“Ang tagal mo naman!” reklamo ni Eloise pagkadating ni Jianne sa table. “Naku! Doon ka nga magreklamo kay Sir! Ewan ko ba! Marami pa namang estudyante ang naroon pagkarating namin, pero ako pa talaga ang pinili na tawagin!” labas usok sa ilong na saad ni Jianne at agad na humigop sa kanyang iced coffee na medyo natunaw na ang ice. “Baka type ka?” pabirong saad ni Eloise. Umakto namang nagulat si Jianne sa sinabi ni Eloise, “Talaga ba?” aniya pero kalaunan ay nagtawanan lang din ang dalawa. “Order ka nga ng snacks, nagugutom ako e!” pag-uutos na saad ni Eloise habang nagta-take note ng mga importanteng detalye sa kanyang notebook tungkol sa kanilang topic. “Maka-utos naman to!” hindi makapaniwalang saad ni Jianne. Eloise chuckled. “Pretty, please?” pakiusap niya rito na agad namang ik

