"P—po?" Gulat siyang napatitig sa ina ni Nik.
Agad na tumikwas ang isang kilay ng ginang habang nakatingin din sa kanya. "Why? Do you have any problems about it?"
Napalunok siya. Napagtanto niyang hindi talaga siya gusto ng ina ni Nik. Patunay lang ang malamig at mataray nitong pakikitungo sa kanya. At tanging ang dahilan lang kung bakit siya nito ipinakasal sa anak nito ay para sirain ang reputasyon ng dating gobernador at hindi ang panagutan siya.
"Wala naman po. Pero nais ko lang pong magtanong kung bakit hindi ako pwedeng gumamit ng cellphone. Ang kaibigan ko lang naman po ang nais kong kausapin para kumustahin ang Nanay Vicky ko."
Umangat ang sulok ng labi ng Donya bago ito tumayo at nakipagsukatan ng titig sa kanya. "This is the first time that someone who's just below me questioned my rules here in the house. I can say, your bold huh!"
"I will tell you this just for once, ako ang nasusunod sa pamamahay na ito. Hindi si Nik. Hindi rin ang asawa ko. And if I say you won't talk to the people outside, susunod ka sa utos ko. Hindi mo magugustuhan kapag ginagalit mo ako ng tuluyan, Victoria," malamig nitong dagdag.
Sandali pa siya nitong tinitigan bago siya tinalikuran at naglakad na paalis sa hardin. Naiwan siyang tulalang nakatayo sa kinaroroonan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya pwedeng kausapin ang kaibigan niya na nasa labas ng mansion gayong wala naman siyang masamang intensyon.
Wala na siyang nagawa pa kundi ang pumasok sa loob ng silid na tinutuluyan niya nang bagsak ang mga balikat. Paano na siya makakatawag ngayon wala na siyang cellphone? Wala pa naman siyang pambili ng bago.
Buong araw siyang tulog dahil sa bigat ng kanyang katawan. Ni hindi na nga siya nag-abala pang kumain ng tanghalian.
Nagising nalang siya nang maramdaman na may humihimas sa kanyang binti paatas sa kanyang mga hita. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at napagtantong si Nik ang naroon.
"I want you," seryoso nitong bigkas.
Napakurap-kurap siya. "I—ibig mong sabihin..."
"Yes. I'm hórny so I want to f**k you tonight."
Napalunok siya. "Pero kasi Nik—"
"Don't give me a fúcking excuse, Victoria. Ginusto mong magpakasal sakin kaya wala kang karapatan na magreklamo at tumanggi!" Galit nitong asik.
Hindi na siya nakaangal pa nang magtanggal na ito ng damit sa harapan niya. Ang tanging ginawa nalang niya ay humiga sa kama at hintayin kung ano ang susunod nitong gagawin.
Ilang sandali pa'y kinubabawan na siya nito at sinimulan ng halikan pero dahil sadyang masakit ang katawan niya lalo na ang pagkababaé niya kasabay ng mataas niyang lagnat ay wala siyang naging reaksyon.
Maya-maya pa'y nayayamot na tumigil si Nik at pinukol siya ng isang nakamamatay na tingin. "Tangina! What the hell is wrong with you!"
Hindi niya mapigilan ang sarili na mapahikbi. "S—sorry. Nilalagnat kasi ako, Nik tsaka masakit ang buong katawan ko," mahina niyang sambit.
"Bullshít!" Malutong nitong mura.
Napayuko nalang siya. Bakit parang kasalanan pa niya na nagkasakit siya gayong ito naman ang may kagagawan?
"Pasensya na. Hindi ko naman 'to ginusto na magkasakit. Bigla nalang akong nilagnat kanina tsaka... tsaka ang sakit ng ano ko. Natingnan ko kanina tapos nakita ko nasugatan siya at namaga din," nahihiya niyang wika.
Ilang sandaling nanatiling nakatitig si Nik sa kanya pero maya-maya lang ay mahina itong natawa. "f**k! What a bad timing!"
Huminga ito ng malalim bago kagat labing pinulot ang damit nitong nahubad. "Magbihis ka. Hihintayin kita sa labas. Pupunta tayo ng ospital," anito at tinalikuran na siya.
Nang makaalis si Nik sa loob ng kanyang silid ay saka lang siya bumangon at maingat na bumaba sa kama. Hindi na siya nagbihis ng damit at kumuha ng nalang ng jacket.
Pagdating niya sa salas, kasalukuyan na nakaupo si Nik sa may sofa habang may kausap sa cellphone nito. Hindi naman niya inistorbo ang lalaki at hinayaan lang ito hanggang sa matapos.
