. "Tignan mo nga kung saan nakaharap ang mga asong umaalulong. Aba! Nakikisabay pa talaga sila sa panganganak ng iyong asawa," utos ng kumadrona sa lalake na agad naman niyang sinunod. Pagkalabas ng asawa ng buntis ay kinausap niya ito na nahihirapan pa din. "Naku naman Nena, noong ginagawa niyo ang anak niyo sarap na sarap kayo tapos ngayong manganganak ka na hindi ka marunong umire!" panenermon pa ni Nanang Selba kay Nena na hirap na hirap pa din sa pag-ire. "A-ayoko na Nanang S-Selba!" palahaw ng iyak ni Nena. "N-nasaan si Kulas?! K-Kulas aah!" Napailing na lang si Nanang Selba sa sinabi ni Nena. Palibhasa kaya hirap na hirap ay ito ang unang pagkakataon na manganganak siya kaya hindi rin niya alam ang gagawin sa unang panganganak. Bagong mag-asawa lang din sina Kulas at Nena at sa kabutihang palad ay nakabuo agad sila. 'Yun nga lang ay hindi pala marunong umire si Nena pero hindi naman siya papabayaan ni Nanang Selba. Nagpatuloy si Nanang Selba sa pagpapaanak kay Nena. Habang si Kulas ay malaking matang nakatanaw sa labas ng kanilang bahay dahil ang mga aso ng kapitbahay at asong gala ay nagtipon sa labas ng kanilang tirahan. Nakaupo sila at nakatanaw sa kanilang bahay. Gumapang ang takot sa kanyang batok ng sabay-sabay ang mga aso na umalulong habang nakaharap at nakatanaw sa kanilang bahay. Dahil sa takot ay iwinasiwas ni Kulas ang hawak niyang may sinding sulo sa mga aso na nagsitakbuhan na dahil natakot kay Kulas. Pagkatapos na masiguro na wala na ang mga aso ay muli siyang bumalik sa loob ng kanilang tahanan. May kasabihan kasi sa kanila na may masamanmg pangitain ang dala ng mga asong umaalulong lalo na kapag sa bahay niyo pa sila nakaharap habang sila ay umaalulong. Kaya naman ganon na lang ang takot ni Kulas. Pagbalik ni Kulas sa loob ay nagtataka siya dahil hindi na rin niya naririnig ang sigaw ng kanyang asawa kaya naman dali-dali siyang tumakbo sa kanilang kwarto. Nakita niya na nakapikit na ang kanyang asawa na basang-basa ng pawis. Habang si Nanang Selba ay nakaupo sa sahig at tila takot na takot sa kanyang nakita. Unang nilapitan ni Kulas ang kanyang asawa. Sinusubukan niya itong gisingin ngunit hindi magising si Nena. "Mahal?" "Gising ka na mahal." "W-wala na siya! Wala na ang asawa mo Kulas pinatay siya ng anak niyo!" takot na takot na pagkakasabi ni Nanang Selba saka niya itinuro kung nasaan na ang sanggol nila Kulas at Nena. "Halimaw ang anak niyo! Halimaw!" "H-hindi, h-hindi pa patay ang asawa ko!" pagkarinig ni Kulas sa sinabi ni Nanang Selba ay ayaw niyang maniwala pero nang hawakan niya ang pulsuhan ng kanyang asawa ay para siyang binagsakan ng langit at lupa. Wala na ngang tunay ang kanyang pinakamamahal na asawa. Napatulala na lang din si Kulas habang nakatingin kay Nanang Selba na tumakbo paibaba ng bahay habang sumisigaw pa din ito na isang "halimaw" ang kanilang anak ni Nena. Umiiyak na inayos muna ni Kulas ang pwesto ni Nena saka niya hinalikan ito sa noo. Hindi niya inaasahan na maagang kukunin sa kanya ang kanyang asawa. Madami pa silang gustong gawin sa kanilang buhay mag-asawa, isa na nga doon ang pagkakaroon ng mga supling. Pero ngayon ay gumuho na iyon sa pagkawala ng kanyang kabiyak. Nakatulala si Kulas habang pinupunasan si Nena. Madaming katanungan ang naglalaro sa kanyang isipan na nakalimutan na niya ang bagong silang na sanggol kung hindi pa ito umiyak ay hindi niya maaalala ang anak niya. Dali-dali naman niya sinundan kung saan nagmumula ang pag-iyak ng sanggol. Iyon pala ay natabunan lang ng kumot. Pagkaalis ng kumot ni Kulas sa sanggol ay ganon na lang din ang naramdaman niyang takot nang makita niya ang itsura ng kanyang anak. Napaatras si Kulas dahil sa takot at hindi na niya nagawang kargahin pa ang kanyang anak. "Jusko po! Bakit ganyan ang kanyang wangis?" Maputlang maputi ang kulay ng buong katawan ng sanggol na para bang wala ng dugo sa kanyang katawan. Ang kanyang sobrang nipis na kilay ay kakulay ng mais at ang manipis din nitong buhok ay kulay puti naman na kasing kulay ng nyebe. Halos hindi rin makita ang ang butas ng ilong ng sanggol. Dahil ngayon lang sila nakakita ng ganoong sanggol ay para sa kanila ay kakaiba iyon kaya madali rin silang matakot. Mag-isang inilibing ni Kulas si Nena habang ang anak nila ay iniwanan muna niya sa kwarto nila. Rinig na rinig ni Kulas sa likod ng kanilang tahanan ang palahaw ng iyak ng anak nila ni Nena. Alam niyang nagugutom na ito ngunit wala naman siyang maibigay dito at hindi rin niya kayang hawakan ang kanyang anak dahil sa takot na kanyang nararamdaman. Isa pa parang unti-unti na siyang naniniwala kay Nanang Selba na ang anak nila ang pumatay sa kanyang asawa. Pagkatapos mailibing ang kanyang asawa ay pinuntahan niya ang kanyang anak habang may hawak na itak. "Siguro tama nga si Nanang Selba, isa kang halimaw! Dahil sa 'yo nawala sa akin ang asawa ko!" nanggigigil ngunit nanginginig na sabi ni Kulas habang nakatutok ang itak sa bagong silang na sanggol. "Dapat sa 'yo ay mawala din!" Itatarak na sana ni Kulas ang itak sa kanyang anak ngunit hindi naman niya magawa. Natigilan siya at nabitawan niya ang itak na hawak saka naguguluhang napaupo sa sahig na kawayan. Mag-isang tumatangis si Kulas dahil hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Wala naman siyang lakas ng loob upang patayin ang sariling anak niya. Lahat ng aksyon ni Kulas ay nasaksihan ng lalakeng nakaitim na balabal na may hood. Napalipat ang tingin niya sa bagong silang na sanggol at ganon na lang ang pagkatakam niya na makita na tunay nga itong isang sanggol na Albino. Naniniwala ang kulto nilang Albions na nakakapagbigay ng ibayong lakas at kabataan ang dugo ng isang Albino kaya naman naghahanap sila ng mga taong Albino o maging hayop sa iba't ibang lugar upang makuha ang dugo ng mga ito. "Kung papatayin mo lang ang anak mo maaari mo siyang ibigay sa akin. Tutal isa namang halimaw ang anak mo at siya rin ang dahilan kung bakit namatay ang asawa mo hindi ba?" panunudyo pa ng lalakeng nakabalabal kay Kulas kaya agad na napalingon sa kanya si Kulas. "Sino ka naman?" ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.6K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.0K
bc

EASY MONEY

read
174.4K
bc

Dangerous Spy

read
298.7K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.6K
bc

YOU'RE MINE

read
893.8K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook