“Sino iyan?” narinig ni Amelia na tanong ng lalakeng pumasok sa kanilang bahay. Kahit na sobrang kaba ang kanyang nararamdaman ay nagawa niya pang magtago pero hindi niya inaasahan na makikita siya pala nito.
“A-anong gagawin ko?” bulong ni Amelia habang nagtatago sa likuran ng pintuan ng kanilang kusina. Napatingin naman siya sa nakabukas na pintuan ng isa pang daanan sa may kusian na patungo naman sa likuran ng kanilang bahay ngunit dahil walang bubong ang likuran dahil nga bakuran na rin iyon ay kung lalabas si Amelia doon ay maarawan siya. “Kailangan kong mapuntahan si ama.”
Nagulat naman si Amelia dahil malapit na banda sa kanya ang yabag ng lalake kaya naman mas lalo siyang nataranta. At sa labis na kaba ay nagawa na ngang tumakbo ng mabilis ni Amelia papalabas sa likuran ng kanilang bahay. Labis naman ang gulat ni Gerardo ng may nakita siyang babae na lumabas ng likuran at hahabulin na niya sana ngunit bigla na lang itong nawala sa kanyang paningin.
“A-ama,” hingal na hingal na wika ni Amelia nang makarating na siya sa kinaroroonan ng kanyang ama. Labis naman ang pagtataka ni Tom nang makita niya ang itsura ng kanyang anak. Alam rin ni Tom na hindi pwedeng mapagod ng husto si Amelia kaya naman nagkaroon ng kutob si Tom na baka may nangyari.
“Anak, anong nangyayari? Bakit ganyan ang iyong itsura?” agad na tanong ni Tom kay Amelia.
“M-may nakapasok po na lalake sa loob a-ama,” kahit hingal pa rin si Amelia ay nagawa niya pa rin na sabihin sa kanyang ama ang tungkol sa isang lalake na kanyang nakita na pumasok sa loob ng kanilang tahanan.
Pagkarinig ni Tom sa sinabi ni Amelia ay agad na siyang naghanap ng pwesto na maaaring pagtaguan ng kanyang anak na si Amelia.
“Kumalma ka muna anak, ako na ang haharap sa kanya,” mahinahon na sabi ni Tom at hindi na niya ipinahalata na maging siya ay bahagyang kinakabahan.