Pitong taon ang dumaan at medyo malaki na ang pinagbago ng syudad. Ang dating naglalakihang gusali ay mas lumaki pa. Pitong taon din akong nanirahan sa Saint Petersburg at sa dumaang taong iyon ay isang beses lang akong bumisita dito. Si kuya naman ang pumupunta sa Russia every Christmas at bumabalik din ng Pinas pagkatapos ng bagong taon. May pinorpormahan na rin ata ang gurang. Bigla kong naalala si Winwin. Minsan ay sa face time na lang kami nag-uusap. Nabalitaan ko pang hindi rin sila nagtagal ni Miguel tatlong taon pagkatapos kong umalis ng Pinas. Minsan niya ring nabanggit sa akin si Arthur na ngayo'y nagpapatakbo ng isang Art gallery dito sa Manila. Benta rin ang art works niya at ng iba pang artists na nagpapasa sa kaniya. And about his rumor girlfriend, hindi ko alam. Isang beses

