Pagkatapos ng practice ay agad akong nagpalit. Bigla rin kasing tumawag sa akin si Win at sabay na raw kaming mag-dinner. Dumating na pala siya kaninang umaga galing States at babalik sa New York for her clothes design competition. Minsan ko nga ring nakita ang mukha niya sa magazine at magaganda ang mga design na iginuguhit niya. Hindi ko inakalang ang pagsama niya sa akin sa CFAD course ay magiging daan din sa posisyon kung nasaan siya ngayon. You really don't know what tomorrow brings you. "You're on hurry?" ani ng boses mula sa likod ko at isinara ang locker kung saan nakalagay ang bag ko. "Yes, Mr. Farhall," sabi ko na medyo sarkastiko. "Maybe I'll ask you next time," aniya at saka umalis nang hindi hinihintay ang sasabihin ko. Nagkibit-balikat na lang ako at nang makita ko ang s

