"May mga irereseta akong gamot sa kanya Gov, and be mindful na wala munang séxual contact hangga't hindi naghihilom ang sugat niya down there," dagdag pa ng doctor.
Marahas naman siyang napalingon dito. "How long will it take then before doing it again?" Tanong niya na may bahid ng pagkairita.
"Rest assured that it can be healed within one to two weeks. And before doing it again, try making it gentler until she can fully adapt to your size," kaswal na wika ng doctor.
Wala na siyang nagawa pa kundi ang tumango. Matapos niya itong papirmahin ng Non-disclosure agreement ay lumabas na sila ng ospital at bumalik sa loob ng kotse.
Inihagis niya sa kandungan ni Victoria ang gamot na ibinigay ng doctor sa kanya. "Inumin mo yan para gumaling ka," malamig niyang turan at pinaandar na ang kotse.
Marahan namang dinampot ni Tori ang mga gamot na ibinigay ng lalaki sa kanya saka tahimik iyong itinago.
"And one more thing, wala kang pagsasabihan ng mga nangyayari sa pagitan natin kahit na sino payan. At hindi mo rin babanggitin ang dahilan kung bakit tayo nagpunta dito, nakakaintindihan ba tayo?" Ani Nik habang naniningkit ang mga matang nakatitig sa kanya.
"Kahit ba ang Mama Natalia mo?" Mahina niyang tanong.
"Hindi ka ba nakakaintindi ng kahit na sino?" Sarkastiko nitong tanong.
Agad naman siyang tumango. "Masusunod ang ibinilin mo. Hindi ako magsasalita."
"Good!" Anito at pinausad na ang kotse.
Habang nasa byahe sila, hindi sinasadyang panay ang tunog ng sikmura niya.
"Why is your stomach so noisy, Victoria?!" Masungit nitong tanong.
Napanguso naman siya. Napakabugnutin talaga ni Nik kapag kausap siya. Taliwas sa palangiting gobernador na nagustuhan niya noong hindi pa niya ito nakilala sa personal. "Hindi pa kasi ako nakakakain ng tanghalian at hapunan, Nik dahil nakatulog ako."
Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga bago kumambyo at huminto sa isang building. Maya-maya pa'y may crew na dumungaw sa may bintana at nagtanong ng order na sinagot naman ni Nik.
Tahimik lang siyang nakaupo sa passenger's seat at panay ang linga sa paligid. Kahit pala gabi na marami paring tao sa bayan, taliwas sa lugar nila na kapag sasapit na ang dilim, tulog na halos ang lahat pwera nalang kung nasa resort siya.
Napapitlag siya nang inabot nito sa kanya ang isang paperbag na may lamang pagkain. Agad na nanuot sa kanyang ilong ang mabangong aroma ng fried chicken.
"Kumain ka then drink your medicine," kaswal na wika ni Nik.
Hindi niya mapigilan ang mapangiti. "Salamat sa pag-aalala mo, Nik—"
"Don't flatter yourself too much, Victoria. I'm just doing this so I can f**k you again after two weeks kapag gumaling ka na. I don't genuinely care about you. It's just that you are useful to me, particularly your body kaya kita ipinagamot," malamig nitong turan.
Unti-unting napalis ang ngiti sa labi niya at napalitan ng lungkot. Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi kasabay ng paghigpit ng pagkakahawak niya sa paperbag na may lamang pagkain.
Pinausad na ni Nik ang sasakyan at hindi na siya muling kinausap pa hanggang sa makarating sila sa mansion.
Gaya ng madalas nitong ginagawa, nauuna itong bumaba at pumasok sa loob. Huminga siya ng malalim bago sumunod sa lalaki. Nang makarating sila sa salas ay natigilan sila nang makita si Madam Natalia na nakaupo sa sofa at mukhang hinihintay sila.
"Lumabas ka kasama siya?" Tanong nito kay Nik.
"She's sick so I brought her to a doctor," kaswal lang na sagot ng lalaki.
"Really? Then what about the people around? They will gossip kapag nakita kayong dalawa na nagpunta ng ospital. Those people will immediately create their own narrative to ruin you—"
"Don't worry, Ma. I am very careful. Walang nakakakilala sa amin doon," tamad na sambit ni Nik.
"Sigurado ka?"
"Yeah. It's already late at night. Matulog na po kayo. I'm also tired and I want to rest," anito at umakyat na sa malaki at magarang hagdanan ng mansion.
Isang mapanuring tingin ang ipinukol ni Madam Natalia sa kanya. Nang tuluyan ng makapasok si Nik sa silid ito ay saka palang nagsalita ang ginang.
"Hindi ka kumain sa pagkain dito na inihanda ng mga kasambahay and yet you had the audacity to ask my son to buy you food from outside?" Nakataas ang isang kilay nitong tanong.
Napalunok siya bago sumagot. "H—hindi naman po ako nagpabili kay Nik. Siya po ang kusang bumili nito para sakin."
Mukha mang inosente kung tingnan si Victoria, she knew that this woman is dangerous when she gains knowledge.
"Bakit ka dinala ni Nik sa ospital?" Tanong niya.
She saw how Victoria's eyes moved before answering her question.
"Ahm, nilagnat po kasi ako dahil sa urinary tract infection," pagsisinungaling ni Victoria.
Umangat ang sulok ng labi ni Natalia sa naging sagot nito. Gayunpaman ay hindi na niya kinulit pa ang babae. "You can go now."
Bahagya siyang nakaramdam ng ginahawa sa sinabi nito. Mabilis pa sa alas kwarto ang naging kilos niya at agad na nagtungo sa silid na ginagamit niya. Ni hindi na nga niya alintana kung masakit pa ang pagkababaé niya. Ang importante ay makalayo siya sa ina ni Nik.
Pagdating niya sa loob ng silid niya ay agad niyang binuksan ang pagkain na binili ni Nik. Galing iyon sa isang sikat na fast food chain ng bansa. At kung hindi siya nagkakamali, halos isang beses palang yata siyang nakatikim ng pagkain na ganito dahil wala naman siyang pambili. Nauubos lang naman ang sahod niya sa pagbabayad ng utang nila at iba pang gastusin sa bahay nila.
Agad niyang nilantakan ang fried chicken. Napapikit pa siya habang nilalasap ang lutong ng manok. Grabe, walang panama ang manok na twenty pesos ang halaga sa kinakain niya. Iba na talaga kapag mayaman. Nakakabili ng ganito kasarap ng na pagkain.
Nang makapasok na sa loob ng silid si Victoria ay agad na ipinatawag ni Natalia ang kanyang personal assistant na si Leah.
"May iuutos po ba kayo, Madam?"
"Alamin mo kung saang ospital dinala ni Nik si Victoria at kung ano ang sakit niya," maawtoridad niyang utos.
Agad namang tumango ang babae. "Masusunod po, Madam Natalia."
Sinenyasan na niya itong umalis sa harapan niya na agad namang nitong sinunod. Nang mapag-isa nalang siya, sumandal siya sa upuan habang inaalala ang ekspresyon ng mukha ni Victoria. She's clearly lying just by the glint of her eyes.
Pero sige lang. She will let her slide for now dahil hindi magtatagal mawawala din naman ito sa landas nilang magpamilya. And she will also become her pawn with the drama she's going to create very soon.
Walang ginawa si Victoria kinabukasan kundi ang magpahinga. Hindi niya rin nakita ang mga magulang ni Nik at ang lalaki mismo.
Buntong hininga siyang umupo sa silya malapit sa may bintana. Muli na namang sumapit ang gabi na wala siyang ginagawa. Noong una, akala niya ay okay ang ganun subalit nang lumipas na ang mga araw, napagtanto niyang mas nakakapagod pala ang nakatunganga lang buong araw kaysa may trabaho ka.
Ilang sandali pa'y napapitlag siya nang bumukas ang pintuan ng kanyang silid at pumasok si Nik. Napakurap-kurap siya. Sabi ng doctor bawal pa silang magsiping kaya bakit naroon ang lalaki sa kanyang silid.
“N—nik,” mahina niyang bigkas.
Namumungay ang mga mata nito at halatang nakainom na naman. “I want you tonight.”
Namilog ang kanyang mga mata. “P—pero diba—”
“I'm not going to f**k you down there.”
Nalilito siyang napatitig sa lalaki. Umangat naman ang kamay nito at dumako sa kanyang nakaawang na labi at marahan iyong hinaplos.
“I want to use this pretty mouth of yours, Victoria. You're going to give me a good head tonight…”