Natapos na ang party at nagsi-uwian na rin ang ibang mga bisita. Nandito ako sa may garden ng bahay namin, nagpapalipas ng oras since hindi rin naman ako makatulog dahil nakatulog rin ako sa eroplano kanina.
Sina Tope at Theresa ay nasa guest room na, and I'm sure nagpapahinga na rin ang dalawang iyon dahil may jet lag pa. Hindi naman kasi talaga antukin si Tope tuwing may byahe while si Theresa naman ay hindi talaga makatulog lalo na at hindi private plane ang sinasakyan niya. She's not comfortable and sobrang arte talaga niya.
Ewan ko ba sa babaeng iyon. Pinanganak naman akong mayaman pero hindi naman ako ganiyan kaarte.
"Anong plano mo ngayon, Keish?" agad akong napalingon kay Ann na sumunod pala sa akin dito sa may garden.
Humugot naman ako ng malalim na buntonghininga. Alam kong nakita niya ang nangyari kanina, but she's busy with her daughters tantrums kaya hindi niya ako nalapitan. Ngayon na lang dahil sinundo na ito ng kaniyang asawa. Nagpaiwan kasi siya dahil na rin kay Mayie na ngayon ay tulog sa sofa ng living room.
Nasobrahan yata sa wine kaya nakatulog dahil nalasing.
"I honestly don't know what to do. I never expected him to be here with Tanya and their parents." I answered after a moment of silence. Bumuntonghininga ako. "Siguro, I'll stick to my purpose why I came here. It is to take good care of my father, visit the flower shop and of course, visit and check the site kung saan ipapatayo ang clothing business na plano ng grandparents ko at ni Theresa."
Ann took a heave before crossing her arms in front of her chest. "Iyan lang ba talaga?" she raised her brows, challenging me on her questions.
"Of course. Why? Meron pa ba, Ann?" I tried not to get affected on her words dahil iyon naman talaga ang sadya ko kung bakit ako umuwi rito.
But guess what? She's still not convinced.
"You know that there's more, Keishana." Naglakad siya sa may bench na naroon at naupo kaya naman ay sumunod na rin ako.
Umupo ako sa kaniyang tabi bago nagsalita. "If you're talking about Tristyn, then I won't deny the fact that I still feel the same way before. But it doesn't mean na babalik ulit ako sa kaniya. I won't ruin his happiness, Ann. Alam kong nakamove on na siya, and I'm happy for him." I took a heavy breath before turning my gaze at her and smiled. "May kaniya-kaniya na kaming buhay ngayon, Ann. What happened between us will remain in the past. I don't want to interfere with his life and happiness anymore. Tama na ang natapos na. Matagal ko nang tanggap na hanggang doon na lang kami."
Tanggap ko na rin na he will be a part of my past na lang, and nothing more. Ako ang umalis, ako ang nang-iwan. He begged me not to go, he even kneeled in front of me just to make me stay.
But I still choose to turn my back on him and leave him hanging. Sinaktan ko lang siya. Kung kaya't wala na akong karapatan pa na bumalik sa buhay niya.
"By mentioning happiness, are you referring to something? I mean, someone?" she gave me a suspicious look. "Are you referring to Erin?" walang pagdadalawang-isip niyang tanong.
Agad naman akong umiling at nagkibit ng balikat. "Wala naman akong sinasabi, but who knows?"
She just groan in irritation. "Alam mo, Keish. Sa tinagal-tagal nating matalik na magkaibigan ay kilalang-kilala na kita. Action speaks louder than words, Keishana. Sa lahat ng mga sinabi mo, ngayon lang ako nagdadalawang-isip na maniwala. Your words were sound convincing but your action speaks otherwise. So please, huwag ako, okay?" she even gave me a meaningful look that makes me look away.
"But it's the truth." I insisted. Ngunit tinawanan niya lang ako.
"Okay, sabi mo, eh." Ann said as she tapped me on my shoulder. "Pero ito lang masasabi ko, Keish. Don't let your words fool you again. Tulad lang din ng, huwag mong paniniwalaan ang sarili mong kasinungalingan. Not again."
Napabuntonghininga na lang ako saka ibinaling ang aking pansin sa may kawalan.