"Let's go," ani Nik at nagpatiuna na sa paglalakad palabas ng mansion.
Sa labas, naghihintay ang sasakyan ng lalaki. Nang makita niya itong sumampa ay sumakay narin siya sa passenger's seat at ilang sandali pa'y binabaybay na nito ang daan palabas sa gate.
"Bakit nga pala tayo pupunta ng ospital?" Tanong niya para makapagsimula sila ng pag-uusap. Isa pa ay may paracetamol din naman siyang nahingi kay Irene kanina.
"Isn't it obvious? Kailangan mong magamot!" Masungit nitong wika.
"Pero lagnat lang naman ito. Mawawala din naman siguro pagkatapos ng ilang araw."
Nilingon siya ni Niklaus na may nayayamot na ekspresyon sa mukha nito. "Can't you just shut up? Kung ako lang ang masusunod, hindi kita dadalhin ng ospital para ipagamot but since you are my responsibility dahil nasa puder kita, kailangan kitang pag-aksayahan ng oras na dalhin doon!"
Sa pagkakataong iyon ay natahimik siya. Hindi pala bukal sa loob nito ang ginawa nito kaya't bahagya siyang nakaramdam ng lungkot.
Pinili nalang niyang manahimik hanggang sa makarating sila sa isang malaking building sa bayan. Bago paman sila bumaba, nagsuot na si Nik ng isang cap at mask at inabutan din siya ng lalaki.
"Wear that! Kailangan walang makakita sa mukha natin," anito bago naunang bumaba.
Para hindi na siya nito mapagalitan, sinunod niya agad ang utos ng lalaki. Pagkatapos niyang masuot ang mask, bumaba narin siya ng sasakyan at magkasabay na silang naglakad papasok.
Nang makarating sila sa may elevator ay nauna si Nik habang siya, nanatiling nakatayo sa labas. Iyon ang unang beses na makakasakay siya ng elevator dahil wala namang ganun sa resort na pinagtatrabahuhan niya.
"What are you still doing there?" Naiinis nitong untag sa kanya.
Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi. Hindi kaya siya mahihilo sa elevator kapag sumakay siya? Bago paman siya makahuma ay hinawakan na ni Nik ang kanyang braso at marahas siyang hinila papasok. Muntik pa siyang mapasubsob sa sahig. Mabuti nalang at napaatras siya.
"Are you stupid or what? Kaya nga tayo nagsuot ng cap at mask para hindi tayo makilala ng kung sinong dadaan tapos tatayo-tayo ka sa labas na parang naghihintay ng himala?" Galit nitong asik.
"Sorry," mahina niyang bigkas.
Hindi na siya kinausap pa ni Nik hanggang sa makalabas na sila ng elevator. Maya-maya pa'y pumasok sila sa isang silid at sumalubong sa kanila ang isang medyo may edad ng babae.
"Magandang gabi po Governor Ardiente," bati nito.
"Good evening."
"Siya na ba ang sinasabi ninyo?" Tanong nito bago inilipat ang tingin sa kanya.
"Yeah. Can you check her out?"
"Sure, Gov," anito bago lumapit sa kanya. "This way, Miss."
Maya-maya pa'y tinanong na siya ng doctor tungkol sa mga naramdaman niya. Walang pag-aalinlangan naman niyang sinabi sa babae ang lahat. Pinahubad din siya nito para tiningnan ang maselang bahagi ng katawan niya.
"Wag ka ng mahiya. I'm a gynecologist kaya normal lang sa akin ang makakakita ng ganyan," mahinahon nitong wika.
Buntong hininga siyang tumango at hinubad na ang kanyang suot pang-ibaba. Ilang saglit pa'y inexamine na siya nito.
Mataman namang naghintay si Nik sa resulta ng check-up ni Victoria. Panay pa ang tingin niya sa kanyang wrist watch at nakaramdam na ng pagkainip. Mabuti nalang at ilang sandali pa'y lumabas na ang doctor.
"So? How is she?" Tanong niya.
"The patient is experiencing a vàginal laceràtion, Gov. Siguro nabigla siya sa séxual activity na nangyari sa pagitan ninyo. Idagdag mo pa na petite type of woman si Miss Victoria."
Napaiwas siya ng tingin. Bigla siyang nakaramdam ng pagsisisi kung bakit sumama pa siya sa check-up nito. Was he that hard last night, eh isang beses lang naman yun at wala na ngang second at third round!