NASA isang ice cream station silang dalawa ni Eloise at Jianne at kasalukuyang nagkwe-kwentuhan. Matapos kasi ng ginawa nilang pagsusi sa kanilang silid, niyaya ni Jianne si Eloise na lumabas silang dalawa. Hindi umangal si Eloise, dahil advantage rin naman ito para sa kanya na isang transferee student na magkaroon ng bagong kaibigan.
“So, saan ka pala galing?” Jianne asked while licking her spoon na punong-puno ng ice cream.
“Sa tiyan ng mama ko po,” biglang tugon naman ni Eloise habang ninanam-nam ang ice cream na natutunay sa kanyang dila.
Napaismid naman si Jianne dahil sa kalokohan ng kanyang kaibigan. “Seryoso nga kasi!” aniya sa isang naiinis na tono kasabay naman nito ang pagpadyak ng kanyang paa sa ilalim ng kanilang table.
Sumubo muna si Eloise at nagsalita, “Sa Mindanao.”
Manghang tumingin naman si Jianne sa kanya. “Hindi ba, puro giyera roon?” tanong nito na siyang ikinatawa ni Eloise.
“Anong puro giyera? Hindi kaya,” tugon ni Eloise habang natatawang tinignan ang reaksyon ni Jianne na halatang walang kaide-ideya sa mga pinagsasabi niya.
“May mall din ba roon? May internet din ba kayo? May mga sasakyan din ba?” sunod-sunod na tanong ni Jianne kay Eloise na siyang ikinabigla niya dahil walang siyang ideya na ito pala ang iniisip ng mga tao rito sa kapuloan ng Mindanao.
“Hellooo! Taga Pilipinas, din ho kami! Opo, mayroon po kaming mall, internet connection at mga sasakyan,” may pagkadiin na pagkakasabi ni Eloise dahil sa kaibigan niyang walang kaalam-alam.
Nahihiya namang ngumiti si Jianne dahil sa naging tanong niya kay Eloise, “Sorry naman, I didn’t know kasi e.”
Napailing nalang si Eloise at napangit, “Don’t worry, it’s okay. We know naman na iyon talaga ang tingin ng iba sa lugar ng mga kabisayaan.”
Tumango-tango naman si Jianne sa sinabi ni Eloise, “Is the air fresh there?” tanong nito muli kay Eloise.
“Definitely, yes! It also has many tourists spots and beautiful islands,” Eloise said proudly.
“Oh! I’d love to go there! But, it’s quite far away right?” naniniguradong saad ni Jianne.
“It’s not that far. But it will be faster if you choose to ride a plane to flew there and of course, it depends on your destination,” Eloise explained while eating her ice cream.
“Ohh..” manghang saad naman ni Jianne.
Nang matapos nilang kainin ang order nilang ice cream, napagdesisyonan na nilang umuwi dahil bukas babalik ulit sila sa dormitory upang ilipat ang kanilang gamit.
KINABUKASAN ay maagang gumising si Eloise. Katulad ng daily routine niya, naghilamos muna siya bago bumaba upang kumain ng almusal. Kahit na maaga siyang gumising, hindi niya pa rin naabutang mag-almusal ang kanyang mga magulang dahil kanina pa ito umalis.
Naiintindihan niya naman na abala ang kanyang mga magulang sa kanilang negosyo. Hindi siya nagtatampo sa mga ito, dahil kapag off work ang kanyang mga magulang ay bumabawi naman ang mga ito sa kanya.
Natapos na siyang mag impake kagabi ng mga damit na dadalhin niya sa dorm. Ang tanging gagawin niya lang ay ang dalhin ito. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na kaagad siya. Habang dala-dala niya ang box at inilalagay ito sa trunk, biglang nagvibrate naman iyong cellphone niya. Inayos niya muna ang box na dala niya at kinuha ang cellphone na nasa bulsa.
From: Jianne
Message:
I’m on my way, see you there!”
Napangiti naman siya nang matapos niyang basahin iyon. Inilagay niya na sa trunk ng kotse ang ibang box at pagkatapos ay pumunta na sa driver seat upang tahakin ang daan papuntang skwelahan.
Mula sa entrance ng napakalaking gate ng kanilang skwelahan, tanaw na tanaw ni Eloise ang mga kotseng kakapasok lamang. Dumiretso na patungong dormitory si Eloise, mabuti nalang at itunuro ni Jianne sa kanya ang isang daanan, kung saan diretso na agad sa girls dormitory.
Ibinaba ni Eloise ang window ng kotse niya at pinatay ang aircon upang lasapin ang sariwang simoy ng hangin habang tinatahak ang diretsong kalsada patungong gate.
“Mabuti nalang at mapuno dito. Sa paraang ito, hindi ako masyadong mangungulila sa buhay probinsya,” sambit niya sa kanyang sarili.
Noong siya’y nasa Mindanao pa lamang, madalas silang pumupunta sa kabukiran ng Lola Amelia. Kaya labis na lamang ang pagkahumaling ni Eloise sa buhay probinsya , dahil malaya niyang nalalasap ang sariwang hangin at nakikita ang mga magagandang tanawin.
Ipinark niya na ang kanyang sasakyan at dumiretso agad sa trunk ng kanyang kotse. Nanlulumo naman niyang tinignan ang apat na box at ang kanyang maleta dahil sasakit ang paa niya sa kakaparoon at parito niya kapag hinakot niya na ang mga ito.
Nasa ikalawang palapag iyong room nila at medyo may kalayuan naman ang lobby mula sa parking lot. Napahawak si Eloise sa kanyang noo habang nakapatong naman ang isa niyang kamay sa kanyang bewang.
“Paano ko naman ‘to dadalhin lahat? Nasa ikalawang palapag pa naman ‘yong room namin,” napakagat labi niyang saad sa sarili habang nagsimula nang mamuo ang pawis sa kanyang noo.
Napabuntong hininga naman siya at kinuha ang isang box. “Mabuti pa’t i-akyat ko nalang ‘to nang matapos na,” nahihirapan niyang usal dahil may kabigatan ang dala-dala niyang box.
Iniwan niyang nakabukas ang trunk ng kotse, panatag naman siya na hindi nanakawin iyong kotse niya dahil may mga cctv camera naman na nakapalibot sa buong lugar.
Maingat naman ang ginawa niyang pag-akyat dahil hindi niya gaanong kita ang kanyang bawat paghakbang, natatakpan kasi ng box ang kanyang paningin.
“Ops! Sorry,” sambit niya nang may nasawi siyang babae na pababa ng hagdan.
Nagpatuloy lamang sa pagbaba ang babae at hindi na nag-abala pang tumugon sa paumanhin ni Eloise.
Hindi nalang iyon pinansin ni Eloise dahil nahihirapan na siya sa ginawa niyang pagbubuhat, lalo na’t may kabigatan ito.
‘Ano ba kasing pinaglalagay ko dito sa box na ‘to? Ang bigat!’
‘Kung naisip ko lang na hahantong pala ako sa ganito, sana konti nalang iyong dinala ko!’
Hindi na siya nag-abala pa na ibaba ang box at ginamit nalang ang isa niyang kamay upang pihitin ang doorknob.
‘Mabuti nalang at hindi pa kami nabigyan ng susi.’
Tuluyan niya nang binuksan ang pinto at pumasok na.
“Jianne? Are you there?” pagtawag niya rito.
“Yep! Over here!” rinig niyang tugon na parang naroon eto sa loob ng banyo.
Ibinababa niya sa gilid ng malaking closet ang dala niyang box at nag-stretch.
Nagtataka namang tumingin si Jianne kay Eloise. “Masakit ba katawan mo?” tanong niya rito.
“Medyo, ang bigat kasi niyan—“ pagtutukoy niya sa box. “—May tatlong box pa nga do’n at isang maleta,” kamot ulong saad ni Eloise.
Tumawa naman si Jianne at nagsalita. “Ano ba kasing pinaglalagay mo diyan? Alam mo naman siguro na nasa second floor tayo,” pangaral ni Jianne sa kaibigan.
“Hay, ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko,” aniya at umayos na siya ng tayo. “Balikan ko muna iyong ibang box, nang matapos na ‘ko,” usal ni Eloise kay Jianne na kasalukuyang nag-aayos din ng kanyang mga gamit.
“Good luck, sa pagbaba at pag-akyat mo rito. Hindi bale nang mahulog basta dapat naka-awra pa rin,” pang-aasar na tugon ni Jianne.
“Ewan ko sa ‘yo!” ani ni Eloise at lumabas na ng kuwarto.
Tuluyan nang nakababa si Eloise at naglakad na ito patungong sasakyan niya. Napakunot naman siya ng noo nang makitang niya ang isang lalake na may kinuhang box galing sa trunk ng kotse niya.
Nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad habang pina-process ang kanyang nakita. Nanatiling nasa lalake ang kanyang paningin hanggang sa tuluyan na siya nitong nilagpasan.
“That’s my box right?” aniya at nilingon ang lalake habang nag-iisip. “I saw him picking that box—“ turo niya sa box na kasalukuyang buhat-buhat ng lalake. “Inside my trunk...” aniya at bahagyang nangamba dahil baka ninakaw na ng lalakeng iyon ang box niya.
Agad niya nang kinuha ang natirang box na hindi naman ganun kalaki at kabigat. Tatlong box lang ang dala niya at kasalukuyang dinala naman ng lalakeng iyon ang isang box. Dali-dali niyang sinarado ang trunk ng kotse at sinundan ang lalake na paakyat na sa itaas.
Patakbo niyang tinungo ang lobby at nagmadaling umakyat dahil hindi niya nasundan pa ng tingin ang lalake no’ng tuluyan na itong umakyat dahil sa u-shaped nitong hagdan.
Pagkarating niya sa kanilang palapag ay hindi niya na nakita ang lalake pati ang box nitong dala. Nagsimula namang kumabog ng malakas ang kanyang puso sa pag-iisip na baka ninakaw na nga ito.
“D*mn! Nandoon pa naman iyong ibang mga importanteng gamit ko!” nanghihinayang niyang sambit sa sarili.
Dali-dali naman siyang naglakad patungong kuwarto nila upang sabihin ito kay Jianne. Nasa labas na siya ng pintuan nila at agad niya nang binuksan ang pinto upang sabihin ang tungkol sa nawawala niyang box.
“Jianne! My box is missing!” hinihingal na sambit ni Eloise at ibinagsak sa sahig ang dala-dala niyang box. “A man took it inside the trunk...” nagsimula namang humina ang boses ni Eloise nang makita niya ang lalakeng may buhat-buhat na box. ”...As soon as I get there,” pagpapatuloy niya sa kanyang sinabi sa isang mahinang tono habang hindi pa rin siya makakilos dahil sa labis na gulat.
‘Anong ginagawa ng lalaking ‘to dito?’
“Uhmm... Eloise, this is Cris,” pagpapakilala ni Jianne sa lalaki.
"H-ha? Y-You know each other?" nauutal na tanong ni Eloise dahil hindi siya mapakali sa nakakatunaw na ipinupukaw na tingin ni Cris sa kanya.
‘Kung pwede lang, lupa kainin mo ako! Nakakahiya shi*t!’ sigaw niya sa kanyang isipan.
Agad naman umangal si Jianne sa naging tanong ni Eloise. “No! It just happened, that I know him," aniya habang tinatago ang kilig nito.
Tumango-tango naman si Eloise bilang pagsang ayon.
"I saw you struggling while holding the box, that's why I initiate to help you. I'm sorry if—" hindi na naituloy ni Cris ang dapat niyang sabihin dahil biglang nagsalita si Eloise.
"No, no! I should be the one saying sorry for what I've said," aniya habang nakayuko.
"It's okay," sambit ni Cris at dahan-dang ibinaba ang hawak niyang box.
"T-thank you,” nauutal na sabi ni Eloise.
Cris smiled at her. “I should probably get going, before someone sees me,” agad namang nakuha ni Eloise ang ibig nitong sabihin kaya agad siyang napaangat ng tingin.
’Oh, shoot! Men is prohibited nga pala dito sa girls dormitory,’ ani niya sa kanyang isipan.
"Hatid na kita sa baba," presinta niya rito.
"Okay, sure,” sang-ayon ni Cris at naunang lumabas.
Sinigurado na muna ni Eloise na wala na sa may pintuan si Cris st nakalayo na nang binalingan niya ang kaibigan. “Sh*t! That is so embarrassing!" mahina niyang usal.