I don't have anything to say anymore.
Alam kong tama lahat ng sinabi ni Ann. She already knows me from head to foot. I also knew to myself that I sometimes trust my own lies that will lead me to make a foolish and stupid decisions.
Ngunit talaga rin namang masaya na ako para kay Tristyn ngayon. Sa kung anuman ang naabot niya, lalo na sa kaniyang love life. Kahit na sabihin kong may selos akong naramdaman, but still — I know I'm already not in the position to feel this way. Wala na, dahil pinutol ko na four years ago.
And yeah, I already accepted it. That Tristyn and I will never coming back together. Masaya na siya, and so do I. Kaya wala nang dahilan pa para maging malapit kaming muli para sa isa't isa.
•
"Mall? Are you serious? At this early?" rinig kong reklamo ni Theresa pagkababang pagkababa ko sa sala kinabukasan.
Umagang umaga ang highblood niya na. Pinaglihi yata ito sa sama ng loob noong ipinagbubuntis pa siya ng nanay niya.
"Did I say, now?" iritable namang sagot ni Tope habang hindi nawawala ang paningin sa binabasa niyang magazine. "You're so over reacting, Theresa."
"Who wouldn't? You never told me that we were going to the mall later! You just told me that—"
"Yeah, yeah. Whatever you say, Theresa." Putol agad ni Tope sa dapat sana ay sasabihin ni Theresa. Tumayo siya at agad itong pinamewangan. "I've changed my mind, I'll bring Keishana with me instead and you'll stay here."
Agad naman akong napamaang sa sinabi niyang iyon.
At ano naman ang gagawin ko sa mall?
"What?!" maang agad na sambit ni Theresa nang marinig ang sinabi nito. "Are you freaking serious Mr. Topher Morelli? You're really want me to stay here? In this freaking place—"
"Watch your mouth, Theresa." I cut her off immediately from her supposed to be sentences as I stepped on between them. I gave her a warning look before I crossed my arms in front of my chest. "Always remember that you're staying in my house. And this place that you're referring as a freak is my territory. I can report you as trespassing and throw you out on the street if I want. I will never regret it, Theresa. I will even report you to your parents that because of your bad behavior and arrogance I kicked you out of my house without any second thought. Would you like that?" I added which made her stunned and look pale.
Takot naman pa lang ipatapon, eh.
Ang isang maarte, maldita at sobrang aroganteng babae na katulad ni Theresa ay hinding-hindi tatagal sa ganoong lugar. Baka nga ikamatay niya pa ang tumira sa lansangan.
"I hate you!" she just said before she walked her way out if the living room.
Bitch, as alaways.
"Don't worry, the feelings are mutual!" pahabol ko naman pero hindi niya na ako pinansin.
Poor woman.
"That's so rude of you, Ms. Marquess." Topher commented right after Theresa's gone in our sight.
Agad naman akong lumingon sa kaniyang gawi at ngumiti ng matamis.
"Excuse me, I'm not rude. I am just kidding, ang kaso ay naniwala naman siya kaagad. Kasalanan niya na iyon, ano?" sagot ko naman dahilan upang mapailing na lang ito habang natatawa.
"That was epic, tawang-tawa ako girl! Siguro mga tatlong beses," he said in sarcasm which made me rolled my eyes on the air.
This man! He never fail to annoy me with his sarcasm and all.
"Whatever, Tope." I just said before I remember something. "Anyway, bago ko makalimutan. Ano nga ba ang gagawin natin sa mall? Masyado naman yatang maaga para pumunta roon?" tanong ko. Tumikhim naman agad siya bago nagsalita.
"Actually, mamaya pang tanghali. Dadaan muna tayo sa site bago dumiretso sa mall. Titingin kasi ako ng mga magagandang tela para sa magiging sample natin na designs for the clothing business," sagot niya.
Kahit minsan loko-loko ang baklang ito, ay maasahan mo naman talaga sa trabaho.
"Nagsketch ka na ba?" tanong ko na ikinatango niya naman.
"I am actually sketching last night right after the welcome party ended. Hindi kasi ako makatulog agad kagabi kaya nagsketch na lang ako," sagot naman niya bago naupong muli sa may sofa.
