"Hi, I'm Erin. Erin Louise Suarez, it's so nice meeting you Ms. Marquess." Erin extended her hand for a hand shake.
Wala naman akong nagawa kundi ang tanggapin ito at tipid na ngumiti. After she interrupted our supposed to be reunite ay agad naman siyang humingi ng paumanhin at magalang na nagpakilala sa akin.
Well, I don't have any reason to get irritated with her interruption, most especially her presence or something related to that since I don't know her yet and judging her without any valid reason will only makes me insecure, unprofessional and childish.
Pero ang ipinagtataka ko lang ay, sino ang babaeng ito? At sino ang nag-invite sa kaniya rito? Mommy never mentioned anything about her to me earlier.
"It's nice to meet you too, Miss Suarez. If you don't mind, may I know if who invited you to come here?" magalang kong tanong na siyang ikinangiti naman niya.
"You sister invited me to come here, she told me that you - her younger sister is coming home tonight, so, I didn't hesitate on accepting her invitation since gusto ko rin na makilala kita," masaya niyang sagot bago ibinaling ang kaniyang tingin kay Tristyn na nakatayo pa rin sa gilid naming dalawa at halatang nakikinig sa aming usapan. "OMG, you're here? I thought you're busy with something? Is this the 'something' that you are talking about?" agad niyang tanong ditto at pinamewangan pa ito.
I smell something fishy.
Are they close?
Does Tristyn knows her?
"Yes," tipid nitong tugon sa tanong ni Erin saka niya binaling din sa akin ang kaniyang tingin. "Pinapunta ako ng parents ko rito," dugtong niya na para bang nagpapaliwanag sa akin kung bakit siya nandito at kung sino ang nagpapunta sa kaniya.
Well, he's not obliged to. Pero base sa mga salitang lumabas sa bibig niya ay parang dapat siyang magpaliwanag.
Or maybe I am just assuming about something? Nah, for what?
"Is that so?" agad kaming napatingin tatlo sa bagong dating na si Tanya. "If I know—"
"Shut up Tanya," putol naman agad ni Tristyn sa dapat pa sanang sasabihin ni Tanya. Wala namang nagawa si Tanya kundi ang mapairap na lamang sa kaniyang kapatid. "I'll just excuse myself for a while," paalam niya bago naglakad paalis.
Napatingin naman agad ako kay Tanya na ngayon ay nakatingin na pala sa akin, and same as usual. With her raised brows and crossed arms.
Well, the same Tanya I've known years ago. Hindi pa rin pala siya nagbabago hanggang ngayon, tanging ang kaniyang mukha at postura lang dahil tulad ni Tristyn ay medyo nagmatured na rin ang kaniyang physical appearance pero nandoon pa rin naman ang kagandahang taglay niya magmula pa noong una.
"Welcome back, Keishana Marquess." Tanya said without any trace of emotions on her face. Para bang pinaparating niya na hindi siya nasisiyahan na makita akong muli after four years of being away.
Oh dear, the feelings are mutual.
Well, after what she did to me and my supposed to be child? Alam kong ayaw niya akong makita dahil sa tuwing nakikita niya ako ay naalala niya ang pang-aaping ginawa niya sa akin na naging dahilan upang makunan ako. Ang naging dahilan upang mawala sa akin ang anak ko na halos ikabaliw ko noon. Ang isa sa naging dahilan kung bakit ako umalis upang makalimot. Ang dahilan kung bakit ko iniwan si Tristyn upang hanaping muli ang sarili ko.
"Thanks, Tanya. It's nice to see you again after four years." I answered as I gave her a meaningful stare. Mas lalong tumaas ang kaniyang kilay nang mapagtanto kung ano ang ibig kong sabihin. "You didn't change, you're still the same Tanya I've known before."
"Magkakilala kayo, Tanya?" sabat naman ni Erin na mukhang kanina pa nagtataka.
Anyway, magkakilala rin sila?