Natatawa naman siyang tinignan ng kaibigan. “Well, hindi naman kita masisi if I were in your shoes, no!” ani ng kaibigan.
Napasapo naman sa kanyang noo si Eloise. “That was so stupid of me!" aniya.
"Oh, sige na! Sundan mo na 'yon!" pagtataboy ni Jianne sa kaibigan.
Sinamaan naman ng tingin ni Eloise ang kaibigan at patakbong naglakad upang habulin si Cris.
Nakasunod lamang si Eloise sa likod ni Cris hanggang sa tuluyan na silang makababa. Ramdam na ramdam naman ni Eloise ang mga matang nakatingin sa kanilang dalawa ni Cris pero ipinagsawalang bahala na lang niya ito.
Nasa labas na sila at kasalukuyan nagpapaslam na si Cris kay Eloise.
"Thank you for helping me and I'm sorry," ani ni Eloise.
Cris chuckled. “Don't worry, it's okay,” nakangiti nitong sambit at tuluyan nang naglakad papalayo kay Eloise.
Pinagmasdan ni Eloise ang likod ni Cris hanggang sa tuluyan na itong makalayo sa kanya. Inihakbang niya na ang kanyang mga paa upang tumungo papuntang hagdanan.
Sa ginawa niyang iyon, hindi niya inasahan ang masasamang tingin na ipinupukol ng mga kababihan na nasa lobby sa kanya.
Eloise raised her left brow. “What the hell are you looking at?" naiinis niyang sabi dahil kanina pa ang mga ito.
Tanging irap lamang ang iginawad ng mga ito sa kanya at saka ipinagpatuloy na ang kasalukuyang ginagawa ng mga ito.
Tinungo na ni Eloise ang hagdan at umakyat papuntang kuwarto nila. Pagkadating niya naman ay hindi siga tinigilan ni Jianne sa pang-aasar dahil sa nangyari kanina.
"Who would thought na isang Cris pala ang tutulong sa 'yo?" kinikilig na usal ni Jianne.
Hindi na lang pinansin ni Eloise ang mga pinagsasabi ng kaibigan at ipinagpatuloy na ang pag-aayos ng kanyang mga damit sa cabinet na nakalaan para sa kanya.
"Bakit ba kulang na lang atakihin ka sa kilig habang sinasabi mo 'yong pangalan ni Cris?" ani ni Eloise habang sinasarado ang kanyang cabinet.
"Basta!" impit na sigaw na may halong kilig na tugon ni Jianne
Tumabi siya ng upo kay Jianne sa sofa at tinignan ng maiigi ang kaibigan. “May sayad ka ba?" paninigurado niya.
Agad naman napatingin sa kanyang si Jianne. “Grabe ka naman! Kinikilig lang may sayad na agad?" aniya sa isang dismayadong tono.
"Eh, bakit kasi kung makatili ka para kang nakakita ng isang artista. Eh, si Cris lang naman 'yon,” ani ni Eloise.
"Hellooo!" biglang sigaw ni Jianne at hinarap si Eloise na siyang ikinabigla niya. “Si Cristopher Vera lang naman iyong tumulong sa 'yo!"
"Eh?" nakangiwing tugon ni Eloise.
"Don't tell me, hindi ka nagwa-gwapohan sa kanya?" tanong ni Jianne.
Kinuha ni Eloise ang throw pillow at inilagay sa kanyang paa. “Well, I admit that he's handsome—" hindi pa naman natatapos ni Eloise ang dapat na sasabihin niya dahil biglang tumili si Jianne.
"Oh! Diba? He's handome right?" kinikilig na sambit nito. “I can't believe na nasilayan ko siya ng gano'n kalapit! All I can say is thank you for that! Kung hindi dahil sa box mo, hindi ko masisilayan ng mas malapitan ang gwapong pagmumukha ni Cris!" muntik namang mahulog mula sa kanyang kinauupuan si Eloise dahil sa biglaang pagyakap ni Jianne.
‘Well, gwapo naman talaga si Cris and I won’t deny the fact that he is hot too,’ ani ng malanding kaluluwa ni Eloise sa kanyang isipan.