Kabanata 6

1123 Words
"What was that earlier, Ma? Why did you suddenly decided on that fúcking marriage without informing me!" Galit na asik ni Niklaus habang nakasunod sa kanyang ina pababa ng hagdanan. Nang makarating sa bulwagan, saka lang siya hinarap ng ginang. Humugot muna ito ng isang malalim na paghinga bago nagsalita. "That was urgent, Niklaus. Kailangan ko ng magdesisyon agad-agad para maagapan ang balita," mahinahon na sagot ng ginang. Marahas namang napasuklay ng sariling buhok si Nik. "But why go on a marriage? I don't know that woman! Who knows she's sick in the head kaya bigla nalang siyang naghubad at napunta sa kama ko? I'm sure nothing had happened between us! I already passed out bago paman ako makarating sa cabin ko!" Hinawakan ni Natalia ang magkabila niyang balikat. "Calm down, Niklaus. Ginagawa ko lang naman ito para siguraduhin na hindi na talaga mananalo ang dating gobernador dito sa La Paz. His reputation will be ruined by this issue. Sa susunod na election, I'm sure ikaw parin ang mananalo." Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Nik. "Kailangan ba talaga nating gawin yan? Wala tayong patunay na siya nga ang talagang nag-bigay ng tip sa mga reporters." "It doesn't matter. Kung siya man o hindi, let's take the opportunity to ruin him. I am only doing this for your own position's sake. Alalahanin mo, Nik, malakas parin sa taong bayan ang dating governor. Baka mamaya gamitin nila itong isyu na kinasasangkutan mo para sirain ng tuluyan ang pangalan ng pamilya natin." "But Ma..." "Listen, just give me three months. Pagkatapos ng tatlong buwan, ako na mismo ang gagawa ng paraan para mawala sa landas mo ang babaeng yan. Just put it up for now," mahinahon na wika ni Natalia. Alam niya ang ugali ni Nik. Masyado itong masunurin sa kanila ni Wilfred. At hindi siya matitiis ng kanyang unico hijo. This is how she raised him. Very filial. "That position that you have was your father's dream. Ilang eleksyon na siyang tumakbo but he never got the chance to win. Sayo palang. So don't fail your father Niklaus. Isipin mo nalang na para sa kanya itong ginagawa natin. Hmm?" Niklaus sighed in defeat. "Just make sure you will erase that woman out of my sight after three months. You know I don't have plans on marriage yet," malamig niyang turan. Sunod-sunod naman ang naging pagtango ni Natalia. "Of course. Wala pa akong sinasabi na hindi ko tinutupad, anak. We will eliminate that woman once her purpose is done. Sa ngayon, pilitin mo nalang muna siyang pakisamahan, okay?" "Okay," tamad niyang sagot. Never in his life did he imagine that he would marry out of the blue. And what's worse is, sa babae pang hindi niya kilala. One look upon her, she's a probinsyana. Typically, not his type. He likes city women with sexy curves under their revealing clothes. "Now, you have to fetch her and her mother at their house." Nanlaki ang mga mata ni Nik sa kanyang narinig. Ano siya VIP? "What? Susunduin ko pa siya? Can't she just ride a car and come here?" Inirapan siya ng kanyang ina. "This is a part of our show. Ipakita mo sa lahat kung gaano kagentleman ang gobernador ng La Paz." Padabog na naglakad palabas ng mansion si Nik. Hinatid tanaw naman ni Natalia ang kanyang anak. Sakto ng makaalis si Nik, lumitaw mula sa kanyang pinagtataguan si Andrea. "Sigurado po ba kayo sa plano ninyong ito, Tita? Pwede naman nating sirain ang pangalan ng dating gobernador sa ibang paraan," naiinis na wika ng dalaga. Nag-aapoy sa labis na galit ang puso niya sa kaisipang magpapakasal sa ibang babae si Nik. Kahit paman palabas lang ang lahat, hindi niya parin maiwasan na makaramdam ng selos. Siya dapat ang nasa kalagayan ng babaeng yun kung hindi lang ito nakialam! "Don't worry, hija. Alam ko ang ginagawa ko. Kapag natapos na ito, I will help you make a way para ikaw naman ang pakasalan ng anak ko," magiliw na wika ni Natalia. Andrea's parents have been a big support in Niklaus' candidacy. She can consider them as a backbone in their political plan. And Andrea's feelings will become a tool so they can take full control of the whole La paz and build a political dynasty in their place! Habang nag-uusap sila, lumitaw ang personal assistant ni Natalia na si Maggie. "Madam, handa na po ang lahat para sa press conference na gaganapin." Tumango si Natalia at nagpaalam na kay Andrea bago pumasok sa isang silid para siya mismong magbigay ng ulat sa isyu na kinakaharap ng sarili niyang anak... "Anong nangyari sayo?" Gulat na tanong ni Jessa kay Tori nang makita niya itong luhaan habang bitbit ang isang malaking bag. "Pinalayas na ako ni Nanay. Ayaw niyang magpakasal ako kay Nik," umiiyak na sambit ni Victoria at agad na yumakap sa babae. Hinagod niya ang likuran nito para aluin. Ilang minuto din na umiyak sa bisig ni Jessa si Victoria bago ito nahimasmasan. "Ano ng plano mo ngayon?" Tanong ni Jessa. Malungkot na ngumiti si Victoria. "Itutuloy ko parin ang pagpapakasal ko kay Nik, Jessa. Sasama ako sa kanila at doon na ako titira sa mansion nila." "Paano ang nanay mo?" Agad siyang napasimangot nang maalala ang Nanay Vicky niya. "Bahala siya. Kung ayaw niya akong payagan wala parin naman siyang magagawa." Pakiramdam niya pinipigilan siya ng kanyang ina na umasenso sa buhay. Lahat nalang ng mga pangarap niya hindi siya nito sinusuportahan kaya naman ngayon, sarili naman niya ang susundin niya! "Baka naman nag-aalala lang sayo ang nanay mo, Tori kaya siya nagalit. Kahit sino naman magugulat sa nangyari sayo. Bakit hindi mo siya kausapin ulit nang sa ganun maliwanagan siya at maibigay niya ang basbas niya sayo." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Victoria. "Sa susunod nalang, Jessa. Masyado pang mainit ang ulo niya. Hindi pa mainam na mag-usap kami dahil baka kung ano pa ang masabi namin sa isa't-isa." Tumango nalang si Jessa at hindi na kinulit pa si Victoria. "Ano ng gagagwin mo ngayon? Babyahe ka ba papuntang mansion ng mga Ardiente?" Agad na umiling si Tori. "Hindi. Ang bilin sakin ni Madam Natalia may susundo samin ng nanay ko kaya hihintayin ko nalang." "Congrats nga pala! Talagang papakasalan mo na ang lalaking crush mo." Maarte na hinawi ni Victoria ang kanyang buhok. "Thank you." Pareho silang nagkatawanang dalawa subalit ilang sandali pa'y natigilan siya nang makita ang isang makintab na sasakyan na pumarada sa harapan ng lugar nila. Agad namang nagsilabasan ang mga tao sa kani-kanilang mga bahay para makiusyoso. Maya-maya pa'y lumabas mula sa kotse ang isang pamilyar na lalaki. Halos tumigil sa pag-ikot ang kanyang mundo nang makitang sinundo siya mismo ng future husband niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD