Philippines
"Keishana!" masayang masayang salubong agad sa akin nina Mommy, Ann at Mayie pagkalabas na pagkalabas naming tatlo ng arrival area.
Isang malaking ngiti naman ang agad na sumilay sa aking labi nang masilayan ko silang muli matapos ang apat na taong pagkawala ko rito sa Pilipinas.
How I missed them so much.
Agad kong itinulak ang aking mga bagahe palapit sa kanila, at agad ko namang binitawan bago ko sila niyakap isa-isa.
"Mommy, Ann, Mayie! Namiss ko kayo!" masayang untag ko na siyang ikinahigpit naman nila ng yakap sa akin.
"We missed you too, anak. It's been a while," sagot naman ni Mommy bago kumalas sa pagkakayakap sa akin, kasunod naman ang dalawa.
"Blooming na blooming ang datingan natin ngayon, Ma'am Keishana. Mas lalo ka pang gumanda nang mag-abroad ka!" sambit naman ni Mayie na siyang ikinasiko naman sa kaniya ni Ann dahilan upang mapatikhim siya.
"Mayie, ano ka ba!" mahinang suway nito na siyang ikinangiti ko naman habang naiiling.
"It's okay, Ann. Wala namang masama sa sinabi niya, ano." Tanggol ko kay Mayie na siyang ikinailing na rin ni Ann.
"Hay naku, Antonette. Masanay ka na sa tabil ng dila ni Mayie, ano? Ilang taon na kayong magkasama, hindi ka pa ba sanay?" natatawa namang sabat ni Mommy.
Oh, well. Did I miss something?
Mukha yatang naging mas close na sila kay Mommy, ah.
"Anyway, Mom, Mayie, Ann. May ipapakilala nga pala ako sa inyo," agad ko namang nilingon sina Tope at Theresa na ngayon ay nakalapit na pala sa amin.
Tope is now smiling at them, while Theresa is on her usual mood. Mukha yatang nababagot na ang kasama naming bitchesa. Oh, well. Maghintay siya. She's not on her country now, so she must be nice to me or else, baka sa lansangan siya pupulutin.
Kidding aside.
"This is Topher Morelli and Theresa DeVille," pagpapakilala ko sa dalawa. "They're both my co-business owners sa ipapatayong clothing boutique dito sa Pilipinas." I added and turned my gaze on Tope and Theresa. "Tope, Theresa, this is my Mom, Clementine Marquess, and these two are my employees on my own flower shop and also my closest friends when I am still here in the Philippines, she's Mayie and Antonette," pagpapakilala ko naman kina Mommy sa dalawa.
Topher didn't hesitate on extending his hand for a hand shake to my Mom, na siyang tinanggap naman nito, pati na kina Mayie at Ann.
"It's so nice to finally meet the most important people on Keishana's life. I am Topher Morelli, at your service po," sambit at biro pa nito na siyang ikinatawa naman nina Mommy.
"It's a pleasure to meet you too, Topher. I'm also glad that I finally meet you since my Mom always telling stories about you years ago," masayang untag ni Mommy dahilan upang pamulahan ng mukha si Tope.
This man, mukha yatang nakalimutan niyang lalaki siya ngayon at hindi baklita. Naku, huwag lang siyang magkamaling ilabas ang tunay niyang pagkatao kung ayaw niyang masira ang iniingatan niyang sekreto.
Actually, para sa akin ay wala namang kaso kung ipapakita niya ang totoong siya. Pero si Tope, meron. May malaking dahilan kung bakit sa akin niya lang pinapakita ang totoong siya. And I respect him for that.
Grateful din ako dahil, sa dinami-raming tao sa mundo na pwede niyang ipagkatiwala ang sekreto niya ay sa akin niya ibinigay ang tiwalang iyon. And I am so honored to that. At least, alam kong pinagkakatiwalaan niya ako.
And I will never break that trust he gave to me. Not in my entire life.
"It's nice to meet you too, Theresa. You're such a beautiful girl," baling naman ni Mommy kay Theresa na siyang ikinangiti lang nito.
"Anch'io sono felice di conoscerla, signora. Comunque grazie per il complimento," walang gana namang sagot ni Theresa at plastic na ngumiti na siyang ikinairap ko naman sa hangin. (I'm glad to meet you too, ma'am. Anyway thanks for the compliment.)
This girl is really testing my patience. Hindi niya ba iniisip na teritoryo ko ito at pwede ko siyang katayin anumang oras? Wala talagang respeto ang babaeng ito.
Ang sarap niyang kalbuhin.
Nevermind na nga sa pinaplano kong maging tulay para magkatuluyan sila ni Tope. Nakakabanas, eh. At nakakawalang gana.
"Be nice, Theresa. Or else, you wouldn't wanted what I will going to do with you. Remember you are in the Philippines, not in Italy, " bulong ko na siyang ikinatigil niya't mukhang namutla pa.
Takot yatang bantaan ang buhay niya. Wala pa naman siyang bodyguards or any maids na dala dahil kampante ang Lolo niya na hindi siya mapapahamak dito. Well, that's great for me. Ngayon, may alas na ako para alipinin siya.
Tingnan lang natin kung hanggang saan ang taray ng babaeng ito.
"I hope you both will enjoy your stay here, " wika ulit ni Mommy na ikinatango ni Tope at ikinangiti lang ng tipid ni Theresa.
"Sure, we will." Tope said nicely.
"Oh, siya. It's already 7:36 in the evening. Let's go home, I prepared something for the three of you."
Agad naman akong tinulungan nina Mayie at Ann na magbitbit ng aking mga bagahe samantalang si Tope naman ang nagdala sa bagahe ni Theresa at tanging traveling bag lang ang dala-dala nito.
Napailing na lang ako dahil alam kong nagpapabebe na naman ang babaeng ito mapansin lang ni Tope.
Well, go girl. Kahit inis at irita ako sa ugali mo ay sige na, support na lang ako sa pagpapapansin mo sa kaibigan ko.
Pagkalabas namin ng arrival area ay dumiretso na agad kami sa may parking space na hindi kalayuan sa exit ng airport. Naroon naghihintay ang SUV na ginamit nina Mommy papunta rito. Tinulungan agad kami ng aming family driver sa pagpasok sa compartment ng SUV ang mga dala naming bagahe bago kami isa isang pumasok sa loob and settle ourselves inside it.
"Anyway, how's Dad po, Mmy?" agad kong tanong kay Mommy na kakaupo lang sa may passenger seat at inaayos ang kaniyang seatbelt.
Matapos niyang maikabit ang seatbelt ay agad niya akong hinarap at nginitian. "He's doing good already, anak. Nagpapagaling na siya sa bahay, we hired a private nurse to look for him while I'm busy running our company, alone."
Agad naman akong nalungkot at naawa kay Mommy. Alam kong mahirap magpatakbo ng kompanya mag-isa. At alam ko rin na nahihirapan na rin si Mommy since she's already getting old. Nagkakasakit na nga si Daddy.
Si ate Sabrina naman ay busy rin sa kaniyang career bilang isang model at endorser rito sa Pilipinas. Matapos daw ng nangyari four years ago ay bumalik ito sa kaniyang pagmomodel pero hindi na siya pinayagan pa nina Daddy at Mommy na sa ibang bansa.
Samantalang ako naman ay tinutulungan sina Lolo at Lola sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo sa Italy, dahil balang araw din daw ay sa akin din nila ibibilin ang mga ari-arian nila kapag wala na sila. Kaya naman ay gustuhin ko mang tulungan sina Mommy at Daddy ay hindi ko magawa, hands on na rin kasi ako sa kompanya lalo na ngayon dahil may bagong clothing boutique ang ipapatayoo, plus may flower shop pa ako na minamanage.
Sa apat na taong pagkawala ko, hindi ibig sabihin niyon ay inaasa ko na lang lahat kay Ann. Hands on rin naman ako sa flower shop kahit nasa malayo ako kaya hanggang ngayon ay mas lumalago ang flower shop business ko kesa dati.
Tons of responsibility to face, indeed.
"Pasensya na po kung hindi ko po kayo natutulungang patakbuhin ang kompanya natin—"
"I understand, anak." Moomy interrupted. "You're busy and have a life to deal with, masaya na kami ng Daddy mong nakikita kang successful dahil sa mga bagay na gusto mong gawin, hindi dahil sa gusto namin. Your happiness is what's more important for us, so don't be sorry." Agad naman akong napangiti dahil sa sinabi niya.
"Thank you, 'Mmy."
Me, having an understanding and supportive parents like them is beyond grateful. Hindi lahat ng mga anak ay nakakaranas ng ganito. Hindi lahat naiintindihan, at mas lalong hindi lahat at sinusoportahan, kaya naman ay nagpapasalamat talaga ako dahil binigyan ako ng mga magulang na katulad nila. It's too rare to have this kind of parents nowadays, so instead of asking for more, I will be forever blessed, contented and grateful for it.
—
'Welcome home, Keishana!' iyan agad ang mga katagang bumungad sa akin pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng bahay kasabay ng pagpapaputok ng confetti para mas dama ko ang paghahanda nila ng bongga sa pag-uwi ko.
Naroon sina Lander, ang mga bagong tauhan ng flowers shop, si Ton-ton at tita Beth, sina Mr. And Mrs. Howell na parents ni Lander, si Ate Sabrina, Tanya, Mr. And Mrs. Guevara at ang nag-iisang lalaking hinding-hindi ko makakalimutan.
Si Tristyn.
Parang nagslow-motion ang lahat. Lalong-lalo na nang isa-isa silang lumapit para kamustahin kaming tatlo nina Tope at Theresa. Si Mommy na ang nagpakilala sa kanila sa mga bisita, samantalang ako ay nakatulala lang sa iisang taong nasa harapan ko ngayon.
Ang lalaking akala ko ay hindi ko na makikita pang muli, but now he's right here in front of me.
Ang lalaking naging dahilan ng lahat. Lalong-lalo na ng pag-alis ko para makalimot.
What is he doing here?
"It's been a while, Keishana." For the first time in 4 years ay rinig kong sambit niya habang nakatitig din sa akin.
Ang laki ng ipinagbago niyang talaga. Totoong hindi nga ako nagmamalikmata nang makita ko siya sa Italy, noong party na ginanap sa bahay nina Theresa.
His voice, ganoon pa rin naman ang tono ng boses niya, but there's something else that change his voice, his conviction, sophistication and the authority that you can sense in it. Mas nag matured na rin siya, ang kaniyang physical features but he's still that goddamned gorgeous na para bang isang model sa hot men's magazine.
Ibang iba na siya sa Tristyn na nakilala ko. Para siyang nag-evolve ng pang ilang beses. Or maybe I am just exaggerating. But still, iyan talaga ang impression ko sa kaniya after 4 years of being away.
Magsasalita na sana ako agad namang nabitin sa ere ang sasabihin ko nang may biglang umagaw ng spot light sa akin at itinutok sa isang magandang babaeng kadarating lang.
"Sorry, am I late?" tanong nito na agad ikina-arko ng kilay ko.
And who the hell is she?