"Of course," taas noo namang sagot ni Tanya habang hindi pa rin nawawala ang kaniyang mapanuring tingin sa akin. "Siya lang naman ang kabit ni Tristyn noon, so be careful. Baka mamaya, lalandiin niya na naman ang kapatid ko't agawin siya sa iyo," agad naman akong napatawa sa kaniyang sinabi.
I know right.
"Excuse me?" hindi ko makapaniwalang sambit na para bang isa iyong nakakatawang biro. "Ako? Kabit? Are you sure, Tanya? Alam nating pareho na hindi ako kabit, pinalabas niyo lang na sila pa ni Ate at ni Tristyn para magmukha akong third party sa relasyon nilang dalawa." I took a deep breath before facing her again. "Anyway, that was all in the past now, I hope makamove on ka na dahil nakapagmove on na ako. Masaya na ako sa kung ano man ang narating ko after that nightmare, kaya sana maging masaya ka na rin, mukha kasing stress ka pa rin hanggang ngayon, and if I know, guilty ka pa rin sa ginawa mo sa akin, am I right? But don't worry, Tanya, pinatawad na kita kahit na hindi ka pa humihingi ng tawad sa ginawa mo. So yeah, that's all I guess. I have to go. Excuse me." I gave Erin and Tanya a one last look before I made my way towards my Mom chitchatting with some of our guests.
Humugot agad ako ng malalim na buntong-hininga nang makalayo na ako sa kanilang dalawa. Base sa sinabi ni Tanya sa babaeng iyon kanina ay mukhang boyfriend na nito si Tristyn. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi pormal na ipinakilala ni Tristyn o kahit na si Tanya na girlfriend pala ni Tristyn itong si Erin? At talagang pinamukha pa sa akin ng Tanyang iyon na kabit ako sa harap ng bagong babae ng kapatid niya, kahit alam naman naming pareho na hindi iyon totoo.
Matagal niya nang alam na sira na ang relasyon ng kapatid ko at kapatid niya, but she still insisting that I am the reason why they broke up.
Oh well, who cares anyway? Past is past na nga hindi ba? Si Tanya lang naman itong hindi makapagmove on kaya hanggang ngayon ay napakabitter pa rin. Siya pa ang bitter, eh siya na nga ang may malaking atraso sa akin. Silang dalawa ni Sabrina.
Imbes kay Mommy ako lalapit ay doon na lang ako lumapit kay Tope na busy sa pagkain samantalang si Theresa naman ay busy rin sa kaniyang phone call. Siguro ang parents niya na ang kausap niya at kinamusta ang lagay niya rito sa Pilipinas since it is also her first time going in here.
"What's with the face, Keishana?" tanong agad nito nang busangot akong naupo sa tabi niya at inagaw ang tinidor niyang may steak at nilamon nang walang pagdadalawang-isip kung may virus ba siya o wala.
"Wala naman, may masamang damo lang kasi akong nakausap kanina," sagot ko naman. Napataas naman ang kaniyang kilay dahil sa aking sinabi.
"Resbakan ko na ba?" tanong niya ulit. Bumaling naman agad ang tingin ko sa kaniya at agad na umiling.
"No need, baka masira lang ang pinaghirapan ni Mommy na welcome party para sa atin. Ayaw ko namang mangyari iyon, kakauwi ko pa nga lang ay gulo na agad ang hatid ko. So, no. Kumain na lang tayo nang makapagpahinga na." I even give him a sly smile before I stood up to get my own food.
"Okay, sabi mo eh." Kibit-balikat niya na lang na sambit bago bumalik sa kaniyang kinakain.
Hangga't maaari ay tataasan ko na lang ulit ang aking pasensya. I don't want to cause a trouble between Tanya and I. May sakit si Daddy, at alam kong problemado si Mommy kaya naman ay ayaw ko nang dagdagan pa ang stress niya.
And about Tristyn and that girl Erin.
Kung sila man talaga, then I'm happy for them.