MAAGANG gumising si Eloise dahil ito na ang araw ng simula ng kanilang klase. Alas singko pa lang ng umaga, kung kaya't nanatiling tulog pa rin si Jianne. Unang araw pa lang ng kanilang klase pero kailangan na nilang magsuot ng kanilang school uniform. Inayos ni Eloise ang kanyang uniporme na black pleated skirt above the knee at white fitted blouse na may pares na necktie na kulay gray. Dumiretso na siya sa banyo upang maligo. Ramdam na ramdam niya ang bawat patak ng tubig sa kanyang balat na galing sa shower. Napag-isip-isip niya kung anong mangyayari sa buong taong pag-aaral niya rito. She's excited but at the same time she's nervous too. Alam niya na malayo ang pinagkaiba ng skwelahang 'to kesa sa nakasanayan niya. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na siya kaagad. Saktong pagl

