MATAPOS ang ilang minuto ay nakarating na sila sa bar kung saan gaganapin ang 'Welcome Party'. Medyo marami na rin ang mga taong nandito. Napag-alaman ni Eloise na ang bar na ito ay isa sa pagmamay-ari ng pamilya ng kabatch nila. Habang nasa biyahe sila, walang tigil naman sa pagsasalita si Arkie kaya maraming nalaman sina Jianne at Eloise tungkol sa 'Welcome Party' na taon-taong ipinagdiriwang. Unang binuksan ni Arkie ang pinto ng backseat at lumabas naman agad si Jianne. "Thank you," sambit ni Jianne pagkababa niya. "You're welcome!” nakangiti nitong tugon. Nakasimpleng highwaist pants lang si Jianne at pinaresan niya ito ng isang croptop at two inch sandal. Habang naka hip mini skirt naman si Eloise na may slit sa gilid nito dahilan para mas tumambad pa ang makinis at maputi n