"Wow, ang sipag naman. Can I see it?" I asked before settling myself beside him.
Actually, siya ang pinagkatiwalaan ko sa mga sketches and designs ng mga damit para sa clothing boutique na ipapatayo since he has the very unique designs and amazing quality taste in fabrics. Sumang-ayon naman agad sina Lolo at Lola dahil pinagkatiwalaan rin nila ito at saka, talaga namang magaling siya at may ipagmamalaki.
He is very talented and unique in his passion, indeed. Kaya naman ay hinding-hindi ako magsisisi na kunin siya at maging isa sa business partner namin ni Theresa.
Tumango naman agad siya bilang sagot. "Sure, I'll show it to you later today since I haven't finish finalizing it."
"Okay. Anyway, nagbreakfast na ba kayo?" I asked afterwards which made him nod in response.
"Yes, kasabay namin ang Mommy at Ate mo since maaga rin silang umalis, may aasikasuhin daw kasi ang Mommy mo sa ospital while ang Ate mo naman ay papasok na sa trabaho niya." Agad naman akong napatango sa kaniyang sinabi.
"Oo nga pala, bibisita ako kay Dad mamaya. You wanna come?" tanong ko. Tumango naman agad siya.
"Sure! I'd loved to!" he beamed which made me smile.
"Then, it's settled."
•
Matapos kong kumain ng breakfast, maligo, magbihis at mag-ayos ay agad na kaming umalis ni Tope. And just like what he have said earlier ay ipinaiwan niya ngang talaga at hindi isinama si Theresa sa pupuntahan namin.
And as usual, Theresa get furious and the way she glared at me seems like she wanted to kill me.
Well, ano pa ba ang magagawa ko? Eh, itong si Tope naman ang nagpaiwan sa kaniya, not me. Kaya wala akong kasalanan, but the way she look at me ay parang ako pa ang may mali.
Hay naku, hindi ko talaga magets kung bakit ang init-init ng dugo niya sa akin. Wala pa naman akong ginagawa, eh.
Kung nagseselos siya sa aming dalawa ni Tope, gosh! Kahit isaksak niya pa sa ngala-ngala niya ang baklang ito, wala akong pakialam. Goodness!
After naming mabisita ang site at makitang wala namang problema ay agad na kaming nagtungo ni Tope sa malapit lang na mall para maghanap ng mga first class na tela. Since wala naman akong alam sa mga bagay na iyan ay sinamahan ko na lang siya maghanap at mamili ng magandang kulay.
"Saan ba rito ang mas magandang kulay? Maroon o magenta?" tanong niya bago itinaas ang dalawang silk na tela na magkaiba ang kulay.
Agad ko namang tinuro ang silk na tela na kulay maroon.
"For me, I like the maroon one. It has the fierce and sophisticated aura. It shows someone takes pride in their appearance if they wear clothes with that color." I answered which made him smiled and nod in response.
"Good taste," wika niya bago niya Ibinalik ang magenta na tela at kinuha ang maroon.
Matapos naming mamili ng mga tela ay naramdaman ko na agad ang gutom kaya naman ay niyaya ko na muna siyang maglunch since malapit na ring mag ala-una ng tanghali. Medyo natagalan kasi kami sa pagpili at pagbili ng mga telang gagamitin para sa mga sample niyang mga damit para sa clothing boutique.
Papasok na sana kami ng isa sa mga restaurant dito sa loob ng mall when I suddenly bumped into something. . . I mean someone, not something.
"Sorry!" sabay naming sambit pero sabay rin kaming natigilan nang makilala namin ang isa't isa.
Oh ghad! Of all people bakit sila pa ang makakabangga ko? Sa laki ba naman ng mall na ito?
"Ms. Marquess, hi!" masayang niyang bati na siyang ikinangiti ko naman ng pilit.
Sana all, masayang makita ako. Unlike me, hindi ako masayang makita sila. Bitter na kung bitter, I just don't like seeing the two of them together.
"Hello, Ms. Suarez and Mr. Guevara." I said and give them a sly smile.
Oo, sinabi kong masaya ako para sa kanila. Pero hindi ko sinabing masaya akong makita sila lalo na't magkasama silang dalawa't magkaholding hands.
Masakit sa mata.