KINABUKASAN ay naging abala si Eloise dahil nagsimula nang maglecture ang kanilang mga guro. Taimtim na nakinig si Eloise sa kanilang 21st literature na lecture habang nagta-take note ng mga importanteng lessons. Napasulyap siya sa kanyang katabi na si Voltaire. Taimtim din itong nakikinig pero hindi man lang ito nagta-take note na para bang saulo niya lahat ang impormasyong binanggit ng kanilang guro. She can't help but to stare. ‘I believe in side profile supremacy!’ ani niya sa kanyang isipan. Napansin naman ni Voltaire ang ginawang pagtitig ni Eloise kaya napalingon siya sa dalaga. Nasopresa naman si Eloise sa ginawang paglingon ni Voltaire kaya automatiko naman siyang napaiwas ng tingin kahit nahuli na siya ni Voltaire. Ibinalik ni Voltaire ang kanyang tingin sa harapan. “Stop st

