Chapter 19

256 Words
“Konse, kinukwentuhan ka noon ni Nana Iska upang malibang ka upang hindi mo na maisip yung magulang mong maagang namatay kaya naman wala tayong kasiguraduhan na may katotohanan talaga ang kanyang kinukwento sa’yo. Sa pagkamatay ni Nana Iska ay kasabay na no’n sa hukay ang mga pinagkwekwebto niya sa ‘yo kaya naman kalimutan mo na iyon. Ipinatawag ko kayo dahil bukas ay pupunta rito si Mayora hindi para pag-usapan yung nilalang na hindi naman totoo, umayos na nga kayo!” pagalit na wika ni Kapitan John kaya naman nataranta naman yung mga tanod na wala sa ayos ang kanilang pag-upo. Samantalang si Konse Gerardo naman ay palihim na masama ang tingin kay Kapitan John dahil sa sinabi nito. Pakiramdam kasi ni Gerardo ay binabastos niya ang kanyang lola Iska. Hindi naman alam ni Gerardo na nakatingin sa kanya si Konse Aaron at palihim siyang napangisi. “Sir Tom,” bati ni Gerardo kay Tom nang makita niya ito, nagkabanggaan kasi silang dalawa kaya naman nalaglag yung dala ni Tom. Si Tom ay pauwi na sa kanilang bahay dahil may binili siyang bagong damit para sa anak nilang si Amelia. Inabot ni Gerardo ang damit na nalaglag ni Tom mula sa plastic. Napatingin at napakunot naman ng noo si Konse Gerardo dahil napansin niya na masyadong maliit ang damit na iyon para sa kanyang asawa at kilala niya rin si Susana dahil guro ito ng kanyang anak na panganay. Ang alam nila ay walang anak ang mag-asawang guro. “Konse, kayo po pala. Salamat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD