Chapter 2

1295 Words
Chapter 2 Pagkalipas ng sampung taon... "Anak, papasok na kami sa trabaho," paalam ng mama ni Amelia sa kanya pagkatapos siyang halikan nito sa noo. Sumunod naman ang kanyang papa at hinalikan din siya sa kanyang noo saka siya nito niyakap. "Mag-iingat po kayo mama, papa," nakangiting paalala ni Amelia sa kanyang magulang. "Huwag mong kalimutang gawin ang iyong takdang aralin ha? Halfday lang kami ng iyong papa," paalala sa kanya ng kanyang ina. "Ilock mo ang pintuan Amelia, huwag kang lalabas," paalala din ng kanyang papa na bitbit na ang bag nilang mag-asawa. Napatango naman sa kanila si Amelia habang nakangiti. Ngayong nasa labing-anim na taong gulang na siya ay solong-solo na niya ang mga bilin sa kanya ng kanyang magulang. Parehas na guro sa highschool ang magulang ni Amelia kaya naman natuturuan din nila ng aralin si Amelia. Sa bahay lang kasi siya nag-aaral dahil kahit na sixteen years old na siya ay hindi pa rin siya pinapayagan na lumabas ng bahay dahil na rin sa pagiging Albino niya. Namana ni Amelia ang katangkaran ng kanyang ama at balingkitang pangangatawan saka maliit na mukha sa kanyang ina. Hanggang bewang na din ang haba ng kulay nyebe niyang buhok. Ang kulay naman naman ng kanyang pilik mata ay parang buhok ng mais. Magkaiba din ang kulay ng mata ni Amelia, yung kanang mata niya ay kulay abo at ang kaliwa ay kulay asul. Mas malabo ang mata niyang kulay abo kumpara sa kaliwang mata niya. Hindi na rin kumapal ang kilay ni Amelia na kulay nyebe din. Sobrang nipis nito na parang hindi kumapal sa paglipas ng panahon. Tanggap na rin naman ni Amelia ang pagiging Albino niya at maswerte siya dahil tumagal ang kanyang buhay. Ngunit hindi niya alam ang tungkol sa Albions. Hindi na rin kasi sinabi ng kanyang magulang sa kanya ang bagay na iyon dahil matagal na silang walang balita sa mga Albions. Ang akala ng mga ito ay nabuwag na ang kultong iyon. Ngunit hindi pa rin mawala kay Amelia ang pangarap na makita ang labas ng kanilang bahay. Nirerespeto niya lang ang kanyang magulang kaya sinusunod niya ang mga bilin sa kanya na huwag lumabas ng bahay para na din sa kanyang kaligtasan. Naiintindihan iyon ni Amelia. Inilock na nga ni Amelia ang pintuan pagkaalis ng kanyang magulang saka siya umakyat sa kanyang kwarto upang gawin ang takdang aralin na ibinigay sa kanya ng kanyang ina. Fiesta sa kanilang bayan ngayon kaya naman halfday lang din sa trabaho ang magulang niya. Nagkasundo nga silang tatlo na magtutulong-tulong sila sa pagluluto para may handa sila sa fiesta. Napatingin si Amelia sa labas ng kanyang bintana at nakita niya niya na may mga banderitas ang nakasabit sa labas tanda na fiesta sa kanilang lugar. "Panigurado na mas maganda ngayon sa labas dahil fiesta ngayon," naeexcite na wika ni Amelia ngunit agad namang nawala iyon dahil naalala niya na hindi nga pala siya makakalabas kahit na fiesta ngayon. "Sayang," bulong pa ni Amelia saka niya na lang itinuon ang kanyang atensyon sa takdang aralin na kanyang ginagawa. Medyo malayo sa ibang bahay ang bahay nila at napapalibutan ng batong bakod ang malawak nilang bakuran. Sa tagal niyang namalagi sa kanilang bahay ay wala pa namang nagtangka na pumasok sa bahay nila. Alam kasi ng mga kapitbahay nila na ang may-ari non ay sina Susana at Tom, magulang ni Amelia. Mabait sa mga tao ang magulang ni Amelia at wala pa silang nakakaaway minsan, iyon siguro ang dahilan kung bakit. Saka maingat talaga sa pagtanggap ng bisita ang kanyang magulang pati na si Amelia ay sumusunod sa kanyang magulang kaya hanggang ngayon ay hindi pa din sila nabibisto. Saktong nakasaing na si Amelia para pananghalian ng dumating ang kanyang mama at papa. May dala na itong ulam kaya kumain muna sila sabay-sabay. Maya-maya ay nagtulong-tulong na sila upang makapagluto ng kanilang handa sa fiesta. "Balita ko mama may pailaw mamaya," kwento ni Amelia sa kanyang ina. "Hindi ka pwede---" "Hindi po ako pwedeng pumunta," nakangiting putol ni Amelia sa sasabihin ng kanyang ina at siya na ang tumuloy sa sasabihin nito dapat. "Alam ko naman po mama saka tanggap ko na po." "Pasensya ka na talaga anak." Napangiti na lang ng mapait si Amelia habang tumutulong sa pagluluto. Sanay na rin naman siya sa ganitong set-up 'yun nga lang nandoon pa din ang pagka-curious kung ano ang itsura ng labas. Lalo na ngayon na nalaman niyang may pailaw sa kalangitan mamaya. Dati kasi ay sa malayuan niya lang ito nakikita at sa pagkakataong ito ay gusto na niyang makita ito ng malapitan. Kaya naman nabuo ang isang desisyon sa kanyang isipan... lalabas siya mamayang gabi kapag natutulog na ang kanyang magulang. Gaya ng inaasahan ni Amelia ay maagang natulog ang kanyang mama at papa pagsapit ng gabi. Natatanaw din niya sa bintana ng kanyang kwarto na nagsisimula na ang fireworks. Kaya naman mas lalong sumidhi ang nais ni Amelia na makapunta kung saan ang pailaw. Nais niyang makita ang labas kahit isang beses lang. Saka ang nasa isip lang ni Amelia ay madami naman ang tao kaya hindi siya mapapansin. Kaya naman sinuot ni Amelia ang balabal at ipinantakip niya sa kanyang mukha. Saka siya tumakas sa kanilang bahay. "Patawad po papa at mama. Pagkatapos nito ay hindi na po talaga ako lalabas ng bahay," bulong ni Amelia habang nakatingin sa bahay nila saka siya nagpatuloy sa pagtakas. Habang naglalakad siya sa kanyang pupuntahan ay hindi niya maiwasan na hindi mamangha sa bawat nadadaanan niya. Lahat ng nakikita niya ay bago sa kanya. Ngunit nag-iingat pa din siya na huwag maalis ang balabal sa kanyang mukha. "Wow!" manghang sabi reaksyon ni Amelia ng makita na niya sa wakas ang fireworks. "Mas maganda pala talaga ito sa malapitan." Dahil sa labis na pagkatuwa ay binitawan na niya ang pagkakahawak sa kanyang balabal at nakisabay sa pakikipagpalakpakan ng ibang tao. Tuloy humihip ng malakas kaya naman natangay non ang mahabang balabal na ipinantakip ni Amelia sa kanyang mukha. "Ang balabal ko!" gulat na wika ni Amelia habang hinabol niya ang balabal niya sa gitna ng madaming tao. Yumuyuko na lang siya at ginawa niyang pantakip ng mukha ang dulo ng kanyang buhok. Dahil nakayuko na lamang si Amelia ay hindi niya namalayan na may nabunggo siyang babae. Itinulak siya nito kaya naman napaupo si Amelia sa semento. "Ano ba?! Tumingin-tingin ka nga sa dinadaanan mo!" pagsusungit ng nabunggo ni Amelia na tila walang pakialam kung nasaktan siya si Amelia sa pagtulak niya. "S-sorry hi-hindi ko sinasadya," sabi ni Amelia at tumayo siya para makaalis na siya ngunit ayaw siyang tigilan ng babaeng nabunggo niya. Hinawakan siya ng babae sa braso at hindi siya nakapalag ng hilahin iyon ng babae kaya naman nakita nito ang kanyang itsura. "Aaaah! Bakit g-ganyan ang itsura mo?! H-halimaw!" sigaw nito kaya naman nakaagaw sila ng atensyon ng ibang tao. "H-hindi, h-hindi ako halimaw!" depensa ni Amelia sa kanyang sarili siya. Madami na ang mga natatakot na taong nakatingin sa kanya. Kaya naman naglakas ng loob na tumabok pabalik sa kanilang bahay. Paglingon niya ay nagkakagulo na ang mga tao. Madaming tao ang nagulat sa kanilang nakita. Lalo na yung babaeng nabunggo ni Amelia dahil nahimatay pa ito sa takot. Ngayon lang sila nakakita ng ganong nilalang kaya naman mabilis kumalat na may namataang kakaibang nilalang sa araw mismo ng kanilang fiesta. "Amelia! Saan ka nanggaling?! Pinag-alala mo kami ng papa mo!" natatarantang sabi ng mama ni Amelia dahil nalaman nilang tumakas siya at hahanapin na sana kaso nakasalubong nila si Amelia na umiiyak at takot na takot kaya naman nagmadali sila na bumalik sa bahay nila. "Papa, mama, sorry po. Sana nakinig na lang ako sa inyo," tumatangis na wika ni Amelia. "N-nakita po ako ng mga tao." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD