Kabanata 12

1307 Words
Kinabukasan, mabigat ang katawan ni Victoria nang magising siya. Parang nananakit ang kalamnan niya. Dinama niya ang sariling noo at napagtantong nilalagnat pala siya. Ayaw niya sanang bumangon pero dahil naiihi na siya, wala siyang nagawa kundi ang pilitin ang sarili niya. Nang makaupo siya sa toilet bowl ay mariin siyang napakapit sa pinakamalapit na pader. Sobrang hapdi ng pagkababaé niya. Hindi niya mapigilan na mapaluha. Mukhang namaga din iyon. Matapos niyang magbawas ay agad siyang naghanap ng salamin tsaka tiningnan ang kanyang perlas. Napangiwi siya nang makitang may sugat iyon at hindi na maiwasan na mapahikbi. "Where is Victoria? Hindi pa ba siya nagigising? It's already eight in the morning," kunot noong sambit ni Natalia habang nasa hapag na sila. "Maybe she's enjoying her new room," kibit balikat na sagot ni Wilfred. Sarkastiko namang natawa si Natalia. Napakaignorante talaga ng babaeng yun! She's curious how that monster-faced mother of hers raised Victoria. Ilang sandali pa'y dumulog na sa hapag si Nik. Nagtataka siyang napatitig sa kanyang ina nang hindi pa ito nagsimulang kumain. "What's wrong?" "Your wife. She's still not here gayong oras na ng agahan," buntong hiningang tugon ng ginang. Nagkibit-balikat naman si Nik. "Maybe she's tired," aniya at nagsimula ng kumain. Kunot noo namang napatingin si Natalia sa kanyang anak. "Why would she be tired? Wala namang trabaho yun buong araw kundi ang humilata lang!" Hindi na sumagot pa si Nik at nagpatuloy na sa pagkain. She's tired because he fúcked her last night. But he had no plans in telling his mother. That will be awkward of ever. "Irene! Tawagin mo nga si Victoria!" Utos ni Natalia sa kasambahay nila. Agad namang tumalima si Irene at naglakad na papunta sa silid ni Victoria. Kasalukuyang nakahiga si Victoria sa kama nang makarinig siya ng katok. Marahan siyang bumangon at paika-ikang naglakad sa may pinto at binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Irene. "Pinapatawag ka na ni Madam Natalia. Nasa hapag na sila at ikaw nalang ang hinihintay," anito at tinalikuran na siya. Buntong hininga niyang pinagmasdan ang likuran ni Irene bago niya isinara ang pintuan at nagmamadaling inayos ang kanyang sarili. Pinili niyang balewalain ang iniinda niyang sakit at agad na lumabas ng kanyang silid. Nang makarating siya sa hapag ay nasa kalagitnaan na sa pagkain ang mga ito. Hindi nag-angat ng tingin si Nik na para bang wala itong nakita. Tanging ang mag-asawa lang ang sumulyap sa kanya. Hindi paman siya nakakaupo sa silya, tumayo na si Nik mula sa upuan nito. "I'm done eating. I gotta go," paalam nito sa mga magulang at umalis na ng dining room. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin bago marahan na naupo. "Ganito ka ba sa inyo? Pinaghihintay mo ang mga tao sa hapag? It's already passed eight. Gising ng taong tamad yang ginagawa mo, Victoria," malamig na turan ni Madam Natalia nang mawala na si Nik sa paningin nila. Kagat labi siyang napayuko. "Pasensya na po, Madam Natalia. Masama po kasi ang pakiramdam ko." Pabagsak nitong inilapag sa mesa ang hawak nitong kubyertos bago nag-angat ng tingin. "That's a very old excuse for someone who doesn't want to wake up early. Don't do this again, nextime. Bukas gumising ka ng maaga. Hindi ka prinsesa dito," dagdag pa nito bago tumayo na sa hapag. "I already lost my appetite," anito at tumalikod na. Tumikhim si Don Wilfred at tumigil narin sa pagkain. "Kumain ka na, Victoria." "S—sige po," mahina niyang sambit. Tumayo na ang Don at iniwan narin siya. Tanging siya nalang mag-isa ang nakaupo sa mahabang mesa na may lamang maraming pagkain. Ilang beses siyang napalunok para mawala ang bikig sa lalamunan niya. Bakit kaya ganito ang nararamdaman niya? Masarap naman ang pagkain pero wala siyang ganang kumain. Parang nilulukob ng kalungkutan ang puso niya. Kaunti lang ang kinain niya. Agad namang dumulog ang ilang kasambahay para iligpit ang pinagkainan nilang lahat. Dahan-dahan lang siyang naglakad paalis sa dining table nang makasalubong niya si Irene. Sa tingin niya ay mas matanda ito sa kanya. Siguro nasa mga lampas trenta na ang edad ng babae o higit pa. "Ahm, Ate Irene, may gamot po ba kayo sa lagnat?" Mahina at nahihiya niyang tanong. Tiningnan siya nito bago tumango. "Meron naman. Sumunod ka sa akin." Dinala siya ng babae sa isang silid kung saan maraming mga kama ang naroon. "Ito ang servants quarters. Dito kami natutulog." Napatango-tango naman siya. Agad siya nitong binigyan ng isang pad ng paracetamol na ipinagpasalamat niya. "Pinakaayaw ni Madam Natalia ang tinatanghali ng gising. Ayaw niya rin ng malamya kung kumilos. Ayaw din siya sa tsismosa at pakialamera. Lahat ng utos niya o nais niya ay dapat na masusunod. Kung ayaw mong palaging mapapagalitan, tandaan mo ang mga sinabi ko," seryoso nitong turan at muli na siyang tinalikuran. Huminga siya ng malalim bago naglakad pabalik sa kusina. Uminom siya ng isang tableta ng paracetamol bago naglalad-lakad hanggang sa makarating siya sa malawak na hardin ng mansion. Maraming naggagandahang bulakalak doon at mukhang alagang-alaga talaga. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago hinugot sa kanyang bulsa ang luma niyang cellphone saka tinawagan si Jessa. Mabuti nalang at mabilis din naman siyang sinagot ng kaibigan niya. "Kumusta ka diyan, Tori? Maganda ba ang mansion ng mga Ardiente?" Excited na tanong ni Jessa. Tipid na ngumiti si Victoria. Halos lampas isang araw palang pero namimiss na niya ang kaibigan niya. "Oo Jessa. Sobrang ganda at sobrang laki pa tapos ang sarap ng mga pagkain. Sobrang dami nilang ulam," kwento niya. "Wow! Ang swerte mo naman pala diyan!" Sa sinabi nito ay natigilan siya. Tunay nga bang maswerte siya sa kalagayan niya? "Eh si Governor kumusta? Ang sweet niya sayo noong nagpunta siya dito para sunduin ka! Naghoneymoon na ba kayong dalawa?" Kahit hindi niya ito kaharap, sigurado siyang parang kiti-kiti ito dahil sa excitement sa balitang maaari nitong makuha sa kanya. "Okay din naman siya," pagsisinungaling niya. "Weh? Kumusta ang cherry pempem natin? Buo pa ba?" "Jessa!" Naiiskandalo niyang saway. Isang malakas na tawa ang pumailanlang sa kabilang linya bago ito muling nagsalita. "And damot naman nito. Nagtatanong lang eh." "Ang awkward ng tanong mo!" Reklamo naman niya. "O Sige na. Hindi na ako magtatanong." Huminga siya ng malalim bago nagtanong sa tunay na pakay niya at tinawagan niya ang babae. "Kumusta si Nanay Vicky, Jessa? Ayos lang ba siya?" Nag-aalala niyang tanong. "Hindi ako sure. Lumalabas naman siya ng bahay ninyo paminsan-minsan pero alam mo na, masungit yung nanay mo. Hindi halos makausap." "G—ganun ba?" "Hmm, balita ko maglalabada siya ngayon sa kapitbahay natin," kwento pa nito. Agad siyang nakaramdam ng kalungkutan. Ngayong wala na siyang trabaho, wala na siyang perang maipantustos sa kanyang ina at sa mga utang nila. Madalas pa namang nang-aaway ang mga nautangan nila at nag-eeskandalo pa. "Hayaan mo, uuwi rin ako diyan at bibisitahin ko si Nanay. Sa ngayon pwede bang ikaw muna ang tumingin-tingin sa kanya?" "Walang problema, Tori." Matapos makausap si Jessa, muling binalot ng kalungkutan ang puso niya. Kahit na masungit ang nanay niya, miss na miss na niya ito. Kapag nagkaroon siya ng pagkakataon ay uuwi siya sa kanila oara bisitahin ito at muling humingi ng tawad. Ibinalik niya sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone nang bigla nalang may kamay na lumahad sa harapan niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay si Madam Natalia ang nasa harapan niya. "Give me your phone," maawtoridad nitong utos. Wala sa sarili niyang inilagay sa palad nito ang kanyang cellphone. "Sinong kausap mo?" "K—kaibigan ko po," marahan niyang sagot. Inilagay nito ang kanyang cellphone sa bulsa nito bago umupo sa bakanteng bench malapit sa kinatatayuan niya. "You won't be needing a phone from now on. You are also not allowed to talk to anyone from outside kahit kakilala mo pa ngayong nandito ka na sa puder namin…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD