BLAKE
**
“Bye for now, may schedule pa ako ng threes0mē ngayon.”
Paalam ni Blake bago iniwan ang mga kapatid na busy na naman sa kani-kaniya nitong argumento sa buhay. Samantalang s'ya ay enjoy lang sa buhay. Mayaman naman sila kaya bakit pa n'ya kailangang makipag agawan sa kompanya? Kahit wala ang kompanya magagawa n'ya ang nais. Babae, alak at pera. Lahat 'yon na sakaniya na kaya naman ano pa bang mahihiling n'ya?
Bago tuluyang makalabas ng bahay ay napasulyap s'ya sa bago nilang katulong na si Anita. Nasa garahe kasi ito at parang kaaway ang katawagan nito. Hindi n'ya masisi ang kapatid na si Nat kong ba't duda ito sa kilos ng dalaga. Dahil masyado kasi itong maganda at elegante kumilos para maging isang katulong.
Walang kalyo ang kamay at makinis ang kutis kumpara sa kwento nitong magsasaka daw ang magulang. Napatitig s'ya sa hubog ng dalaga. Para kasing pamilyar ang k4tawan at mukha nito. Nakita n'ya na ba ito sa isang bar? Minsan kasi ay hindi na n'ya maalala 'yong mga babaeng nak4katal!k sa hotēl kapag sobrang lasing s'ya.
Ang boses ng dalaga parang musika sa pandinig n'ya. Sa hinagap nya'y nakilala na n'ya ito hindi lang n'ya matandaan kong saan.
**
“Aalis kana po ba sir Blake?”
May bahid ng gulat si Anita ng mapansin ang Binata na nakatitig pala sakaniya, mabuti nalang at hindi malakas ng boses n'ya ng makausap ang ateng si Smile.
Nalaman n'ya kasing wala narin pala ito sa bahay nila. Umalis narin ito at nakipag sapalaran wag lang maipag kasundo tulad n'ya, mag kapatid nga sila. Parehas silang mag isip at manindigan pag dating sa buhay na gusto nila.
Masaya s'yang malaman na maayos naman pala ang kalagayan ng kaniyang kapatid. Hindi na n'ya nagawang maitanong kung saan ito napadpad dahil napansin na n'ya si Blake na nakamasid sakaniya.
Ang bilis naman yata kumain nito? Kalalabas n'ya lang ng masupalpal n'ya ang binata sa pambibiro nito sakaniya.
“Umalis ka, baka masagasaan pa kita ng rumaragasang—”
Kaagad na pinatigil ni Anita ang binata sa sasabihin nito. “Sir kung kabastosan lang rin naman ang ilalabas ng bibig n'yo mas mabuting umalis ka nalang ng hindi nagsasalita.”
Napakababaero talaga ni Blake at mukang pati s'ya ay pinag pa-pantasyahan pa.
At kung alam nito na nahagip naman na talaga s'ya ng rumaragasang junjun in just one night, baka manahimik na ito at tigilan s'ya. Ngunit kabaliktaran ang hit and run na nangyari sa dalaga. Dahil sya na nga ang nabangga ng junjun e, s'ya pa ang tumakbo palayo sa lalaking nak4tal!k n'ya.
“M4gkatúlo ka sana.”
Inis na bulong n'ya ng ibarurot ni Blake ang sasakyan. Nasasabi lang n'ya ang gusto kapag hindi na nakaharap ang mga ito, pero kapag nakaharap para s'yang maamong tuta.
“Linisin mo na kwarto ko!”
Nagulat s'ya sa sigaw ni Nate. Inutusan nga pala s'ya nitong linisin ang kwarto ngunit nawala sa isip n'ya. Sermon na naman ang abot n'ya sa masungit na binata.
Ito ang pinaka ayaw n'ya sa mag kakapatid. Sobrang sungit at sama kasi ng ugaling nito. Hindi ito ang mag a-adjust sa tao para makisama. Ang tao ang mag a-adjust para sa binatam. Hirap na hirap s'yang harapin ang masungit na si Nate dahil hindi n'ya tansyado ang pasensya n'ya at baka masagot lang n'ya ito.
“Lagi namang galit si Nate pabayaan mo nalang masasanay karin.” Nakangiting sabi ni Frost kaya lumakas na naman ang loob nya. “After mo sa kwarto n'ya, sa kwarto ko naman.” Dagdag pa nito.
Nawala s'ya sa sarili at iba ang tumakbo sa isipan. Namumula ang pisnge n'ya na nag iwas ng tingin kay Frost, na hindi naman pansin na iba pala ang iniisip n'ya.
“Sige, basta ikaw sir kahit ilang oras pa itagal, mangawit o mapagod man tayong dalawa— este 'yong paglilinis ko sir mamaya nalang po.”
Gustong sampalin ni Anita ang sarili n'ya sa kabastosang naiiisip n'ya. Nahawa na ba s'ya ni Blake? Masyado kasing ma-virus ang lalaking 'yon kaya baka nahawa na s'ya.
“Stop calling me sir. Just call me Frost.”
Mas lalong nadagdagan ang level ng pag hanga n'ya sa binata. Masaya s'yang pumasok sa kwarto ni Nate habang dala ang walis tambo na pinagarap n'yang ipupok sa apat na magka kapatid. Liban kay Frost na ubod ng bait sakaniya.
“Ang tagal mo Anita.” Malamig na wika ni Nate sakaniya kaya naman agad s'yang umisip ng palusot.
“May kalat kasi sa kusina nilinis ko muna, pasensya na.”
“Umpisahan mo na.” Utos nito.
Napataas ang kilay n'ya. Uumpisahan n'ya mag linis habang prenteng nakaupo sa kama si Nate at binabantayan s'ya? Wala s'yang nagawa kundi sumunod sa utos at umpisahan ang paglilinis. Hindi naman madumi pinalinis pa. May phobia ba sa dumi si Nate? Napailing s'ya habang tinutuloy ang ginagawa.
“Stop!”
Napasulyap s'ya sa binata na pinigilan s'yang buksan ang drawer.
“Bakit po sir?«
“I think diyan s'ya nag tago nung hindi ko s'ya napatay sa sprayer na ginamit ko.”
Kinakabahan ang binata kaya lihim s'yang natawa.
Bakit sobrang takot ito?
“Ano po ba 'yon?” Tanong pa ni Anita bago sana sisilipin 'yong drawer ng sumigaw na naman ang masungit n'yang amo.
“Ipis!”
Nandidiring sambit nito. “May ipis sa drawer na 'yan, and i don't like it. Nakakadiri sila ng mga kauri n'ya. Tumawag ka ng pwedeng mag paalis sa ipis na iyan.” Utos pa nito sakaniya.
Natatawang binuksan n'ya ang drawer. “Ako na huhuli para sa'yo sir.” Napabuntong hininga s'ya. “Ipis lang pala eh.” Dagdag pa n'ya ng dadakmain na sana 'yong ipis pero bigla itong lumipad.
“F*ck! I told you!” Namumulang tumakbo ang masungit na si Nate upang mag tago sa likod n'ya. “Kapag dinapuan ako ng nakakadiring ipis na 'yan patay ka sakin." Banta pa nito sakaniya.
Dumikit sa pader ang ipis ng hampasin n'ya ito ng tsinelas. “Problema solve.”Walang emosyong wika n'ya bago kinuha yung ipis gamit ang kamay nya kahit walang gloves.
Hindi s'ya takot sa ipis, palaka o kahit ano pa mamg nakakadiring insekto. Ang mas bagay na kinakatakot nya ay mahanap sya ng magulang nya.
“Crazy girl.” Bulong ni Nate bago iritadong napairap kay Anita.
“apos na po ako, pwede na ba akong lumipat sa kwarto ni sir Frost?”
Tumango lamang ang binata. Excited s'yang tumungo sa kwarto ng hinahangaan n'ya na si Frost. Bukas naman ang pinto kaya hindi na sya kumatok. Sumilip muna sya at akmang papasok na ng makita n'ya ang hubad na likuran ng binata.
Natutop n'ya ang bibig nya hindi dahil sa kitang-kita n'ya ang hubog ng likod nito pati ang pwetan, kundi dahil sa tattoo nito sa bewang na sobrang kilala n'ya.
“Butterfly.” Sambit n'ya.