KABANATA 3

1148 Words
"Have you heard about the unexpected guest of the DeVille's?" tanong ni Tope sa akin nang makaupo na ako sa table na napili namin dahilan upang mapatingin ako sa kaniya at tumango. "Yeah, narinig kong usap-usapan ng mga kababaihan doon sa buffet table," sagot ko saka humiwa ng beef steak mula sa may pinggan ko upang magsimula nang kumain. Nagugutom na kasi talaga ako at wala naman akong pakialam sa mangyayari sa party'ng ito. Pumunta lang din naman ako dito para na rin makikain nang magkasilbi naman ang pagdadala sa akin dito ni Tope. Napansin ko ang iilang babaeng nasa 'di kalayuan namin at nagpapacute habang nakatitig kay Tope samantalang busy naman ito sa pagsasalita. Naaawa ako sa mga babaeng nagkakagusto kay Tope. Hindi kasi nila alam na ang lalaking kinahuhumalingan nila ay lalaki rin ang gusto. Hays. "I've heard that he's the young multi-millionaire of the Philippines. Sa tingin mo kaya kasing edad lang natin siya or maybe a little ahead of us? I want to see him," ramdam na ramdam ko ang sabik sa kaniyang boses habang sinasabi ang mga salitang yun na siyang ikinataas ng kilay ko." Ahh, whatever it is... Ayos lang naman sa akin, basta ba-" "Seryoso ka ba sa mga pinagsasabi mo? Really Tope?" hindi ko makapaniwalang sambit sa kaniya habang nakataas ang kilay." Sa tingin mo naman papatulan ka ng taong yun?" dugtong ko pa dahilan upang matigil siya sa kaniyang daydreaming at iritang napatingin sa akin. "Really Keish? Coming from you? Talaga bang wala kang bilib sa charms ko?" I just rolled my eyes in the air. "You're unbelievable. Pumunta lang ba tayo dito para mag boy hunting? Yan ba ang sinasabi mong importante kaya mo ako pinipilit inaayang maging date mo-" "Of course not! Ano ba, Keishana. Nagjojoke lang naman ako, eh. Ito naman masyadong seryoso sa buhay," he even crossed his arms at the front of his chest and rolled his eyes as well. "Your great grandmother asked me to talk to Mr. DeVille for business purposes. And-" "And?" tinaas ko ang isang kilay ko para iparating sa kaniya na gusto kong makarinig ng magandang rason dahil iiwan at iiwan ko siya dito kapag nagkamali siya ng isasagot. "And, kapag na-approved na ang deal nilang dalawa ng Lola mo, you and I with that linta girl will be the one who will manage to that proposed project, na siyang matagal na nilang plano noon pa. And that proposed project that I am talking about, is to build a clothing boutique doon sa Pilipinas. The main branch will be located in Metro Manila. At tayo mismong tatlo ni Theresa ang magiging utak ng ipapatayong boutique na iyon," sagot niya na siyang ikinatango ko naman bilang sagot. So, may silbe naman pala ang pagpunta namin dito. Ang akala ko ay dahil trip niya lang kaya kami nandito. "At ano naman ang branch name ng boutique na iyan?" I crossed my arms in front of my chest as well. "Ang dami nang branches ang StaryDress boutique. Ano na namang pakulo ang ginagawa ng Lola ko? And for what?" I added which made him rolled his eyes in the air. "Of course, para sa mga paboritong apo ang boutique na iyon, which is you and that Theresa girl. They wanted the two of you to reunite and be close to each other since her family and yours are business partners and of course, Theresa's grandparents are a great friend of your Lolo and Lola," he answered and lean closer to me. "And for addition, kung naging lalaki lang si Theresa ay baka gumawa na sila ng arrangements para ikasal kayong dalawa." Napairap naman ako sa sinabi niya. "We are not in a fictional world, Tope. So please, your imagination makes me vomit. It's really cringe," untag ko bago ipinagpatuloy ang aking pagkain. "Masyado ka talagang bitter, dito ka na nga muna. Mag-c-cr lang ako." Tumayo na agad siya at umalis bago pa man ako makasagot sa kaniya. Napairap na lang ako sa hangin at pinagpatuloy ang kinakain ko. Hindi naman ako bitter, eh. Masyado lang kasing cringe ang pinagsasabi niya. • Thirty minutes had passed, tapos na akong kumain at lahat-lahat na ngunit wala pa ring Topher Kiel Morelli ang bumalik mula sa CR. Nasaan na ba ang baklang iyon? Mukha yatang naflash na rin pati sarili niya sa inidoro. Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo sa table namin ni Tope nang bigla na lang namatay ang ilaw na naging dahilan ng pagsinghap naming lahat dahil sa pagkagulat. Teka, brown out ba? Di ako nainform na uso rin pala ang brown out sa Italy sa kalagitnaan ng party. Tumuloy ako sa pagtayo kahit na madilim, I used my phone's flashlight para makita ang daanan ko. Hahanapin ko si Tope. Nakakainis rin ang baklang yun, dadalhin ako sa party para may makasama tapos iiwan rin pala ako rito mag-isa. Nakuu, may araw rin sa akin ang lalaking yun. Hinding-hindi na talaga siya makakaulit pa na mapasama ako sa party tapos iiwanan. Hahakbang na sana ako para simulan ang paghahanap ko sa kasama ko nang sa pangalawang pagkakataon ay nabigla ako nang bigla-bigla na lang din bumukas ang spotlight mula sa taas at itinapat ito roon sa may gitna ng entabldo, kung nasaan ang pamilya ng mga DeVille's. Goodness.. Ilang beses ba akong magugulat sa gabing ito? "Buonasera a tutti," bati ng Daddy ni Theresa if I'm not mistaken or anything. (Good evening, everyone.) "I don't want you to wait any longer. Tonight, in addition to celebrating my daughter's birthday, we will also celebrate the imminent becoming one of the business partners of a young multi-millionaire of the Philippines. It is a great privilege to be one of the lucky ones to work with this person—" he paused for a moment before continuing his sentences. Naudlot naman ang dapat sanay paghahanap ko kay Tope dahil sa kadahilanang nagkainteres na rin akong malaman, makita at makilala ang sinasabi nilang multi-millionaire ng Pinas. I never heard of him or her these past few years, na may ganun pala kayamang tao na nakatira sa bansang pinanggalingan ko. This is the first time in four years that I became interested into something. "— Now people, I want you to meet the multi-millionaire who has been the talk of the media and even on TV news. The mysterious man behind the mask." Biglang umusbong ang pagiging mausisa ko dahil sa pasuspence na peg ng tatay ni Theresa. Narinig ko naman ang mga bulungan ng mga ibang dumalo sa party. Halatang hindi na rin sila makapaghintay na makilala nila ang sinasabi nilang multi-millionaire ng bansang Pilipinas. Even me can't take the wait any longer. "Please be on stage, Mr. Tristyn Ford Salvatierra Guevara." Halos matumaba ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang gulat at hindi makapaniwala sa narinig. Did...did I just heard him right? Si Tristyn?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD