Chapter 1

1068 Words
Chapter 1 "Sino ka naman?" walang ganang tanong ni Kulas bago niya pinunasan ang luha sa kanyang mukha. "Kulas, makinig ka sa lalakeng ito. Ibigay mo na ang halimaw na iyan sa kanila. Sila ang Albions at layunin nilang maghanap ng mga Albino upang maiwasan at wakasan ang sakunang dala-dala ng mga Albino," paliwanag ni Nanang Selba na kasabay lang pala dumating ng lalakeng taga Albions. "Malas at sakuna lang naman ang dala ng anak niyong Albino!" "Albino?" naguguluhang tanong pa ni Kulas dahil ngayon niya lang naman narinig ang salitang Albino. "Oo, Albino ang tawag sa uri ng anak mo. At hindi sila nababagay dito. Nababagay sila sa pangangalaga namin," hindi alam ni Kulas ngunit kinilabutan siya sa pagngisi ng lalakeng Albions ngunit ipinagsawalang bahala na lang niya iyon dahil nagdadalamhati pa siya sa pagkawala ng kanyang asawa. Isa pa hindi niya pa kayang matanggap ang kakaibang itsura ng kanilang anak. "W-wala akong pakialam kung ano man ang tawag niyo sa uri niya. Kunin mo siya kung gusto mo! Ilayo mo na siya!" sigaw ni Kulas saka siya tumalikod upang hindi niya makita ang pagkuha sa sanggol. Alam niyang anak niya ang batang iyon ngunit mas nananaig ang emosyon niya sa pagkawala ng kabiyak niya. "Tama lamang ang naging desisyon mo Kulas. Upang maiwasan na din ang pagdating ng sakuna dito sa ating nayon," sabi ni Nanang Selba habang tinatapik ang balikat ni Kulas. "Nais ko pong mapag-isa Nanang Selba." Labis naman ang kagalakang nararamdaman ng kulto ng Albions dahil muli nanaman silang nakahanap ng isang sanggol na Albino. Sa isang maluwag na kweba ng nayong Norville nakalungga ang kanilang samahan at madami na silang kasapi. Napapaniwala nila ang mga tao na isang malas, halimaw at tanging sakuna lamang ang dala ng mga Albino dahil na rin sa sikreto nila na sila mismo ang gumagawa ng sakuna upang malinlang ang mga tao para maibigay sa kanila ang sanggol na isang Albino. At ngayon ay nagtagumpay sila na walang kahirap-hirap. "Mga kasama, tayo ay magpasalamat sa ating panginoon dahil muli nanaman tayong nakahanap ng isang sanggol na Albino!" sigaw ng lalakeng kumuha sa sanggol ni Kulas kanina saka niya itinaas ang walang saplot na sanggol. Nagsigawan silang lahat ng marinig nila ang iyak ng bagong silang. "Pasasalamat sa ating panginoon!" sigaw nilang lahat saka sila lumuhod sa harap ng trono ng kanilang sinasambang panginoon. Biglang sumindi ang mga sulo sa palibot ng trono ng kanilang panginoon. Dahil malaki ang kwebang kanilang lungga ay madaming kasyang tao doon. Kaya naman halos lahat ng kasapi ng kanilang kulto ay nandoon upang makisalo sa ritwal na gagawin sa sanggol. Itinaas ng kanilang pinuno ang kanyang kamay saka sila nagsitahimikan. Ang pinunong ito ang nagtatak sa isipan ng mga kasapi ng kanilang kulto na kapag nakainom ka ng dugo ng Albino ay hindi ka mabilis na tatanda at may posibilidad pa na maging isang immortal ka. Dahil sa mabulaklak na salita at pangako ng kanilang itinuturing na panganinoon ay madami siyang nauto hanggang ngayon. "Ang sanggol na Albino na iyan ay alay ko sa inyong masugid kong mga tagasunod. Mabuhay ang mga Albions!" sigaw ng kanilang panginoon saka siya nakangisi habang pinagmamasdan ang mga kasapi niya na nagkakagulo sa dugo ng sanggol. "Uminom lang kayo ng aking biyaya!" halakhak pang sabi ng kanilang panginoon. Hindi lang ang sanggol na anak ni Kulas ang naging biktima ng mga Albions dahil sa iba't ibang lugar o nayon taon-taon ay may ipinapanganak na isang Albino at kapag nalalaman nila na may Albino doon ay gumagawa sila ng sakuna katulad ng pagkaubos ng palay dahil sa piste, pagkalat ng sakit sa tiyan dahil nilalagyan nila ng lason ang pinagkukuhanan ng inumin ng nayong iyon. Minsan pa nga ay nagpakawala sila ng sandamakmak na ipis at daga upang makuha lamang ang sanggol na Albino. At dahil sa kakaiba ngang itsura ng bagong silang na sanggol ay madali nilang pinaniwalaan ang sabi ng Albions. Wala silang kaalam-alam sa tunay na ginagawa ng kulto sa mga kinukuha nilang Albino. Ilang dekada pa ang lumilipas pero nananatili pa din silang matatag. Ngunit dahil pakonti-konti na din ang isinisilang na taong Albino at sa ilang dekadang lumipas din ay tuluyan silang nakalimutan ng mga tao dahil na din sa pag-usbong ng modernisasyon. Pero patuloy pa din sila sa masama nilang gawain, katulad ng pagpatay upang ialay sa kanilang sinasamba. Sa bayan ng Molvania ay palihim na nanganak si Susana ng isang malusog na babaeng sanggol na isa ding Albino. Pero hindi katulad ng ibang magulang na nagkaroon ng anak na Albino sila ng asawa niyang si Tom ay buong pusong tinanggap ang anak nila at pinangalanan nila itong Amelia. Dahil alam nilang mag-asawa ang tungkol sa kulto ng Albions na nangunguha ng mga Albino ay kahit kailan hindi nila pinalabas ng bahay si Amelia. Matagal nang mag-asawa sina Susana at Tom ngunit hindi pa din sila nabiyayaan ng anak kaya naman ng maipanganak si Amelia ay ganon na lang ang kanilang kasiyahan at itinuring nilang biyaya ng Maykapal ang anak nila. Kaya naman lumaking mahiyain si Amelia. Habang palaki siya nang palaki ay lagi siyang nakasilip sa bintana ng kanyang kwarto. Mula sa bintana ng kanyang kwarto ay nakikita niya ang mga batang kasing edaran niya na masayang naglalaro. Lagi naman siyang pinapalinawagan ng kanyang magulang ngunit hindi pa rin maiwasan ni Amelia ang malungkot at mainggit sa mga ito dahil buti pa sila ay nakakalabas ng kanilang bahay at nakakapaglaro sa kanilang mga kaibigan. "Iniingatan ka lang namin Amelia kaya hindi ka namin pinapayagan na lumabas ng ating bahay," paliwanag sa kanya ng Papa Tom niya. "Bakit kasi ganito ang naging itsura ko? Kung sana hindi ako ganito at kung sana naging normal na lang ako madami siguro akong kaibigan," sabi ng batang Amelia habang kalong siya ng kanyang Mama Susana. Hindi nakita ni Amelia na nagkatinginan ang kanyang magulang dahil sa kanyang sinabi. "Huwag kang magsalita ng ganyan anak. Para sa amin ay normal ka. Ang ganda-ganda kaya ng anak namin hindi ba papa?" nakangiting wika ng ina ni Amelia upang pagaanin ang loob ng batang Amelia. "Tama ang iyong mama, Amelia. Ikaw ang nag-iisang magandang prinsesa namin," nakangiting sabi ng papa ni Amelia kaya naman napangiti na sa kanila si Amelia. "Pero pangarap ko pa din po ang makalabas sa labas at magkaroon ng kaibigan. Gusto ko rin po maranasan ang nararanasan ng ibang batang kagaya ko." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD