Scene after their escape in asylum. ASTRID “Put her to sleep.” Kumunot ang noo ni Astrid nang marinig sa suot na earpiece ang instruction ng kasamang secret agent na si Matt. Sakay na sila ngayon ng helicopter pabalik sa Manila pero wala pa siyang alam sa kung ano ang mangyayari paglapag nila sa Manila. “Why?” Tanong ni Astrid. Nakita niyang nilingon siya ni Nyx dahil nagsasalita na naman siyang mag-isa pero nagawan niya ng paraan na ‘wag itong maghinala na siya ang pinag-uusapan nilang dalawa ni Matt. “Just do it, Astrid. The ETA (Estimated Time of Arrival) in Manila is 3:00 AM. You have thirty minutes to put her to sleep,” seryosong paliwanag ni Matt kaya kahit na hindi niya maintindihan kung bakit pa niya kailangan na patulugin si Nyx ay ginawa na lang niya ang sinabi nito. Matapos

