Chapter 3

1100 Words
Chapter 3 “Sa tingin mo ba may nakasunod sa ‘yo hanggang dito anak?” nag-aalala na tanong ng ama ni Amelia sa kanya. “Sa tingin ko naman po ay wala ngunit nakita na po nila ang aking wangis kaya naman panigurado ako na mabilis iyon kakalat sa buong bayan natin ama, ina, patawad po talaga kung hindi ako nakinig sa inyong bilin,” tumatangis na sabi ni Amelia saka naman nagkatitigan ang mag-awasang Tom at Susana. “Mabuti pa Tom, ipasok muna natin si Amelia sa loob ng ating bahay. Mamaya na natin pag-usapan ito dahil baka mamaya ay may makakita pa sa ating anak,” napatango naman ang kanyang ama sa sinabi ng ina niya. Inalalayan nilang mag-asawa si Amelia papasok ng kanilang tahanan. Bago isara ni Tom ang pintuan ng kanilang tahanan ay sinilip niya muna ang labas dahil naninigurado siya na wala talagang nakasunod sa kanilang anak. “Ayos ka lang ba anak? Hindi ka ba nila sinaktan?” nag-aalalang tanong ng ina ni Amelia na si Susana sa kanya. Umiling naman si Amelia sa tanong ng kanyang ina nang masigurado nila na wala namang natamong sugat ang kanilang anak ay saka lang siya bahagyang napanatag. Sa mga oras kasi na ito ay hindi nila alam kung paano nila papakalmahin ang kanilang mga sarili lalo na at nalaman nila na nakita na ng mga tao ang kanilang anak. Alam rin kasi nila na mabilis kumalat ang mga balita kaya naman natitiyak sila na bukas na bukas ay kalat na iyon sa buong bayan. Natatakot rin sila na baka isipin ng mga tao na isang malas si Amelia katulad ng paniniwala noon dalawang dekada na ang nakakalipas. “Patawad po talaga, ama, ina,” hingi ulit na paumanhin ni Amelia sa kanila. “Ngayon ay nasaksihan ko na mismo ng aking sariling mga mata kung ano talaga ang tingin nila kagaya ko.” Nalungkot naman ang magulang ni Amelia dahil sa kanyang sinabi. Hindi nila inaasahan na magiging ganito pala kahirap para kayAmelia kapag may nakakita sa kanya na ibang tao. Pinalaki at binusog kasi nila ng pagmamahal si Amelia at hinding-hindi nila ipinaramdam sa anak nila na kakaiba ang kanyang wangis sa kanila. “Hindi ka kasi nila kilala anak na may busilak ang kalooban. Isa pa ay hindi naman lalayo ang iyong itsura sa amin sadyang mas maputi ka lang sa amin,” pagpapagaan ng loob ng ina ni Amelia sa kanya. “Isa pa anak, ngayon na alam mo na ang magiging reaksyon ng mga tao sana naman ay huwag mo na tangkain na suwayin ang aming bilin. Para rin naman sa iyo ang ginagawa naming ito, alam mo naman na ang ilan sa mga tao ay makikitid ang utak at hindi sila tumatanggap ng kahit na anong paliwanag,” napatango naman si Amelia sa sinabi ng ama niya dahil ngayon ay alam na niya ang magiging kahihinatnan kapag may nakakita pa sa kanya na ibang tao. “Hindi na po talaga ako uulit, sadyang nais ko lang talaga na makita ang pailaw dahil piesta sa ating bayan. Hindi ko naman po alam na liliparin ng hangin ang aking balabal kaya naman nakita nila ako,” nakayuko na sabi ni Amelia at hinahaplos naman ng kanyang ina ang kanyang balikat. “Anak, kung hindi ka man nila matanggap dahil lamang sa iyong wangis ay natitiyak ko naman sa iyo na mahal na mahal ka namin ng iyong una. Ikaw ang biyaya sa amin ng Maykapal, kaya naman para sa amin ay espesyal ka. Huwag mo na lamang isipin ang naging reaksyon ng mga taong nakakita sa iyo sa bayan kanina. Ipagdasal na lang natin na hindi talaga nila matagpuan kung saan ka nakatira dahil baka mapilitan tayo na lumipat ng ibang bahay,” napatango si Amelia sa sinabi ng kanyang ama kahit papaano naman kasi ay gumaan ang kanyang nararamdaman dahil sa sinabi ng kanyang ina at ama. Hindi lang maisip ni Amelia kung kakayanin ng kanyang magulang na iwanan ang bayan na ito dahil minsan na naikwento sa kanya ng kanyang ina na dito sila isilang pati na siya at mahal na mahal ng kanyang magulang ang pagtuturo sa bayan na ito. Kaya naman hindi maiwasan na sisihin ni Amelia kung sakali na kinakailangan pa nila lumipat para lamang maitago siya at para sa kanyang kaligtasan. Sana pala talaga ay hindi na niya ipinilit na manuod ng pailaw kanina sa bayan, eto tuloy ang kanyang napala sa katigasan ng kanyang ulo. “Hindi ka ba makatulog, anak?” tanong ng ina ni Amelia sa kanya. Kasakukuyan siyang nasa gitna ng kama ng kanyang magulang dahil ang sabi ng kanyang ama ay magtabi-tabi sila sa higaan ngayong gabi dahil alam nila na hindi makakatulog ng ayos ang kanilang anak dahil sa nangyari. “Marami po kasi ang tumatakbo sa aking isipan, ina? Hindi ba kayo nahihirapan na alagaan ako? Alam ko naman po kasi na hindi biro ang sakripisyo niyo ni ama para lamang maalagaan at maitago ako,” napangiti naman ang ina ni Amelia sa kanyang sinabi. “Aaminin ko anak, hindi naging madali sa amin na itago ka ng mahabang panahon pero walang ibang mahalaga sa amin ng iyong ama kundi ang iyong kaligtasan. Gaya nga ng sabi namin kanina ay ikaw ang biyaya sa amin. Kaya naman anak, huwag ka na mag-isip ng mga negatibong bagay. Ano nga ang palagi namin sinasabi sa iyo Amelia?” “Walang binibigay na madaling pagsubok ang Maykapal sa atin dahil alam niya at nagtitiwala Siya na malalagpasan natin ang mga iyon,” napangiti na si Amelia nang mabanggit niya ang mga kataga na iyon. “Isa pa ay para Sakanya ay magkakapantay-pantay lang tayong lahat, magkakaiba man ang ating wangis. Sana kahit wala na kami ng iyong ama ay pakatatandaan mo ang mga iyon anak ko,” napayakap naman si Amelia sa sinabi ng kanyang ina sa kanya. “Opo ina, ngunit parang nagpapaalam na kayo sa akin? Pero hindi bale dahil alam ko naman po na matagal pa tayong magkakasama ni ama at sisiguraduhin ko naman po na ako naman ang mag-aalaga sa inyo,” napangiti ang ina ni Amelia dahil sa kanyang sinabi saka naman dumilat ang kanyang ama na si Tom na kanina pa pala nakikinig sa usapan ng kanyang mag-ina. Nagulat pa nga si Amelia sa pagyakap sa kanila ng kanyang ama dahil ang buong akala niya ay natutulog na ito ngunit sa huli ay napangiti siya dahil sa ramdam na ramdam niya ang pagmamahal sa kanya ng kanyang magulang. “Mahal na mahal ko po kayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD