ALAS singko pa lang ng umaga ay gising na si Eloise. Habang iniinda ang kanyang hang-over. Pilit niyang inaalala ang lahat ng nangyari kagabi bago siya nalasing at kung paano siya napunta dito sa kanilang kwarto. Napatingin siya sa kama ni Jianne at nakita niya itong mahimbing na natutulog. Napahawak siya sa kanyang ulo. “Ah! Ang sakit ng ulo ko!” daing niya habang sobrang tuyo naman ng kanyang lalamunan. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakahiga niya at kinuha ang card sa kanyang wallet na nagsisilbing credit card nila sa lahat ng purchase nila sa loob ng campus. Naisipan niyang bumaba upang bumili ng malamig na tubig. Marahan niyang binuksan ang pinto upang hindi ito maglikha ng ingay para hindi magising ang mahimbing na pagtulog ni Jianne. Nanatiling ganoon pa rin ang kanyang su

