"What? We're going to Philippines with that girl?" she exclaimed as she gaze me from head to toe.
Agad namang napaarko ang aking kilay. Anong akala niya? Masaya ako na makakasama namin siya ni Tope pauwing Pilipinas?
Oh c'mon!
You can't expect me to work nicely with this b***h in front of me. She's already getting into my nerves. Akala niya naman ikinaganda niya ang pagtataray. Hindi niya ba tinitingnan ang sarili niya sa salamin kung nababagay ba sa kaniya ang pagmamaldita?
Baka mahampas ko pa siya ng louboutin's signature red sole heels ko, eh.
Napagdesisyunan daw kasi nina Mr. DeVille at ni Lola na mas maganda raw na nandoon kaming tatlo habang pinapatayo ang clothing boutique sa Pilipinas since kailangan rin naming magmasid ng kung anung mga style and kemerut ang karamihan na na-uuso at nagustuhan ng mga tao roon na mga fashionista na siyang ikinasang-ayon naman ng buong board members ng kompanya. Mostly rin kasi sa mga bibili ng branded at signature clothes na may magagandang style at unique na design ay ang mga celebrity, kaya naman ay malaki ang advantage namin kung nandoon kami.
With our combined strategies, uniqueness and techniques, ay siguradong mapapalago raw namin agad ang negosyo.
Which I highly doubt.
Sa relationship pa lang naming dalawa ay halatang wala nang magandang maidudulot. Siguradong puro away at bangayan lang ang mangyayari sa loob ng isang taong pamamalagi namin doon. Paano pa kaya ang magsama sa iisang kompanya at kasabay na magdedesisyon ng mga bagay-bagay para sa pag-angat ng boutique namin.
At isa pa, wala pa akong planong bumalik sa Pilipinas. Bakit ba kasi sila nagdedesisyon ng mga bagay-bagay nang wala man lang kompirmasyon galing sa aming dalawa ni Theresa?
I thought kami lang ang magiging utak, ang magmamanage, at mamamahala ng negosyong iyon. Hindi ang maging supervisor or whatever na magbabantay sa ginagawang building. Kung tutuusin ay mapagkakatiwalaan naman ang mga engineer sa location at mga bagay na kailangan para sa building.
At isa pa, pwede rin namang isa lang sa amin ang pupuntang Pilipinas. Bakit kailangan kaming tatlo pa?
Napakapaladesisyon naman yata nila porket mga apo nila kami?
"Hai qualche problema con questo?" tanong ng isa sa mga board na siyang ikinatango naman ng mabilis ni Theresa. (Do you have any problem with that?)
"Sì, c'è! A parte il fatto che non voglio lavorare con lei, non voglio nemmeno stare con lei che va nelle Filippine! Sto bene con il signor Morelli, ma con lei? No grazie! Preferisco stare qui," she even crossed her arms at the front of her chest which made me smirked in disbelief. (Yes, there is! Aside from the fact that I don't want to work with her, I also don't want to be with her going to the Philippines! I'm fine going with Mr. Morelli, but with her? No thanks! I rather stay here.)
Does she think na gusto ko ring kasama siya at katrabaho? Sinuswerte niya naman yata! Mas gugustuhin ko pa ngang dito na lang ako, kesa ang sumama sa kanila.
Ang arte-arte. . . Akala mo kagandahan.
Kung tutuusin ay mas lamang naman ako sa kaniya ng sampung paligo.
"Ma non c'è niente che possiamo fare. Che vi piaccia o no, voi tre andrete insieme nelle Filippine. Se avete un problema personale l'uno con l'altro, posticipatelo prima. Questo è business, e non è solo business perché i nostri soldi dipendono da questo, non solo i vostri soldi," sabat rin ng isa sa mga board na mukhang hindi nagustuhan ang inasal ni Theresa. (But, there is nothing we can do. Whether you like it or not, the three of you are going to the Philippines together. If you have a personal problem with each other, set aside it first. This is business, and it's not just business because our money depends on it, not just your money.)
Agad namang sinuway si Theresa ng kaniyang Lolo kaya naman ay simangot na lang itong umayos ng upo habang nakakrus ang magkabila niyang braso sa harap ng kaniyang dibdib. Mukha siyang batang nasa toy store na hindi makuha ang gustong bilhin na laruan.
Pathetic.
"Mi dispiace per il comportamento di mia nipotina. Non ti preoccupare, le parlerò più tardi. In ogni caso, il suddetto progetto proposto è già confermato e firmato entrambi i lati della nostra famiglia," taas noong anunsyo ng Lolo ni Theresa. (I am sorry for the behavior of my granddaughter. Don't worry, I'll talk to her later. In any case, the aforementioned proposed project is already confirmed and signed both sides of our family.)
"As for the three going to the Philippines, we will take care of it. So, I guess, this is all for today. Thank you for your time, meeting adjourned." Agad namang nagsitayuan ang lahat ng mga board members at isa-isa nang umalis maliban sa aming pito na sina Theresa, ako, Tope, Mr. DeVille at ang tatlong secretary.
At dahil wala na naman akong gagawin ay tumayo na rin ako dahilan upang mapatayo na rin si Tope na nasa tabi ko lang.
"We need also to go, Mr. DeVille. I think you and your granddaughter have something important to talk about. I will also talk to my Grandma about this matter. Thank you for your spare time, good day and excuse us."
Nang tumango si Mr. DeVille ay walang pagdadalawang-isip naman akong umalis kasama ang secretarya ko at si Tope na nakabuntot na sa akin.
Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa may elevator at agad na akong napabuga ng marahas.
"Keisha-"
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na kailangan pa pa lang bumalik ako ng Pilipinas kasama ang tangang babaeng iyon para lang sa pesteng project na iyan?!" galit kong sigaw sa secretary ko dahilan upang mapayuko ito sa takot.
"I'm sorry, Ma'am. Biglaan din po kasi ang desisyon ni Mr. DeVille. Saka ko lang din po nalaman noong malapit nang matapos ang meeting dahil nagtext sa akin ang Lola po ninyo," paliwanag naman nito dahilan upang mapasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa frustration.
I know I'm already overreacting, but I'm still not yet ready going back in the Philippines. Not now!
I know it's been four years since that traumatic incidents but - I'm still not yet ready to face them. Most especially, him.
Masyado pang magulo ang isip ko. I'm still not yet in my best self. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, edi sana hindi na lang ako um-oo sa desisyon ni Lola na maging isa sa may-ari ng gagawing clothing boutique.
Actually, okay lang naman talagang umuwi ako roon, eh. Ang kaso, huwag naman ngayon. Hindi pa ako handa, eh.
Lalo na nang makita ko ulit siya noong masquerade ball. The moment I saw his face. Parang bumalik lang lahat.
Feeling ko, nandito pa, eh. . . Nandito pa ang lahat. . . Ang lahat ng galit sa puso ko.
"Keish, calm down. Walang kasalanan ang secretary mo rito kaya huwag mo sa kaniya ibunton ang galit at inis mo," sambit naman ni Tope na nasa tabi ko na pala at hinahagod na ang likod ko para pakalmahin ako.
Agad naman akong kumalma at nagsorry sa inasal ko sa secretary ko.
Sa apat na taong pamamalagi ko rito sa Italy, nagiging mainitin na rin ang ulo ko kahit na sa maliit lang na bagay. I don't know? Siguro, epekto ito sa lahat ng mga nalaman ko at sa mga kasinungalingan ng kapatid ko. Maybe, this is the result of those traumatic experiences that I faced before. Most especially, the impact of my miscarriage.
"I need to talk to Grandma. Kailangan kong malaman kung bakit kailangan ko pang sumama pabalik ng Pilipinas, since gagawin pa lang naman ang project. Dapat nga sila na lang ang pumunta roon since, this is not what I really wanted to do. Sila lang naman ang nagpupush sa akin sa project na ito kahit na wala akong kainte-interes."
Totoo, hindi ko talaga gustong magkaroon ng isang clothing boutique. Sapat na naman sa akin ang trabaho ko rito bilang COO, ng kompanya nina Lola. Pero ang maging isa sa may ari ng isang negosyo, tapos kasama pa ang bruhildang Theresa na iyon? No way.
"Maybe, that's the great thing that you must do, " sang-ayon naman ni Tope sa sinabi ko. "Hindi kasi magandang sa amin mo ibuhos ang inis mo, ano? Eh, wala naman kaming kinalaman diyan, " dugtong niya pa dahilan upang mapairap na lang ako sa hangin.
Whatever he say.
•
"Questa è la richiesta di tuo padre, hija," sagot ni Lola saka siya naupo sa may sofa, sumunod naman agad sa kaniya si Lolo. (That's your Daddy's request, hija.)
Kakauwi lang nilang dalawa ni Lolo nang komprontahin ko agad sila tungkol sa naging meeting kanina.
"Si Daddy?" agad kong tanong dahilan upang mapatango silang dalawa. "Why?" I asked once again in so much confusion.
"Because he is sick. Inatake ng stroke ang Daddy mo habang nasa meeting, and he keep on asking for your presence nang magkamalay ito. So, I don't have a choice but to make a decision that I know you're against on it."
Para naman akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa narinig mula kay Lolo.
Nagkastroke si Daddy? Paano nangyari iyon? May highblood ba siya? O baka naman diabetic? Ano nang nangyayari simula nang umalis ako?
My father is very health conscious, pero ano nang nangyayari sa kaniya ngayon?
"Is he already fine now?" wala sa sariling tanong ko dahil sa sobrang daming bumabagabag ngayon sa utak ko.
"Nasa ospital pa rin siya ngayon, nagpapalakas. Maybe, they'll go home tomorrow morning since okay na naman ang pakiramdam niya. But your father still needs to be observed most especially his meals every day," sambit ni Lola na siyang ikinahinga ko ng maluwag. At least, he's already fine now. "Naging mahilig daw kasi sa mamantika noong mga nakaraang buwan sabi ng Mommy mo, so look at him now. He is suffering from stroke because of it. Hay! Ewan ko ba riyan sa tatay mo, " dugtong pa nito at napafacepalm na lang.
Samantalang ako naman ay napahilot sa aking sentido.
Kaya pala nastroke dahil doon. Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit wala man lang sinasabi si Mommy sa akin? Tanging pangangamusta lang ang laging laman ng mga emails niya sa akin and never mentioned about Daddy's illness.
Well, maybe ayaw niya lang akong mabahala sa kalagayan ni Daddy lalo na't alam niya na mag-aalala ako ng husto rito. At isa pa, ayaw niya na rin akong mag-overthink at madepress ulit dahil lang doon.
But still, I have the rights to know.
Ugh!
"Uuwi ako Lola." I finally said which made them both turned their gaze at me. Parehas na may tanong at pag-aalala ang kanilang mga mata.
Para bang nagdadalawang-isip isip sila kung papauwiin ba ako o huwag na lang.
"Are you sure?" tanong ni Lolo na siyang ikinasang-ayon ko naman.
Oh, well. It's my father, ayoko namang tumunganga na lang dito at hayaan na lang ang pamilya ko sa Pilipinas.
At isa pa, ayoko na may mangyaring masama kay Daddy kaya as much as possible ay uuwi ako para maalagaan ko rin siya. I will set aside my fears and problems from the past, since it's already in the past now. I should at least face them already and conquer it with confidence.
My father needs me. At least, iyon man lang ang maging dahilan para simulan ko ulit ng may tapang at tibay ng loob ang buhay ko na iniwan ko sa Pilipinas.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mong iyan, anak? Pwede naman nating pag-usapan ulit ang tungkol riyan kung ayaw mo pang umuwi —"
"I'm fine, Lola." I interrupted from her sentence and sat between them in the sofa. "Maybe it's about time to go home and face everything I left behind. Naisip ko rin na, siguro nga ito na ang tamang panahon na ayusin ko naman ang naiwan ko sa Pilipinas since I already fixed myself here in Italy. Isa pa, kailangan ako ni Daddy. Kaya uuwi po ako. Final decision," wika ko na siyang ikinangiti nilang dalawa.
Agad naman nila akong niyakap na siyang ikinaganti ko rin ng yakap sa kanila.
I'm so much happy and grateful having them both in my life. A very supportive grandparents, indeed.
"I'm proud of you, Keishana. You're really a brave woman," sambit ni Lolo na siyang ikinalawak ng ngiti ko.
I'm not brave Lolo. I just learned.
"Just don't hesitate on calling us when you need us, alright?" ani naman ni Lola na siyang ikinatango ko naman at agad silang hinalikan sa kanilang mga pisngi.
"I love you both." I said which made them tightened their hug from me.
"We love you more, apo."