“Anita busy ka?”
Natigilan s'ya sa pag wa-walis ng humarang si Bambam. Masamang titig ang ibinigay n'ya rito bago itinuloy pag wa-walis. “Bulag ka po ba?”
Nahihirapan na s'yang itago ang tunay n'yang ugali. Hindi naman s'ya masungit pero hindi rin naman ganun kahaba ang pasensya n'ya.
“Laro tayo.”
“Sige, linisin mo buong bahay tapos pag tapos kana pagbibigyan kita.” Yamot na wika n'ya bago inabot ang walis sa kay Bambam.
Napakamot naman sa ulo ang binata bago takang tumingin sakaniya. "Ako? Bakit ako? Ikaw kaya 'yong katulong so, dapat ikaw maglili—”
Pigil na pigil si Anita upang hindi masaktan ang binata sa k4tangahan nito. “Parang awa mo na lumayo kana lang.” Pakiusap n'ya.
"Bakit?"
“Tigilan mo ako ng katatanong mo isip bata!” Galit na sigaw n'ya.
Nanlaki ang mata n'ya at nalungkot ang itsura nito. Agad n'ya itong nilapitan para bawiin 'yong nasabi n'ya. Kapag nakarating ito kay Nate ay malilintikan s'ya. “Bambam sorry. Ikaw kasi eh. Hayaan mo kapag tapos na ako rito mag lalaro tayo. Ayos ba?”
Napailing si Nate ng marinig ang usapan ni Anita at Bambam. Wala naman talaga s'yang pake basta wag lang sakaniya gagawin. Tahimik s'yang tao at may sariling mundo. Hindi na n'ya sakop ang ginagawa at gusto nang mga kapatid n'yang kinulang yata sa buwan kaya ganun nalang umasta.
Si Frost ang pinakamatino n'yang nakakausap. Si Bambam ay masahol pa sa limang taong gulang na bata, si Gummie naman ay ubod ng takaw, at si Blake? Ubod ng babaero kaya hindi rin n'ya gustong kausap.
“Minamanmanan mo na naman si Anita?”
Tinaasan n'ya ng kilay si Gummie na may salpak na namang pagkain sa bunganga. Itlog lang naman lagi ang gusto nito. Scrumble, sunnyside up, nilaga at adobong itlog ang pabalik-balik na lutong gusto nito.
Kahit hindi s'ya kumakain ay nadadalok s'ya sa tuwing makikita ang kapatid na kumakain nito.
“Bro, sana naging itlog nalang ako.”
Napailing s'ya at hindi pinansin si Gummie.
“Sana sa susunod na buhay ko ipanganak ako bilang itlog. Para kasing masaya 'yon.” Patuloy lang ito sa pagsasalita habang si Nate ay walang emosyong nakaupo sa sofa at prenteng sumisimsim ng kape.
“Kausapin mo naman ako.”
Sinulyapan n'ya ang makulit na si Gummie. “Gusto mong palayasin kita sa bahay ko?"”
“Lima tayong may karapatan dito sabi ni Lolo!” Napataas ang bosesni Gummie sakaniya kaya mas uminit ang ulo n'ya.
“Sinisigawan mo kuya mo?” Malamig na tanong n'ya.
“Oo nga naman wag mong sisigawan nakakatanda sa'yo.” Tinapik s'ya ni Frost sa balikat at tumabi.
“Si Lolo inalis ako sa mataas na posisyon.” Napailing pa ito. "Tiyak ko susunod kana, baka imbis na maging susunod na mamamahala ay maging empleyado kana lang rin.”
“Hindi ako papayag.” Mabilis na sagot n'ya.
“Ako nga ginawang office janitor.” Kibit balikat na wika ni Frost.
“Janitor?” Napakalumbaba s'ya habang nag iisip. “Ano bang trip ni tanda?”
“Lolo parin natin s'ya.”
"Para sa'kin isa lang s'yang uugod-ugod na matandang walang magawa sa buhay. Hindi n'ya ako mapapasunod sa gusto n'ya. Kakausapin ko si Dad na uuwi nalang ako sa London kung gaganituhin lang n'ya ako.” Inis na wika n'ya bago nag dial ng numero nang kaniyang ama.
“Hindi mo s'ya matatawagan.” Napatitig s'ya kay Frost dahil parang alam nito ang lahat. “Kay Lolo na n'ya tayo pinag katiwala, at ang sabi pa hindi natin s'ya maco-contact.
“Hinding-hindi ako magiging aso na taga sunod nila. Sasabihin ko na 'to sa'yo ngayon para lang alam mo.” Tumayo s'ya at humakbang palayo kay Frost. “Magiging susunod akong mamamahala sa kompanya, at hindi ako papayag na sa'yo 'yon ibigay.”
Iniwan n'ya ito at hindi na hinintay ang isasagot sakaniya. Wala s'yang pake kahit mag ka-kapatid sila. Ang gusto n'ya lang ay ang kompanya. At dahil s'ya ang panganay at pinaka mas matino sakanila ay s'ya dapat ang mamuno.
Masyadong mataas ang pride ni Nate. Hindi n'ya kailan man ginusto na malamangan s'ya ng mga kapatid.
**
Pagod na naupo sa sofa si Anita, madami s'yang ginawa kaya naman sobrang sakit ng balakang, paa at kamay n'ya. Hindi naman siguro masama kong mag pa-pahinga muna s'ya kahit ilang minuto lang.
“Hindi kita pinapasahod para lang maupo.”
Agad s'yang napatayo sa narinig mula kay Nate. Napaiwas s'ya nang tingin bago dinampot na ulit ang basahan na ginagamit n'yang pangkuskos sa mga dumi sa sulok.
“Tapos naman na s'ya.” Sabat ni Frost. “Anita is not a robot, Nate.”
Lagi nalang dumarating ang binata para sagipin s'ya. Lumalaki na tuloy ang ulo n'ya, parang ipinanganak si Frost para maging hero n'ya.
Lihim s'yang napangiti ng umalis si Nate at hindi na umangal pa.
“Kumain kana ba?” Nakangiting tanong ni Frost.
Inipit n'ya ang buhok na nakalaylay sakaniyang tenga. “Busog pa naman ako.” Napangiti rin s'ya at pasimpleng inayos ang sarili n'ya. Pawisan na kasi s'ya dahil sa kakawalis at kakakuskos ng mga bintana.
“Ako gutom!”
Sabay silang napalingon kay Gummie na bigla nalang sumulpot.
“Eklog ang gusto ko, thank you.”
Kinuyom ni Anita ang kamao n'ya masyado kasing sabatero at papansin ang ibang kapatid ni Frost. Hindi na s'ya nag paalam pa dahil kaagad na s'yang umeskapo upang matakasan ang matakaw na si Gummie. Kakatakas nga lang n'ya kay Bambam na kanina pa s'ya kinukulit makipag laro.
Pagod s'ya sa mag hapon kakalinis. Ngayon nalang s'ya nakapag open ng social media account n'ya. Gumawa s'ya ng bagong account para sa pangalan n'ya. Apelyido lang naman ang iniba n'ya at iba rin ang profile n'ya. Anime ang ginawa n'yang display para may ipang chat lang sa kaybigan.
Sa pinakahuli ang kwarto n'ya, pero kwarto muna ni Nate bago 'yong sakaniya. Ginawa muna itong pansamantalang silid n'ya dahil 'yong dapat talagang maid's room ay ginawang bodega.
Hindi rin sound proof ang kwarto kaya makakarinig ka talaga ng ingay. Tumayo muna si Anita at lumabas upang i-check kong nakasarado na ba ang mga pinto.
Pabalik na sana s'ya sa kwarto n'ya ng mai-check lahat, pero nakarinig s'ya ng ingay mula sa kwarto ni Blake.
Ūng0l ang ingay na naririnig n'ya. Napailing s'ya ng mapagtanto na may inuwi na naman palang babae ang binata. Inilapit n'ya ang tenga n'ya sa pinto upang mas marinig pa, baka kasi mali lang s'ya ng iniisip.
Ang ūng0l ng babae sobrang lakas naman yata. Biglang pumasok sa utak n'ya ang malaking kasalanan na nagawa n'ya that night. Uminit ng pakiramdam n'ya at agad na bumalik sa kwarto n'ya.
Pabagsak s'yang nahiga sa kama. Bakit parang hinahanap hanap ng katawan n'ya?
Nanunuyot ang labi n'ya at lalamunan na para bang uhaw na uhaw sa halik nang lalaking n4katāl!k n'ya. Bumalik sa alaala n'ya ang bawat h4plos at h4lik nito sakaniya. Habang lumilipas ang araw mas n4sasab!k s'ya na maulit ang nangyari.
Maagang nagising si Anita kaya naman masakit ang ulo n'ya. Daig pa n'ya ang may hangover kahit hindi naman s'ya uminom.
“Sinong walang bra kahapon?” Nakangising tanong ni Blake kaya agad n'yang tinakpan d1bd1b n'ya dahil sa titig nito sa h!nahar4p n'ya.
“Blake alam mo ang rules. Patulan mo na lahat pati b4kl4 wag lang ang katulong natin.”
Paalala na naman ni Nate.
“Fine, easy lang parang nagseselos ka yata eh.”
Silang dalawa talaga ang mahilig mag asaran. Mapag patol kasi si Blake sa kahit na sino at ubod rin ng kayabangan sa katawan.
“But if you want Anita pwede mo ako
g4pang!n sa kwarto always bukas 'yon.”
Bulong ni Blake sakaniya sabay kindat.
“Salamat nalang, pero kasi kung mang- g4gapāng man ako sa lalakeng malinis na, baka kasi may tūlo o HIV kana dahil sa dami ng naikak4ma mo." Nakangiting sagot n'ya sa binata, bago iniwan ang mga ito sa hapag kainan.
Umagang-umaga kalokohan agad ang alam. At may pakindat pa? Hindi s'ya madadala nito sa istilong ganun. Isang beses lang n'ya ibinigay ang s4rili n'ya at hindi na mauulit pa iyon dahil ayaw na n'yang mag kamali na naman.