"Seryoso ka ba, Keishana? Baka namamalik mata o nabibingi ka lang?" hindi makapaniwalang sambit ni Ann na nasa kabilang linya.
Magkavideo call kaming dalawa ngayon. At dahil hindi ako makatulog nang dahil sa lintik na party'ng yun kaya napagdesisyunan ko nang tawagan si Ann. Buti na lang dahil gising na siya sa mga oras na ito, it's already freaking 2 o'clock in the morning here in Italy but still, I'm not sleepy yet. At dahil 6 hours behind ang Italy sa Pilipinas ay 8 na rin ng umaga ngayon doon.
At kung bakit ako nagdesisyon na tumawag sa kaniya ay dahil gusto kong malaman kung ano na nga ba ang nangyayari sa kanila sa Pilipinas ngayon lalong-lalo na sa kaniya, lalo na't apat na taon akong nawala. And for the first time in four years ay naitanong ko rin ang bagay na iyon dahil na rin sa nangyari kagabi.
At dahil akala ko rin na may makukuha akong matinong sagot kay Ann kaya ako napatawag sa kaniya at ikwento ang nangyari, but seeing her expression right now and hearing those words from her? I guess, wala rin siyang alam at lalong wala akong makukuha na matinong sagot mula sa kaniya.
"I'm serious. Mukha ba akong nagbibiro? I really saw him earlier. And nakakapanibago lang dahil sa awra at postura niya pa lang kanina ay ibang iba na siya." Humugot ako ng malalim na buntong hininga.
"It's been four years, Keish. Marami na talagang nagbago," sagot niya at ngumiti ng kaunti sa akin. "Lahat ng nakasanayan mo, niyo, o natin ay nagbabago nang hindi natin namamalayan. Change is inevitable, so expect ka na rin na sa pagbabagong yun, ay kasali na rin ang pag-iibigan ninyong dalawa na naudlot dahil sa nangyari sa nakaraan."
Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya.
Lahat ng sinabi niya ay totoo.
Pero bakit natitigilan pa rin ako? Ako rin naman ang lumayo, ako ang bumitaw, ako ang nang-iwan sa kaniya sa ere. So what would I expect in return? That he would still the same person that I knew before?
No.
That will never happen.
Even the love and affection that once we shared together will never be the same. Lahat ay nagbago na, lalo na siya.
And so do I.
Pero hindi ibig sabihin na nagbago na ako eh, nakamove on na ako sa lahat. Maybe I grow as a woman, I grow better without him, but it doesn't mean, I am completely over him. Pero hindi rin ibig sabihin na mahal ko pa siya magpasahanggang ngayon.
Hmm. . . Siguro konti.
"I know right," sagot ko na lang matapos ang ilang segundo. "Besides, I did not expect something else the moment I saw him. And I will never be. After what I did to him? Do you think he would forgive me? Do you think he would still accept me again in his life? He's not a fool and a stupid, you already knew it, right Ann? I hurt him, I lost our child, and still I have the guts to leave him just like that. So, yeah. If ever man na magkita kami ulit, and whatever treatment he would do to me, I won't stop him cause I deserve it. And I won't blame him for that either."
"You forget one thing there, Keish." Nagtataka naman akong napatitig sa kaniya.
"What is it?"
Nangalumbaba muna siya bago ako sinagot. "Hindi ikaw ang may kasalanan. Nadamay ka lang at dahil doon ay kinailangan mong umalis to heal and move forward from your lost one," she paused for a moment before continuing her sentence."You never deserve any kind of treatment unless it's a good treatment Keishana. Dahil wala kang kasalanan, tandaan mo yan. Kahit na sabihin mong ikaw ang nang-iwan kaya deserve mo ang ganitong treatment, o ang ganiyan... No. You left because you need to, not because you want to. And if he don't understand that fact then it's his problem anymore, and not yours. Plus, treating you bad won't change a thing. Sila ang may kasalanan sa iyo, Keishana. Sana wag ka nang magbulag-bulagan ngayon. It's been four years, Keish. And you told me that you're not the same as before, kaya gusto kong panindigan mo iyon."
Agad naman akong natahimik dahil sa sinabi niya.
Bakit ba lahat ng lumalabas sa bibig ni Ann ay puro tama at may punto? Iba talaga ang babaeng to.
At oo, tama nga ang sinabi niya. Wala akong kasalanan, kung tutuusin ay hindi naman talaga ako kabit. And I just knew it 2 years ago noong malaman ko rin kay Ann ang tungkol sa ginawa ni Ate noong nasa Australia pa ito.
Matagal na pala silang hiwalay, and Tristyn can't admit the whole truth with me because he's afraid na baka bumaba ang tingin ko sa kapatid ko — which really happened the moment I finally knew it up until now.
Ang tanga ko lang dahil nagpa-uto lang ako sa kaniya. At napaniwalang kabit nga ako at ako ang nakasira ng relasyon nilang dalawa. But no... dahil matagal na silang sira.
But still, Tristyn should have told me, nang hindi ako magmukhang tanga.
But yeah... It's all in the past now, okay na ako. Naintindihan ko na ang lahat, kaya naman ay ngayon, I finally learned prioritizing myself first than prioritizing others. Ang dami kong natutunan dahil sa mga nangyari, and I use it to move forward.
Kaya heto ako ngayon, nanatiling matatag at mas tumatatag pa sa paglipas ng panahon. I can now do whatever I want, without anyone's permission. I can live my life to the fullest without minding anyone's opinion.
Everyone doesn't matter anymore but me, myself alone.
Matapos ang pag-uusap naming iyon ni Ann ay salamat sa Diyos at nakatulog na rin ako sa wakas.
Kinabukasan ay late na akong nagising kaya naman ay nagkukumahog akong tumakbo papasok ng banyo para maligo at magbihis.
May meeting pala ako ngayon sa isa sa mga clients ni Lola tapos napasarap pa ang tulog ko kaya di ko namalayan ang pagtunog ng alarm clock ko. Hindi kasi siya makapunta dahil nasa ospital si Manang Silvia, inatake raw kagabi ng high blood kaya sabi ni Yaya Marrietta pinagbilin raw ni Lola na sabihin sa akin na ako raw muna ang mag-aasikaso ng meeting dahil hindi sila makakapunta. Si Lolo kasi ay nasa farm. Busy rin sa kaniyang mga kabayo.
Buti na lang dahil tungkol sa Boutique ang pag-uusapan kaya naman ay kahit papano, nakapaghanda ako.
And about kay Tope na iniwanan ako kagabi sa may table namin, nasalubong niya raw ang Lolo ni Theresa kaya kinausap niya na lang ito at nakalimutan nang may kasama pa pala siyang naghihintay sa kaniya sa table.
Naging okay naman daw ang deal nilang dalawa kaya naman ay hindi ko na siya sinungitan at pinagsabihan pa.
Matapos kong maligo at magbihis ay lumabas na agad ako ng kwarto dala ang mga gamit na kakailanganin ko sa meeting. Hindi na rin ako magbebreakfast dahil sobrang late na ako.
Dapat pala nilakasan ko ang tunog ng alarm ko kagabi bago natulog. Hays, ang tanga mo talaga kahit kailan, Keish!
Pagkababa ko sa sala ay naabutan ko agad si Tope na nakadekwartrong nakaupo sa may sofa habang may hinihintay.
I'm sure, kukulitin lang niya ako like his usual routine.
"Vostra altezza—"
"Not now, Tope. Please! I'm in a hurry," putol ko agad sa morning routine niya nang makita akong pababa ng sala. Yan lagi ang greetings niya sa akin tuwing umaga — kung umaga pa nga ba ang matatawag dito dahil 9:28 na at nandito pa rin ako sa bahay.
Exactly 9am ay dapat nakapagsimula na kami sa meeting, but because of my stupidity, heto at 28 minutes late na ako.
"Ayan kasi, ang kupad-kupad mo. Halika na at ihahatid na kita!" irap niya naman sa akin at namewang. "Pasalamat ka dahil dala ko ang kotse ko at walang traffic sa mga oras na ito. Gosh, Keishana. Hindi ka na talaga nadadala."
"Aba! At ako pa ang—"
"Shut up and let's go!" sabay hatak niya sa akin palabas ng bahay dahilan upang maudlot ang dapat sana ay sagot ko sa mga sinabi niya.
This man is getting on my nerves, really!
But good thing pala dahil nandito siya. Hindi na ako mahihirapang magdrive dahil siya na muna ang magiging driver ko ngayong araw.
"Mabuti naman dahil may silbi rin pala ang pagpunta mo rito," kumento ko na siyang ikinairap niya lang.
Kahit kailan talaga, mas mataray pa sa akin ang baklang to!
"Duh! Pasalamat ka dahil mabait ako ngayon at hahayaan kang maging personal driver mo for this day. Pero wag kang kampante, mahal ang TF ko at naniningil ako," sagot naman niya bago ako itinulak papasok ng kotse niya nang wala man lang pasabi.
"My ghad, Tope! Pwede bang magpakagentleman ka naman kahit minsan! Paano na lang kung nangudngud yung nguso ko at nagkapasa!"
"Ang OA mo naman. Hindi ka naman nangudngud kaya di ka magkakapasa!" sabay sarado niya ng passenger seat at patakbong lumiko patungo sa drivers seat.
Kung hindi ko lang talaga kaibigan ang taong to, baka kanina ko pa ito sinapok at kinaladkad palabas ng bahay ko.
"I hate you!" sambit ko na lang at busangot na umayos ng upo.
May araw ka rin sa akin!